Prologue

9 0 0
                                    


Prologue


"And before we move on to our last song for tonight, I just want to leave a piece of advice especially sa mga listeners natin na malapit sa fault lines. Lagi tayong mag-iingat and always be prepared dahil hindi natin alam kung kailan tayo yayanigin ng lindol, parang pagdating lang sa atin ng pag-ibig. Char..."


Ano ba naman 'tong si DJ Charie, huling song nalang, humuhugot pa. Hindi tuloy ako makapagfocus sa pagrereview eh. Pero medyo nakakabahala 'yung sinabi niya, ah. Ang alam ko, malapit pa naman kami sa fault line.


"Anyway, itong last request natin ay galing kay Miss Katerine T. Kaloka, ganito ba talaga spelling ng Katerine niya, kulang ng H?"


Haha, oo ganyan talaga ang spelling ng... wait, ano daw? Teka, ako 'yun ah. WAAAAAHHH. Napili 'yung request ko. Tuluyan na tuloy akong napahinto sa pagrereview.


"Anyway, sabi niya, 'Hi, DJ Charie. Request ko po paki-play ang kantang 'Siguro' ni Miss Yeng Constantino. Saktong-sakto po kasi ito sa nararamdaman ko ngayon sa crush ko. Hindi ko po kasi alam kung dapat ba na magtapat na ako sa kanya ng nararamdaman ko o hindi. Super gwapo at talino po kasi niya. Kapag napili nyo po itong request ko, itetake ko pong sign 'yun para magtapat na ako sa kanya. Salamat po and more power sa inyo.' Well, mukhang ito na nga, Miss Katerine T., ano? Mukhang naibigay na ang sign na hinihingi mo. A tip from me, go for it, girl! Let him know your feelings! Push mo na 'yan. Char. So para i-grant ang iyong, request..."


OMG, DJ Charie. Ang sign na hinihingi ko! Ito na ba talaga 'yun? Ibig bang sabihin, dapat na akong magtapat kay...


~~~


Author's Note: Hi readers! Yes, tama po kayo. This is my own Pinoy version of Itazura na Kiss/Playful Kiss/It Started With a Kiss/Mischievous Kiss. Sana po magustuhan nyo. Thank you and enjoy reading!



That Mischievous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon