Zelo's POV
"Natapos na rin yung morning classes, sa wakas!" sabi ni Sungjae.
Kaibigan ko pa nga pala yang si Sungjae, apat kami sa tropa. Ako, si JongUp, si Sungjae nga at si Peniel.
"Oh, Junhong bilisan mo na jan at punta na tayo ng cafeteria. Gutom na koooo~" pagrereklamo ni Peniel
"Oh eto na, eto na." sabi ko naman. "Halika na." gutom na rin ako eh XD
Naupo lang kaming apat dun sa table na malapit sa bintana.
Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na rin sina Abby.
Nakahanap sila ng pwesto, di kalayuan samin.
"Peniel. . ." tawag ni Sungjae.
"Ano?" sagot naman ni Peniel.
"Ganda ni Abby noh?" biro nya.
Nag smirk lang naman si Peniel. Halatang na'awkward.
"Oo nga, ang ganda ni Abby. Parang gusto kong gawing girlfriend tapos i'break ko rin pagkatapos." biro ko rin kay Peniel. Ang ganda nya lang kasing pikunin eh. XD
Pero kahit na kaibigan ko yan, masasabi ko pa rin syang tanga. =.=
Pano ba naman kasi, brineak nya si Abby tapos ngayon, hahabol habulin nya.
Ang engot nya rin kasi, nakipag'break sya kasi nagseselos daw sya sa mga lalaking lapit ng lapit kay Abby. SABIHIN NYO NGA! Matinong rason ba yun? Nagseselos sya, eh sya nga yung may karapatan kay Abby, sya yung boyfriend eh.
"Ba't kasi hindi mo sya kausapin?" tanong sakanya ni JongUp.
"Gusto ko na sana syang kausapin kaya nagpatulong ako sa mga kaibigan nya na kumbinsihin siya na makiusap sakin. Pero. . . . parang ayaw pa tlga ni Abby eh." Ohw, sad story Dude.
A/N: Ngayon, nalaman nyo na yung boyfriend, este, EX-boyfriend ng ating Bida. XD
BINABASA MO ANG
Status: Simply Complicated
RandomOnIt's pretty simple, I like you. You like me. I love you. You love me. But, why does this have to be so COMPLICATED? Reminds me of Confucius, "Life is really simple, but we insist on making it complicated." and so is LOVE.