Hi! Ako nga pala si Jayjay Velasco!
Ako nagsimula akong magkaroon ng kaibigan noong ininvite nila ako nina Angela at Joyce.
Masaya naman kami magkakaibigan lalo na ng nakumpleto kami. Tinatawag nga kaming "BFF BUNDLES" sa school eh. Ang saya ko araw-araw. Halos lahat ng araw ko ay nasa kanila. Tawanan,kwentuhan,tsismisan at marami pang iba ang ginagawa namin araw-araw sa school. Halos alam namin lahat ang ginagawa ng isa't-isa sa amin. Nagsasabihan din kami ng aming mga secrets tulad ng mga crush namin. Asaran kapag dumadaan si crush. Hay naku talagang tong mga to pinapahalata pa nila ako sa aking crush! Huhu! Marami na din kaming nagawang kalokohan sa school. Tulad ng pagpunta sa loob ng simbahan habang nagchichikahan at kumakain ng recess. Kaya naman noong minsan ay pinatawag kami ni Sir Sungit sa Principal's Office!
"Hala bakit kaya tayo pinapatawag ni Sir Sungit?" sabi ni Cristian.
"Hay naku lagot tayo niyan. Dahil sinumbong tayo nyan ni Kuya Dambs. Nakita niya kasi tayong kumakain sa church eh." sabi ni Luis.
Kinakabahan kaming lahat. Halos nanginginig kaming lahat. Lalo na ako! Nagtutulakan kaming pumunta sa Principal's Office. Dahil ayaw naming kami ang mauna. So ang nangyari ay pinag-basehan nalang namin ang aming mga names. So ang nauna ay si Luis. Siya kasi ang nauna dahil ang surname niya ay De Vera.
"Goodluck Luis!" sabi naming lahat sa kanya.
Ayaw niyaman pero pinilit namin siya. Tinulak namin siya sa door ng Office. Then nakapasok na siya.
"Napano na kaya siya? Bat ang tagal naman niya?" sabi ni Krizzia.
Ano-ano na ang aming ini-isip. Baka ma suspended kami.
(After 3 minutes)
Lumabas na si Luis. Pero bat ganyan ang kanyang reaction. Parang ano na ang mangyayari sa amin?
"Hello guys. Bat ganyan ang pagmumukha niyo?" sabi ni Luis.
Medyo kumalma naman kami ng sinabi yun ni Luis. At tinanong ku siya kung ano ang pinag-usapan nila ni Mr. Sungit.
"Luis, ano ba sinabi ni Mr. Sungit sayo? Bakit ba ganyan ang mukha mo? Ano papagawa niya sa atin? Ano ba ang parusa?
Ngumingiti lang si Luis sa amin. Habang kami ay medyo kinakabahan.
"Wala naman sinabi si sir na parusa. Basta sinabi niya na wag na daw natin gagawin yun. Dahil nasa Catholic School pa naman daw tayo. Baka daw may makakita na taga ibang lugar. At sasabihing parang hindi naman Catholic school to. Bat pumupunta ang mga Students sa loob ng simbahan habang kumakain."
Ay salamat. Gumaan na lahat ang loob namin. At masaya kaming pumasok sa aming classroom.Nasa classroom na kami ng biglang nadapa si Joyce.
"Hahahahaha." nagtatawanan na sabi ng aming mga classmates.
Syempre pati din kami ay nagtawanan ng slight. Tinayo ni Vernice si Joyce. At umupo na kaming lahat.
Pagkalabas sa school ay sabay-sabay kaming nag lakwatya. Nagmeryenda kami ng sabay-sabay sa isang restawrant. (Haha! Parang carinderia lang! Wag assuming ah! Haha!)
Pagkatapos naming kumain ay biglang napautot si Cristian.
(Pruttt! Haha. Sound to ng utot.)
"Aiy naku Cristian naman. Ang baho! Parang ngayon kalang umutot ah!" sabi naming lahat sa kanya.
Sumagot naman si Cristian at sinabing
"Meron bang utot na mabango! Syempre Utot mabaho! Shunga lang!" napapahiyang sabi ni Cristian.
Pagkatapos nun ay unti-unti na kaming nababawasan. (Hindi naman yung may namamatay ah! Santabe!)
"Goodbye mga Best!" ang sabi ni Krizzia.
"Godbless! Sige!" ang sabi namaing lahat sa kanya.
Habang papalapit na kami ng papalapit sa bahay namin ay unti-unti kaming tumatahimik. Iba parin kase kapag kumpleto kami. Kaya yan ako nalang isang naglalakad. Silang lahat ay naka-uwi na. Hmm. Ako kasi ang pinaka malayong bahay sa school eh kaya ako ang nag-iisang umuwi.
Ano kaya ang susunod na mangyayari? Abangan! <3
BINABASA MO ANG
Ang Mga BestFriend Kong Christmas Lights! (Maybe On or Off)
Short StoryIn your life kailangan mo ng mga Friends! First dahil sila ang mga kasama mo araw-araw. Second dahil sila ang tumutulong sayo kapag may short problem ka! (Like Math Problems) Haha! And Last dahil sila ang Kaharutan mo!, Mapagsasabihan mo ng mga Secr...