Kapaklaan One~

47 0 0
  • Dedicated kay Karen Salenga
                                    

        "Everyone has experienced something that had changed them in a way they could never go back to the person they once were"

~~~~~~~~~~~~~~~

*blink blink*

7:30am.

Aga pa pala. *hikaaaaab*

Kinuha ko cellphone ko.

34 unread.

Bakit ang aga aga andaming GM? Anong meron? Aba! Mga classmate ko to ah?

From: Classmate'****
GoodMorning. :">
OTW to school with them.
Gm. #BrigadaEskwela

From: Classmate'****2
'Irr @LoVEUna w/ demsxcx. Brigadanadiiiiiss! <333
@KJoyce: Werkana? Untaknaditodaleeee!
-
&./Frvr<33 ^___^

Sheteng GM nato eh. Umagang umaga pinepeste selpon ko sa kalandian nito eh. Brigada? Ano ba ngayon?

*isip*

*pahid muta*

*tingin sa relo*

7:45am.

*bzzzt bzzzt*

One message received.

From: Classmate'****2
Werknakaren? IkawnaLangangwla. Hinahanap k na ng iba. DaLian mo?

OH my Tupang kinalbo! May brigada pala ako ngayooooon! >< Late na ako!

Dali dali akong tumayo at tumakbo sa CR at nagligong manok. Tsaka nalang ang bonggang ligo pag di na ako nagmamadali. Magbibihis na sana ako nung napaisip ako kung ano ang susuotin. Sa pagkatatanda ko, may usapang ang section namin sa susuotin.

Tinext ko nalang ang Bisprin kong si Asha Rodriguez.

To: Asha'Beybeh♥
Bh3! Late ako ng gising! Ano ba napag-usapang shirt?

Sent.

Okay. Nag-jeans nalang muna ako at inantay ang reply niya. Naisipan ko munang magblower ng buhok kase antagal niya magreply.

*bzzzt bzzzt*

From: Asha'Beybeh♥
Yung intramural shirt be. Magdala ka ng pinturang blue. Any shade. At floor wax 1 can. Maya nalang bayad. Tnx.

Ayy. Bastos tong batang to! Utusan pa ang peg ko? Haaay buhay. Si Asha ang Bisprin kong maaasahan ng bayan. Maganda siya at leader type siyang tao. Class President at SSG Governor. Kaya masisigurado niyong PEYMUS yan. Pero wala sa bokabularyo niya ang lovelife. Isang bagay na talagang napagkakasunduan namin kaya Bisprin ko to.

Sinuot ko na ang intramural shirt ko noong grade 8 ako — which was last school year — at nagdrive na papuntang hardware. Oo, bawal pa akong magdrive 16 palang ako, pero matangkad ako at mukha akong 18 kaya madali kong mapapaniwala ang enforcers na legit ang License ko. At kung tinatanong niyo kung bakit may license ako? Pinarekto ko, darling.

Pinark ko na ang mini cooper ko — na regalo sakin ng tatay ko bilang suhol sakanyang absences during I baaaaaadly need him — sa parking lot (alanganamang sa loob ng hardware ko ipark). Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse ko ng may motor na pumarada so close sa kotse ko, dahilan para di ako makalabas. Tumingin ako sa driver nung motor at nakita ko na couple pala sila. Naka-helmet sila pareho at nakayakap yung babae sa likod nung driver na lalaki. Napasimangot ako kasi ina-aurahan nila ang beauty ko. Bumaba na yung dalawa sa motor dahilan para lalo akong mainis. Naglalandian pa yung dalawa at nagtatanggalan ng helmet ng bigla akong sumigaw sa bukas kong bintana.

"HEY! You're blocking my door!"

Nagulat yung babae at kinalabit ang boypren niyang tatanga tanga. "Hon, yung motor mo nakaharang."

Tinaasan ko sila ng kilay at inantay na kumilos. Pero nakakaasar lang na tumitig muna sakin yung boy at parang tanga na inaantay kung ano ang gagawin niya.

"Aren't you gonna move your stupid bike?!" Ultra taray kong sabi. Ini-english ko sila para mas mataray ang dating. Taray Tips 101 yan, darling.

"Sorry, miss." Sabi niya sabay karga ng motor niya at inusod. Tuwang tuwa naman ang girlfriend niya sa ginawa neto. " Wow! Ang lakas naman ng Honey ko!" Masayang masaya niya pang sabi.

"Excuse me, tip lang ha? Walang masama na magbonding kayo kahit sa motor niyo. Pero sana iniisip niyo yung kapaligiran niyo. Naaabala ako eh. Hindi porket Love is in the Air eh magpapakaBulag na kayo sa tao sa paligid niyo. Sorry, no intentions to offend you, pero sana matuto kayo." Sabi ko habang pilit kong pinapakalma ang aura ko.

"Ayy, pasensya na miss. Masaya lang talaga kami kasi first month namin together." Sabi nung lalaki at todo ngiti ang hinataw sa peg ko.

"I don't care. What I want is, umayos kayo. Kdot." At tuluyan na akong lumayas papasok sa Hardware. Nararamdaman ko na ang pait sa hangin.

Isa pa, sino ba naman ang maglalandian sa tapat ng HARDWARE?!

Forever Ampalaya ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon