Harmony's POV
(5 years old harmony)
Lamig na lamig na ako dito sa tabi ng kalsada, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam saan ako maaaring tumakbo. Wala akong kakilala bukod sa kapatid ko.
Patuloy ang paghikbi ko hanggang sa nasilayan ko ang libro ng aking kapatid. Binuksan ko ito at sa gitna neto ay isang compartment na merong maliit na medalya. Pinagmasdan ko ito at nakita ko sa likod nito na may mga letra, pinagmasdan ko ng maigi at nabasa ko ang katagang.
"34 Liberator, Hibirium."
Alam kong lugar ito ngunit hindi ko alam kung saan ito. Binuklat kong muli ang libro at may mapa doon. Mukang binalak na talaga ng kapatid ko na ihanda ang libro na ito para sakin. Sa gilid ay may note :
"hanapin mo si AmitaGold. At sabihin mo sakanya 'L'espoir a disparu, mais l'Harmonie est arrivée.'"
Napakahirap ng katagang gustong pasabi ng ate ko. Bat naman ganito. Isa pa ay saan bang lugar ito. Sa kalagitnaan ng pag iisip ko nakarinig ako ng sitsit mula sa madilim na parte ng kalye. Umatras ako ng dahan dahan dahil sa takot ko. Lumabas doon ang matandang lalaki na may hawak na supot.
"Iha, ikaw ang kapatid ni Hope diba?" tumango lamang ako rito at nagpatuloy siyang magsalita "Suotin mo ito. Dadalhin kita sa 34 Liberator"
Pagkarinig ko ng address ng lugar ay dali dali kong kinuha ang supot na hawak nito at inilabas ko ang tela sa loob nito. Pag wagwag ko ng tela ay isa itong makapal at itim na itim na Coat. Sinuot ko ito at naramdaman kong ligtas ako.
"Paka ingatan mo yan Harmony. Mula pa yan sa iyong ama. Siya ang nagmahika riyan upang protektahan ka mula sa mga Deviluro, ngayong gabi ko dapat yan ihahatid sa iyong ate dahil kakukuha pa lamang namin niyan sa tuktok ng bundok vertu."
Tumingin ito sa tahanan naming kanina ay napaka ayos pa ngunit ngayon ay bagsak na. Nababakas sa muka niya ang lungkot at para siyang iiyak.
"Ngunit mukang nahuli ako Harmony. Pasensya ka na." pagpatuloy niya
Kahit ako ay nalungkot dahil nawalan ako ng kaisa isang taong nag aalaga saakin. Napasakit na sa edad kong ito ay naubusan ako ng pamilya na mamahalin.
Napayakap sa akin ang matanda at sinabing.
"Halika na. Hindi na ligtas dito."
Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na kami papunta sa kadiliman. Wala akong makita rito pero naglalakad parin kami. Napakatagal naming naglalakad sa dilim at hindi ko alam kung makakasilay pa ba ako ng liwanag. Hindi ko mapigilang magtanong.
"Mawala-" tinakpan niya ang bunganga ko at bumulong saakin.
"Huwag kang magiingay. Mamamatay tayo pag narinig tayo ng mga siplo"
Natahimik ako at napakapit ako sa kamay ng matanda na kasama ko. Kinalaunan ay onti onti na kaming nakakakita ng liwanag. Hanggang sa ang liwanag ay naging isang ganap na lugar. Isang magandang hardin na puno ng rosas na itim.
Naglakad kami papunta sa malaking itim na gate kung saan hinarang kami ng ilang mga babae.
"Apong, kailangan po namin ng detalye ng batang yan" sabi ng isa sa mga babae sa matanda na kasama ko.
Tiningnan ako ng matanda at isinenyas niya ang libro. Agad ko naman na isip ang habilin ng aking kapatid.
" Si AmitaGold po ang aking kailangan. " agad agad ginalaw ng matanda ang kanyang kamay at sumenyas sa mga babae. Maya maya pa ay may dumating na isang babaeng may hawak na baril na Ginto.
BINABASA MO ANG
An Angel's Touch
FantasyHarmony Savandrea. An adventurous teenager who had high hopes of being one of the great magic sorceres of Wisteria School Of Magic has opened the secrets of this school. Now she had to face the consequences of her curious actions. She lost her sist...