Wisteria , isang prestihiyong paaralan sa lupain ng hibirium.
Kinikilala itong pinaka magaling at pinaka angat na paaralan sa buong lupa ng mga nilalang na may mga kapangyarihan.
.........
Limang taong gulang ng mamangha si Harmony sa mga mahika at sa paaralang Wisteria.
"Ate Hope? Masaya po ba sa loob ng Wisteria?" tanong ni harmony sa kanyang nakatatandang kapatid.
"oo naman harmony, mararamdaman mo kasi sa loob ng wisteria ang katahimikan at ang kapayapaan doon. Parang wala kang problema pag nandoon ka tsaka hinahasa nila ang bawat estudyante doon para magamit nila sa mabuting bagay ang pinagkaloob sa kanilang kapangyarihan" sagot naman ng kanyang ate na nasa labas ng wisteria at nagbabakasyon.
"Nalulungkot ako ate" biglang humikbi si harmony "hindi ako p-pwede riya-n sa Wisteria, wala akong kapangyarihan ate" patuloy ang pag iyak ni Harmony.
Walang nagawa ang kanyang nakatatandang kapatid kundi ang yakapin na lamang siya. Hindi nakasisigurado si Hope na magkakaroon ng kapangyarihan si Harmony dahil ang kanilang ina ay isang normal na tao lamang na pumanaw dahil sa pag silang kay Harmony. Habang ang kanilang ama naman ay nagtataglay ng elemento ng tubig, na pumanaw rin sa pag pprotekta sa kanilang dalawa.
Pinatahimik ni Hope si Harmony ng makarinig ito ng kaluskos mula sa kanilang bintana. Pinatay niya ang kandila na nagsisilbing ilaw nila sa maliit na silid na kanilang tinutuluyan. Habang patay at madilim ang paligid nakita nilang dumaan sa kanilang bintana ang isang itim na imahe at nilagpasan lamang sila. Akala nila ay nilubayan na sila ng "Deviluro" o isang kawal ng kalalim laliman na tumutubos sa mga taong nagkasala o lumabag sa mga batas ng Hiribium
Biglang binasag ng Deviluro ang bintana ng silid ni Harmony at Hope. Pilit nitong inaabot si Harmony ngunit patuloy na pinoprotektahan ni Hope ang nakababatang kapatid.
"Umalis ka na Harmony!" sigaw ni Hope sakanyang kapatid "kuhain mo ang libro ko't umalis ka na!"
Takot na takot na kinuha ni Harmony ang jacket ng kanyang kapatid at ang libro. Tumakbo siya sa pintuan ng may namumuong luha sa kanyang mata. Nilingon niya ang kanyang kapatid na pilit paring nilalabanan ang kawal.
"Paalam H-harmony." sambit ng kanyang kapatid at ngumiti sakanya ng pilit.
Tumakbo na papalayo si harmony sa kanilang tinutuluyan at panandaliang naupo sa madilim na parte ng kalsada
...
Sa mundo ng Hibirium hindi maaaring magkaroon ng relasyon ang isang Elementerio o ang taong nagtataglay ng elemento sa mga mortal.
Ang sino man na lumabag dito ay sinusundo ng Deviluro at dinadala sa kalalim laliman ng Hibirium kung saan pinahihirapan sila ni Henalina "The Goddess of Sins and Catastrophe".
BINABASA MO ANG
An Angel's Touch
FantasyHarmony Savandrea. An adventurous teenager who had high hopes of being one of the great magic sorceres of Wisteria School Of Magic has opened the secrets of this school. Now she had to face the consequences of her curious actions. She lost her sist...