Chapter Two - The Most Shocking Aftershock

4 0 0
                                    

Chapter Two - The Most Shocking Aftershock

Katie's

"Isang magnitude 2.1 na paglindol ang naganap kagabi ganap na ika-apat at kalahati ng hapon. Wala namang mga residente ang nasaktan ngunit isang bahay dito sa may Quezon City ang nagiba at nawasak dulot ng nasabing pagyanig. Ayon sa panayam kay Mr. Manuel Tañada, na siyang may-ari ng nasabing bahay..."

"Katie, oh. Kumain ka muna." Sabay abot ng ready-made na instant noodles na sabi sa akin ni Samantha.

Tapos na ang interview kay Papa kanina ng isang reporter, at napanood namin agad sa balita ang nangyari sa bahay namin.

Grabe. Parang nasobrahan naman yata ang kamalasang binigay sa akin ng pagtatapat ko na 'yun kay Niccolo. Oo, dati pinangarap ko ring makita sa TV ang pamilya namin, pero hindi naman sa ganitong paraan.

"Salamat." Magkakasama kaming kumain muna habang tuluy-tuloy pa rin ang clearing operation ng barangay namin dito sa nasira naming bahay. Nakakatuwa na rin na mababait ang mga kapitbahay namin dito at tinulungan kami kahit paano sa pag-aayos.

"Congrats, girl. Nasa TV ka na, kahit wala pang 15 seconds ang exposure mo." Komento ni Candy, alam kong sinusubukan niya lang pagaanin ang loob ko.

"Salamat, mga beshie, ah. Buti nalang nandito kayo." Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko kung wala sila dito.

"Paano na pala 'yan, Katie? Saan kayo titira ngayon?" Tanong ni Kenny nang makalapit siya sa amin.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam." Sagot ko. "Basta ngayong gabi, doon muna kami sa restaurant ni Papa tutuloy."

"Kasalanan lahat 'to ng Niccolo Perez na 'yan, eh. Dahil sa kanya, nagsunud-sunod ang kamalasan sa buhay ng pinakamamahal ko." Eksaheradong komento ni Kenny.

"Ikaw talaga, Kenny, kahit kailan, napaka-OA mo eh noh?" Reaksyon ni Candy sa sinabi ni Kenny. "Pero in fairness, besh, mukhang iba talagang kamalasan ang epekto ng pagreject sa 'yo ni Niccolo."

"Pati ba naman ikaw, Candy?"

At nagkatawanan nalang kami.

--

Nakita ko si Papa na nakatitig sa kawalan habang nakaupo sa isa sa mga dine-in chairs dito sa Tañada's. Pansamantalang closed muna ito ngayon dahil dito muna kami nagpalipas ni Papa ng buong gabi.

Lumapit ako sa kanya at inabot ang mainit na kape na tinimpla ko para sa kanya.

"Papa, uminom po muna kayo."

"Salamat, anak." Nakangiting sabi ni Papa saka tinanggap ang kape na binigay ko. "Pasensya ka na, Katie, ah. Napakapalpak talaga ng tatay mo kahit kailan."

"Ano ka ba, Papa? Anong palpak ang pinagsasabi mo dyan? Hello? Ikaw kaya ang pinaka the best na chef at Papa sa buong mundo, noh?" Ngumiti ako at niyakap si Papa mula sa likod. "'Wag kang mag-alala, Papa. Hindi naman tayo papabayaan ni Mama eh. I'm sure makakahanap tayo ng mas okay na bahay na matitirhan. Kaya cheer up ka na dyan. Di bagay sayo ang malungkot, noh? Ikaw kaya si Chef Manuel Tañada. Nasasayang ang kapogian mo, 'Pa."

"Naku, ang lakas mo talaga mambola, manang-mana ka talaga sa Mama mo." Alam kong nakangiti si Mama habang sinasabi 'yun. Hehe.

"Boss, tawag po." Sabi ni Kuya Allan, head cook ni Papa.

"Reporter na naman?" Tanong ni Papa.

"Hindi po, Perry daw po. Kaibigan nyo daw po."

That Mischievous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon