Chapter 2

5.4K 194 2
                                    

Habang nakasakay sa kotse ni Mr. Scott ay di ko maiwasan na mamangha sa paligid.Di ko akalain na sa loob ng magarang gate at matataas na pader ay may lugar na ganito, nadadaanan namin ang kakahuyan at makikita mo sa loob nito ang mga magagandang bahay, grabe sobrang lawak ng lupain nato at parang kabihasnan na dahil sa mga kabahayan. Hindi ko mapigilan magtanong dahil ako'y labis na namamangha.

"Mr. Scott? Anlaki po ng lugar nato, kanino pong mga bahay ang sa loob ng kahahuyan?"Napalingon ito sa akin saglit at tumingin ulit sa daan.

"Yan ay mga bahay ng mga bantay dito" nagulat ako. Hala? Ang swerte naman ng mga bantay na yun. Teka? Edi andami nila? Andaming bahay ang nandito pero makikita naman na malayo ang pagitan ng mga bahay.

"Hala ang swerte namn po ng mga bantay dito, at ang lawak ng lupain"nilibot ko ulit ang paningin ko sa lugar. Hndi na sumagot si Mr. Scott at seryoso pading nakatingin sa daan. Papalapit na kami ng papalapit dahil nakikita na ang mansyon at kulang nalang ay tumulo ang laway ko, sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng ganito kalaking mansyon kulay puti eto na may halong gintong kulay sobrang laki nito. Nakikita ko na din nga mga bantay na nakasuot ng black suit at may hawak na baril, andami nilang palakad lakad sa paligid at mga seryoso lng ang mukha.

"Nandito na tayo binibini" grabe bente minutos din siguro ang tinagal ng byahe namin papunta dito sa mansyon, ganun kalayo ang mansyon kong galing ka sa mismong gate.

Nang bumaba kami ay may sumalubong saming matandang babae na nakasuot ng pormal na damit at yumuko samin . Ay hindi pala samin kay Mr. Scott lang pala.

"Master singko" ha? Singko? Si Mr Scott ba?

"Ginang belen eto nga pala si binibining ysabelle, nakita ko sya sa gate at pinadala daw sya bilang katulong"tinignan naman ako ng ginang belen at napangiti ito.

"Ikaw pala ang pinadala ni sena na papalit sa kanya,hala tara na at ituturo ko sayo ang iyong kwarto at patakaran ng mansyon" nakangiti lamang eto sakin at tumingin kay Mr. Scott

"Maraming salamat po Master singko at hinatid niyo po siya"tumango lamang si Mr. Scott at pumasok na sa loob."halika kana ineng sumunod ka sakin"at sumunod na nga ko kay ginang belen.

Pagpasok namin sa loob ay namangha ako, susko po nasa ibang bansa naba ako?Sobrang ganda ng lugar at makikita agad na mamahalin lahat ng gamit, pati ata yung tinatapakan ko ngayon na tiles o marble ba ito ay mahal pa sa buhay ko.Kulay ginto at puti ang loob ng bahay, andaming paintings at mga vase na alam kong mahal din . Pag pasok sa malaking pinto ay makikita agad ang dalawang hagdan papunta sa itaas. Nakakamangha,sino kaya ang may ari ng lugar nato .Di ko akalain na may ganito kayaman na tao.

"Ehem,iha?" hindi ko napansin na nakaharap na pala sa akin si Ginang Belen at nandito kami malapit sa kusina m.Nakita ko namn ang ibang katulong na abala sa mga kanya kanyang gawain.

"Ako nga pala ang mayordoma ng mansyon,ako si belen tawagin mo nalng akong ginang belen"

"Kinagagalak ko po kayong makilala Ginang belen, ako po si Ysabell Mendez, bente anyos napo ako at ako po ay apo ni Lola Sena" napangiti lamang ito sa akin pero may halong pag aalala kaya ako'y nagtaka.

"Napakagandang bata mo iha sayang lang at pumasok ka dito"

"Po?"naguluhan ako sa sinabi ni Ginang belen.

"Halika na at ihahatid kita sa iyong silid"sumunod nalang ako sa kanya dahil wala naman siyang balak ipaliwanag sa akin ang sinabi nya kanina. Napatulala lamang ako habang naglalakad at natutuwa sa karangyaan ng bahay.Lumabas kami ng mansyon at dumaan sa likod at napatigil kami sa bahay.Opo bahay nga grabe malaki din eto at nasa likod lng ng mansyon pero part padin sya ng mansyon nakakonekta padin to .

"Iha dito kana titira,bahay ito ng mga kasambahay na gaya natin.Bente tayong kasambahay dito at 15 kayo ang nakatira dito sa bahay at kami namang natitirang lima ay sa loob ng mansyon nakatira,ayaw kasi ng may ari na pakalat kalat tayo kaya lima lang ang pwedeng matulog sa loob ng mansyon"grabe namn andami pala namin dito at may sarili din kaming bahay,sobrang yaman naman talaga ng may ari.

"Iha,wala dito ngayon ang ating amo dahil nasa America eto ngayon at dalawang linggo nang di nakakauwi . Bawal kang tumingin sa kanya kapag nandito siya at kong maari ay wag magsalita dahil ayaw nun ng maingay" tumango nalng ako sa kanya at ngumiti."pumasok kna iha ,bukas kana magsimula ng trabaho at alam kong malayo pa ang iyong pinanggalingan" iginaya niya ako papasok ng bahay at pumunta kami sa silid, nasa dulo ang aking silid at bago makapunta dun ay puro pintuan ang aming madadaanan dahil doon din ang silid ng ibang kasambahy.

"Iha dito kana muna,aalis na ako at madami pa akong gagawin. Papahatiran nlng kita ng pagkain" ngumiti ako dito dahil sobrang bait neto sakin.

"Maraming salamat po Ginang Belen, napakabait nyo po" gumanti ng ngiti eto at tuluyan na ngang umalis.

Pumasok na ako sa kwarto at ako'y natuwa dahil maganda ito kahit na simple lang. May bintanang malaki at makikita mo yung hardin nila na puno ng mga bulaklak .

"Kay gandang tanawin" sambit ko dahil sa sobrang ganda ng aking nakikita, mahilig ako sa mga bulaklak kaya labis na tuwa ang nararamdamn ko ngayon. Nag ayos ako ng aking mga gamit kahit kaunti lng iyon . Nang biglang may kumatok kaya dali dali ko itong binuksan.

"Ano po iyon?"tanong ko sa babaeng nakatulala sa akin. Marahil ay isa din itong kasambahay dahil sa suot nyang uniform.

"Ikaw ba si ysabelle?" nakatunganga nyang tanong sakin.

"Opo ako nga po" tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.Haha hindi ko alam anong nangyayare sa kanya kaya gusto kong matawa dahil sa itsura niya.

"May dala akong pagkain, pinadala ni ginang belen" nakatulala padin eto pero ngumiti na ng matauhan.

"Hala salamat ma'am, nag abala papo kayo, akin na po nakakahiya po at dinalhan nyo pa po ako dito" ngumiti lang ito sa akin at napansin kong may dimples ito sa pisngi at maganda eto kahit may kaiitiman ang kanyang balat.

"Okay lang ano kaba, ako nga pala si Alma 21 na ako dyosa! Ikaw? nga pala pwde bang pumasok saglit?" ngumiti ako sa kanya at tumango. Makikita kong napakabait nya.Pumasok siya at nilagay sa lamesa ang tray na may pagkain at tska naupo sa kama ko.

"Ako nga pala si ysabelle at ako'y bente anyos na"nakangiting sabi ko sa kanya habang sya ay natulala ulit.

"Grabe ang ganda ganda mo ysabelle! Sana all! Di ko akalaing may ganyang mukha ang nabubuhay sa mundo!dyosa kaba?"namula naman ako dahil sa kanyang sinabi,madami nadin nagsasabi sakin na maganda daw ako kaya sabi ng inay ay itago ko daw ang aking mukha kaya lagi akong may dalang panakip.

"Maganda ka din namn alma" sabi ko sa kanya.

"Mas maganda ka!sobra ysabelle! Nako madaming mag kakagusto sayo dito panigurado! Nga pala sino nag pasok sayo dito?" grabe ang lakas ng boses nya.Nasigaw haha

"si Lola sena ang nagpasok sa akin dito" tumango ito"wala na dito si lola sena ah, pano ka nakapasok? Anlayo ng mansyon galing gate" nagtatakang sabi nito.

"Hinatid ako ni Mr. Scott"

"Ano!? Hinatid ka ni Master singko dito!?" nagtaka naman ako sa kanya kong bakit ganun ang kanyang reaksyon.

"Bakit siya ba ang amo natin?" umiling ito."Hindi pero mataas ang ranggo nya dito,sya ang isa sa kanang kamay ng amo nating pinaglihi sa sama ng loob.May apat pa siyang kasamahan at malalakas sila at nakakatakot.Si master singko ay nakatalaga na magbantay dito sa lugar,dito sya naka assign at sya ang nagbabantay nang papasok at lalabas sa lugar.Kaya maswerte ka na malas dahil siya ang nakasama mo papasok dito mailap kasi yun at seryoso kaya nakakatakot,hayyy mag iingat ka ah." naguluhan naman ako kung bakit ganito nalang siya kong matakot sa mga amo namin.Yun lang at lumabas na ito ng kwarto ko, madami pa daw itong gagawin at baka hanapin na daw sya. Masayahin ito at alam kong magiging magkaibigan kami dito sa mansyon.

The Devil's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon