Sa mga nakaraang nangyari. Masaya ang magkakaibigan. Nagtatawanan. Nagmamahalan lahat sila. Pano kaya kung may isang umalis sa kanila. Ano kaya ang mangyayari sa magkakaibigan?
It's Complicated naba?
Lets Find out!
.....
.....
.....
Mga February nun. Nang nag-invite si Jayjay na mamasyal. Inivite niya ang buong friends niya na pumunta sa SM. Maglilibre kasi siya dahil binigyan siya ng money ng Dad niya. Nagcall siya sa kay Cristian at sinabing
"Uiyy! Cristian invite ko sana kayo na mag-SM tayo. Libre ko kayo!" sabi ni Jayjay mula sa kanyang phone.
Natuwa naman si Cristian at sinabing
"Oo cge. Kailan ba?" sabi naman ni Cristian na nagagalak.
"Sa Saturday! 10:00 Am sharp." sabi naman ni Jayjay.
"Ah cge!" sabi naman ni Cristian na excited na excited.
"Pakisabi nalang sa mga chaka nating friends." sabi ni Jayjay na parang magpapa-alam na siya sa kanila.
Masayang binaba ni Jayjay ang kanyang phone. Parang meron siyang ibang naramdaman na parang may signus na kailangan na siyang magpaalam sa kanila.
Hindi sinabi ni Jayjay na may sakit siya sa puso. Hindi niya to sinabi dahil baka siguro ayaw niyang masaktan ang mga kaibigan niya. Malungkot si Jayjay sa tuwing na-aalala niya na may sakit siya sa puso. Parang di niya ito matanggap. Kasi nga naman kahit sinong tao ang magkaroon ng sakit na ganun ay siguradong malulungkot. Ang sakit sa kanya na mawala siya o mahiwalay siya sa kanyang mga friends. Baka kasi sa sakit niya ay ma-aari siyang manirahan sa ibang bansa. Dahil sa America lang kasi siya magagamot ng maayos.
"Paano ko kaya sasabihin tong karamdamang kong to sa mga friends ko?" malungkot na tanong ni Jayjay sa kanyang sarili.
.....
.....
.....
Nasabi naman ni Cristian ang pinag-usapan nila ni Jayjay sa mga friends nila. Ang saya-saya nilang lahat. At excited silang lahat. Kaya naghanda din sila ng isang regalo sa kanilang kaibigan.
Dumating ang araw na yon. Oh, its Saturday! ♥
Naghanda na ang magkakaibigan.
Mamamasyal na sila sa SM! At isang remembrance na naman ang hindi nila makakalimutan!
Magkikita-kita ang magkakaibigan sa isang park. Hindi na lang nasabi ni Jayjay na doon sila magkikita-kita dahil naubos na ang pangcall niya. Kaya tinext niya na lang ito sa kanila.
Naunang dumating sina Joyce at Luis. Excited na excited sila at masaya!
"Bat naman ang tagal ng mga iyon? Ang call time 10:00 eh. Mag teten fifteen na ah.!" sabi ni Joyce.
"Oo nga eh!" sabi naman ni Luis.
Maya-maya pa ay dumating na sina Angela, Vernice, Krizzia, at Cristian. Masaya silang dumating at nagbeso-beso pa sila. Ang turing nila sa isa't-isa ay parang magkakapatid na. Sinalubungan naman sila nina Luis at Joyce.
"Hi mga bestfriend! Nasan na si Jayjay?" sabi ni Cristian.
"Wala pa nga siya eh." sabi naman ng dalawa.
YOU ARE READING
Ang Mga BestFriend Kong Christmas Lights! (Maybe On or Off)
Short StoryIn your life kailangan mo ng mga Friends! First dahil sila ang mga kasama mo araw-araw. Second dahil sila ang tumutulong sayo kapag may short problem ka! (Like Math Problems) Haha! And Last dahil sila ang Kaharutan mo!, Mapagsasabihan mo ng mga Secr...