"If being BITTER makes me feel BETTER, then be it."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa araw-araw na nilikha ng diyos at may makakasalubong ako, bakit itong intrigera ng bayan na si Alliah pa? JuiceColored! -_-
Di kami close ni Alliah pero siya feeling close. Kabuhok at kakulay niya si Dora The Explorer. Kasing height niya lang ang elementary students na nakakasalubong ko pagnapapadaan ako sa dati kong elementary school. Kung ano ang iniliit ni Alliah yun namang itinalas ng pandinig niya sa tsismis at sa nilaki ng bibig niya sa pagkekwento. I classify her as "Alliah The Daldalita" and alam kong agree sakin ang buong campus.
"KeyDyey!" sigaw ng babaeng matinis ang boses. Palinga linga na ako kung saan ako pwede mag-alternative route kaya lang dire-diretso lang talaga ang corridor na nadaanan ko.
"Huy naman! May itatanong lang ako!" Eto na nga ba ang sinasabi ko. May tsismis na naman ang loka. Papalapit na siya sakin at feeling ko pagpapawisan na ako ng malamig sa kaba.
"Hello Karen! Buti naman at di mo ako iniiwasan na. Andami ko na tuloy na itatanong sayo..." Panguso-ngusong sabi ni Alliah sakin. Feeling cute ang walastek. Hindi ko pa rin siya kinibo instead ay tinitigan ko lang siya.
"Uhm. Paano ko ba sisimulan?" Nakangising bente niyang sabi sakin.
"Mukha kang aso. Malamang sa umpisa, pwede bang simulan ang dulo?" Pokerface na sabi ko sakanya.
"Hihihihihi! Pwede rin! XD"
Nako Lord, tamaan na ng kidlat to o kaya kunin mo na. Nasasayang ang mahahahalagang oras na ipinagpala mo sakin.
"Pwede ba Alliah, itanong mo na ang itatanong mo at aalis na ako." Naiinip kong sabi kay Alliah.
"Okay sige! *hingang malalim* Okay, uhmmm, unang tanong..."
"....." Tahimik na inaantay kong magloading ang taong kaharap ko.
"Nakapag move on ka na ba?" Dire-diretso niyang sabi na sa sobrang bilis ay hindi ko na naintindihan.
"Ano?"
"Sabi ko na nga ba eh! Di ka pa nakakapagmove-on!" Parang natamang hinala siya dun kaya naman gulat na gulat ako.
"HA? Ano? Te-teka lang naman! Ambilis kaya ng pagkakasabi mo! Ka-kaya di ko naintindihan!" pagdedepensa ko sa sarili ko.
"Asuuuuus! Okay lang naman eh. Hindi ko naman ipagkakalat." Ridiculously niyang sinabi sakin yon. As if naman nakakapag keep siya ng secrets.
"Wala kang ipagkakalat na hindi totoo. Nakapag-move on na ako noh!" Proud kong pagkakasabi sakanya yon.
"Weeeeeh? Ikaw? Moved On na? Sure ka?" puno ng pandududa niyang tanong sakin.
"Oo naman!" mariin kong depensa sa sarili ko.
"Prove it."
"Simple lang naman ang dahilan ko para magmove on."
"Ano naman yon?"
"I just believe na I deserve someone way better than him."
"Weeeeeh? Better nga ba?"
"Oo! Yung hindi mangloloko, manggagamit at mang-iiwan sa ere na katulad niya!"
"Alam mo, ang bitter mo."
"Ako? Bitter? No way!"
"Ang indenial pa."
BINABASA MO ANG
Forever Ampalaya ♥
DiversosIKAW! Naniniwala ka bang walang forever? Natatae ka ba sa mga katagang Ikü@wZxc L@nHgsx S@pfuaT N@!!! ? May #HUGOT ka ba sa mga GM, post, at tweets mo? Pwes, alam kong naniniwala ka, sa Forever AMPALAYA ♥