Chapter Three - Little Miss Niccolo

5 0 0
                                    

Chapter Three - Little Miss Niccolo

Katie's

Ang panganay na anak nina Tito Perry at Tita Claire ay si...

"AAHHHHH!!!"

"Aray ko, anak, bakit ba?" reaksyon ni Papa, hindi ko namalayang naipit ko na pala siya sa sobrang pagkabigla ko.

Napatayo at napatitig ako sa lalakeng dumating. OMG! Bakit sa lahat naman ng pwede, bakit siya pa?

"Ito pala si Niccolo, ang panganay naming anak." pagpapakilala ni Tita Claire.

"Magandang hapon po. Ako po si Niccolo Perez. Ikinagagalak ko po kayong makilala."

Okay. So, confirmed nga. Si Niccolo ang panganay na anak nina Tito Perry at Tita Claire. Universe, bakit? Sa lahat naman ng pwedeng makasama sa iisang bahay, bakit si Niccolo pa?

"... hinding-hindi ko kakailanganin ang tulong mo kahit kailan!"

Kaya ba siya ngumisi nung oras na 'yun, dahil alam niya nang mangyayari 'to? Iniisip niya kayang ang lakas ng loob kong sabihin 'yun gayong ang family pala nila ang tutulong at kukupkop sa amin?

Parang gusto ko nalang uli lamunin ng lupa.

"Katie? Huy, Katie! Anak, ano bang nangyayare sa 'yo?"

Saka ko napagtanto ang sitwasyon, sobrang titig na titig ako kay Niccolo, bakas na bakas ang pagkagulat.

"A-Ah. N-Nagulat lang po ako, k-kasi..." HINDI! Naku, Katie, hindi mo pwedeng sabihin 'yung ginawa mong pagtatapat kay Niccolo at ang pagkapahiya mo dahil ni-reject ka niya. It's a big no-no! "...k-kasi po, s-si Niccolo, at si Tito Perry, hindi naman magkamukha." OMG! Katie, lumubog ka nalang, please.

Nagkatawanan sina Tito Perry at Tita Claire. Si Papa naman, binatukan ako.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Katie? Tumigil ka nga dyan."

"Hahaha naku, Tanying. Tama naman 'yang si Katie. 'Yung mga anak ko, maswerte at nagmana lahat sa nanay nila. Hahaha."

Hehe saved by the bell. Naku, Tito Perry, thank you po sa pagsuporta sa napaka-walang kwenta kong palusot.

Umupo na kaming lahat. Si Niccolo, parang nananadya pang sa harap ko umupo. Nakakainis. Parang pinlano niya 'tong lahat.

"Oo nga pala, Katie, sa reaksyon mo kanina, mukhang kilala mo na pala itong si Kuya. Pareho rin pala kayong sa Aldama High nag-aaral. Pareho rin kayong Grade 12 na. Magkaklase ba kayo?" tanong ni Tita Claire. Naku, Tita. Mahabang kwento po.

"Ah-- hehehe." Sige, itawa mo nalang, Katie.

"Hindi kami magkaklase, Ma. Sobrang magkalayo ang mga section namin. Pero nagkakilala kami recently nang hindi inaasahan, tama ba, Katie?"

Nginitian ko nalang nang pilit si Niccolo. Napakalakas talagang mang-asar ng lalakeng 'to. Kumagat nalang ako sa hawak kong cookie, para mapigilan 'yung sarili kong magsalita.

"Naku, mabuti naman pala kung ganun." tuwang-tuwang sabi ni Tita Claire. Naku, Tita, wala pong dapat ikaexcite, kung alam nyo lang po. "Alam mo, ito kasing si Kuya, bihirang nakikipagkaibigan sa mga babae. Mukhang wala nga atang kaibigang babae itong anak ko na 'to, eh. Mabuti na rin 'to. Sana mas maging close pa kayo ni Kuya, ha."

Nginitian ko nalang si Tita. Asa naman pong maging close kami ng anak nyo. Napakailap, akala mo kung sinong napakagwapo. Well, gwapo naman siya, pero kahit na. Hmp!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Mischievous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon