Chapter 4

59 5 0
                                    

Chapter 4
Pangarap

When I was a child, I used to play with my cousins and answer their question as fast as I can. When they asked me what I wanna be in the future, I always say, I wanna be a military doctor! But then, time marched so fast and the universe is slowly changing so people too. I entered high school with no dream in my mind at all. All those times all I want is to live.

My parents separated and my dad came back to his home—US. But then, mommy never changed my surname eventhough dad is not coming home anymore. Siguro ay respeto nalang sa'kin bilang anak niya. She got herself a boyfriend when I was in 8th grade. I never said anything. Because I think I have no rights to say even one word because I am just her daughter. Sino ba naman ako para pigilan siya sa kasiyahan niya diba?

Kaya laking pasasalamat ko nang isang araw ay umuwi ako na nagkabalikan na sila ulit. It was a miracle you see! 90% of separated couple never came back together. But they are part of that 10. I was so happy that time for them. My family is what I treasured the most. I was so close to my cousins and tita's. But as I grew up, my smile slowly faded. I never knew what happened but I felt like they wronged me. Mommy once said that I would be no ones girl in the future because I was so lost. I never mind it though kasi hindi ko pa naman siya naiintindihan. But the thought of it now that I am 20, I realized that somehow... she is right.

Ano nga ba'ng mararating ng isang tulad ko'ng walang pangarap, walang gusto at walang balak sa buhay?

I always thought of it but as expected, I get none as answer. Sa tingin ko, ako lang 'din makakasagot na nun. Siguro hindi pa ito yung panahon para malaman ko kung anong purpose ko sa mundo. Because some other people often said you have to go through the greatest tragedy of your life before you find answers.

I blowed a loud breath at isinara ang mini photo album na dinala ko. Kapag nakikita ko sila, ang sakit pa 'rin. Ang sakit isipin na sila mismo ang nagpalayas sa'kin sa comfort zone ko.

Mabilis ako'ng tumayo at tumingin sa bintana na nasa tabi ng kama. Medyo maaga pa. Baka pwede pa ako'ng mag jogging.

Di gaya ng dati na nakasuot ako lagi ng black sports bra at jogging pants , I just wore my graphic tee shirt na umaabot sa suot ko'ng black leggings. Itinali ko ang mahabang buhok at bumaba na. Kainis naman. Wala ako'ng source of music ngayon! Kung anong katangahan ba kasi ang naisip nila at pati electronic devices ko ay kinuha?!

Imbis na mag mukmok ay binilisan ko nalang ang pag labas ng bahay dahil baka mautusan na naman ako ni tita mag lagay sa sisidlan ng mga halaman niya. Di nga ko marunong nun. Pinagalitan pa ako dahil wala daw akong alam gawin. Aba malay ko ba'ng mapupunta ako dito sa future para magtanim sa sisidlan!

Nang makalabas ako ng bakuran ay agad na niyakap ng malamig na hangin ang katawan ko. Ang mga sanga ng puno ay nagsisilagasan gayun 'din ang mga bunga nito. Kaya pala ang daming mangga sa bakuran nila tita.

Naglakad muna ako habang tinitignan ang mga bahay na sarado pa dahil mag aalasais palang ng umaga. Merong mga tindahan na bukas na at hihikab hikab pa ang nag babantay.

Tss. Kung sa sentro to ay mga 9am pa ang bukas ng mga ganto. Sobrang aga nilang magising infairness. Parang sinusunod talaga nila yung alarm clock nila. Yung unang tilaok ng manok ay oras na para bumangon.

Natawan ako sa naisip. Di ko lubos maisip kung paano ako naka survive sa ganitong klaseng lugar ng isang linggo. 7 days na pala ako'ng hindi gumagamit ng mga gadgets. Hindi na ako updated sa social life ko. But oh well, atleast I won't know who's in New York or in Malibu this summer. Matic na 'yan kapag summer. Puro beach photos ang nakikita ko sa newsfeed ko. Hindi ko naman nililike. Ano sila chicks? sa memes lang ata ako nag rereact.

Wild Pursuit of Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon