Chapter One - It Started With a Love Letter

12 0 0
                                    

Chapter One - It Started With a Love Letter

Katie's

Okay! Inhale... exhale! Hooo! Katie, kaya mo 'to. This is it.

Sana lang, tamang desisyon ang sundin ang sign na binigay ng universe... este ni DJ Charie.

Pumwesto ako malapit sa entrance gate ng school namin, ang Aldama High School, named after the founder ng school at may-ari ng Aldama Medical Hospital, si Dr. Jesus Aldama. Dahil may-ari ng ospital at isang kilalang doctor ang may-ari, STEM strand lang ang inooffer nila sa senior high school.

Ang alam ko, malapit lang ang bahay nila dito. At everyday, kapag suswertehin akong matyempuhan siya papasok ng school, nakikita ko siyang naglalakad mula sa may right side ng school, minsan kasabay 'yung mga kaklase niyang lalake. Inagahan ko talaga ngayon ang pasok para matyempuhan ko siya.

Maya-mayang kaunti, nakita ko na ang pamilyar na lalakeng hinihintay ko. Mag-isa siyang naglalakad bitbit ang kanyang black leather shoulder bag. Grabe, napakagwapo talaga niya. Kahit hindi siya nakangiti, alam mo 'yung tipikal na serious at mysterious type na mga heartthrob sa school? Ganun na ganun ang aura niya.

Siya si Niccolo Perez. Matangkad, gwapo at higit sa lahat, matalino. Siya ang laging nagta-top 1 pagdating sa exams at sa ranking sa batch namin.

Unang beses akong nainlove sa kanya nung moving up ceremony namin nung junior high school. Si Niccolo ang naging representative ng batch namin para magbigay ng speech dahil siya ang may Highest Honors. Grabe, hindi ko makakalimutan 'yung mga panahong 'yun. Sobrang gwapo niya nun, at habang nagsasalita siya sa stage, halos sa kanya lang talaga nakabuhos ang atensyon ko. Doon ako nagsimulang humanga sa kanya.

Pero alam ko rin namang mailap din siyang klase ng tao, lalo na sa mga babae. Halos 'yun lang mga nagta-top din sa klase nila na mga babae ang kinakausap lang niya. Halos puro mga kaklase niya lang na lalake ang kinakausap niya. Ganun siguro talaga kapag matalino ka, puro matalino lang din ang gusto mong kausap. Kaya nga marami na ring mga babae ang nakikita kong nirereject niya.

Susme, paano pa kaya ako? Si Katerine Tañada ng 12-F lang ako, samantalang siya naman si Niccolo Perez ng 12-A. Baka hindi pa ako nakakalapit, rejected na ako agad.

Hala. 'Wag ko na kaya ituloy?

Hmm. Hindi! Ako ang nanghingi ng sign na 'to, at ngayong binigyan na ako ng sign, dapat ituloy ko 'to. Wala nang atrasan 'to, Katie! 

Lalo akong kinakabahan habang nakikita kong papalapit nang papalapit si Niccolo sa entrance gate. Huminga ako nang malalim at saka inilabas ang love letter na nakalagay sa loob ng bag ko.

Simpleng apple green na envelope lang ang pinaglagyan ko, pero sa loob, nandoon ang stationery na binili ko pa sa may malapit na bookstore sa school nung isang araw. Nung nagsend ako ng request sa program ni DJ Charie sa radyo nung isang araw, naisip kong kung sakaling swertehin at mapili niya 'yung request ko talaga, magtatapat ako kay Niccolo sa pamamagitan nitong love letter na 'to. Ayoko nga na sabihin mismo kay Niccolo 'yung feelings ko. Mahirap na! Sobrang nakakahiya kapag nareject ako. Huhuhu.

Ayan na! Papasok na siya ng gate! Hooo. This is it! Go Katie!

Huminga ako nang malalim at sa ka naglakad pasalubong kay Niccolo. Medyo malayo pa si Niccolo kaya lalo akong kinakabahan. Huminga akong malalim nang isang beses at nang medyo malapit na siya eh saka ko inilahad sa harap ni Niccolo ang dalawang kamay ko na may hawak na love letter. Napapikit ako habang lalo siyang palapit at saka sinabing,

That Mischievous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon