Chapter 4

4.9K 193 8
                                    


Nandito kami ngayon nag aabang ng pag baba ni Lord uno at ng kanyang mga kasamahan. Napag alaman ko kanina, na yung dalawang kasama ni Lord uno ay sina Tres at Dos.Yung pula ang buhok ay si Tres daw at Dos naman ang blonde ang buhok. Hindi ko alam kong ano ang tunay nilang pangalan dahil hindi din daw alam ni Alma dahil masyado daw silang mailap at seryoso.

Nakarinig kami ng yabag galing sa hagdan kaya napayuko na lamang kami ulit.Nandito pala kami ngayon sa dining hall ganito daw talaga dito, kapag kakain si Lord uno ay dito dapat kami nakapwesto,lahat ng kasambahay ay nandito.Halata kong kinakabahan ang lahat at ako? Walang kamalay malay kong bakit sila ganyan.

"Dos nakita mo naba?"rinig kong tanong ni master tres na
ng nakaupo na sila.

"Yeah"

"Kailan pala balik ni kwatro? At asan si singko?"nagpalinga linga ito sa paligid na parang may hinahanap.

"She's still busy handling mission in paris,and singko? I don't know where that old man go,maybe he's just wandering "sagot namn ni Dos at si Lord uno naman ay tahimik lang na kumakain. Nang biglang may narinig kaming sigaw at yabag ng paa papunta dito sa dining hall.

"He's here" sabi ni dos na parang alam na alam kong sino ang papasok.

Nagulat ako nang makita si Mr. Scott na may kinakaladkad na lalaki at puno ito ng mga pasa, halos hindi na makilala dahil sa mga sugat nito. Puro dugo na rin ang itim na damit nito.

"Ipagpaumanhin ninyo ngunit nakita ko itong nagmamasid sa ating tahanan.Lord uno, ano ang nararapat nating gawin sa taong ito?" kinakabahan ako sa aking nakikita, puro dugo ang lalaking kasama ni Mr. Scott .Napansin ko ring mas lalong nanginig sa takot ang mga kasambahay pero nakayuko parin ang mga ito at parang sanay na sa mga nakikita.

"Assassin again huh, just like the last time.Still stupid and easy to catch" sabi naman ni tres.

"Did he confess?"tanong ni dos habang nakain padin.

"Hindi nya sinagot ang mga tanong ko, masyadong matigas gaya nung una" Sabi ni Mr. Scott at nakatingin padin kay Lord uno na hindi kakikitaan ng interes sa mga nangyayari,na parang wala lang sa kanya kong ano ang nagaganap ngayon.

"Pagsisihan nyo tong gina--" hindi na naituloy nang lalaking hawak ni Mr. Scott ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang itong binaril ni Lord uno sa ulo. Gulat na gulat ako sa kanyang ginawa at halos mapaupo ako dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganito. Napatingin ako kay Alma na ngayon ay hawak na ang aking kamay,nanginginig din ito at alam kong pinapakalma nya ko gamit ang kamay nya.

"Waste of time" yun ang sabi ni Lord uno at tumayo na. Tapos na itong kumain at umakyat na ito ulit sa itaas.
"Andali parin talagang mainip ni boss" napapailing na sabi ni tres at tumayo narin sila na parang wala lang. Kasama na nila si Mr. Scott at yung bangkay naman ay kinuha na nang ibang bantay.

Nandito ako ngayon sa garden, matapos ng aking natunghayan ay tulala padin akong nakaupo dito. Nandito ako ngayon para kumuha nang mga bulaklak na ilalagay sa loob ng bahay. Hanggang ngayon iniiisp ko padin ang mga nangyari sa dining hall,kaya ba ganun nalang katakot ang mga kasambahay?dahil alam nila kong anong klaseng mga tao ang mga amo namin. Lalo na si Lord uno, nakakatakot itong tignan dahil makikita mo ang nakakatakot nitong aura na nag sasabing hindi dapat ito galitin.

Napatigil ako sa aking pag iisip ng biglang akong kinabahan nang maramdamang may nakatingin sa akin.Nagpalinga linga ako para makita kong sino iyon at napatigil ako nang may makitang tao sa terrace, Si Lord uno! nakatingin sa akin ito ng maigi habang umiinom ng alak. Kahit na nasa itaas ito ay ramdam ko ang mga titig nito sakin.Bigla akong natakot dahil naalala ko nanaman yung nangyari kanina.

Sa pag kailang at takot ay dalidali kong kinuha ang aking kailangan at dalidaling umalis para maiwasan ang mga titig ng niya.

Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko nakita na may makakabangga ako. Buti nalang at di nahulog ang vase na hawak ko.

"Miss okay kalang ba?"napatingin ako sa aking nabangga at ito pala ay isang bantay. Nakahawak ito sa aking mga braso dahil sa muntik na akong madulas.

"Pasensya napo kayo,di ko po kayo nakita" nakita ko namn itong natulala sa akin saglit at binitawan ang aking mga braso.Napatingin ako ulit doon sa terrace kong nasaan si Lord uno at laking gulat ko nang nakita ko siyang nag iigting ang panga at mukang galit na galit na nakatingin sa amin.

"Paumanhin po, kailangan ko napong pumasok sa loob"sabi ko sa bantay na hanggang ngayon ay nakatingin lang sa akin habang paalis ako. Hindi ko alam kong bakit ganun na lang kagalit ang Lord uno. Nakakatakot ito at kinakabahan ako dahil baka may nagawa akong mali kaya ganun na lamang siya kagalit. Unang beses kong nakita itong nagalit kaya labis ang aking pagdadasal. Para na itong papatay dahil sa galit

"Ysabelle anong nangyari sayo?Bat namumutla ka ata?" sinalubong ako ni alma kaya nakita niya ang panginginig ko.

"Ah wala to alma, may naiisip lang ako" pagdadahilan ko.

"Yung tungkol ba kanina ysabelle?, pasensya kana hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa mga tao dito" malungkot na sabi ni Alma

"Ayos lang alma, wala kang kasalanan kusa akong pumasok dito kaya pananagutan ko ang sarili ko" sabi ko sa kanya dahil ito ay nag aalala.

"Tara na? Samahan mo akong maglinis ng mga bintana,ibigay mo muna iyan kay Ginang belen at siya ang maglalagay niyan sa itaas dahil bawal tayo doon"tumango na lang ako dito at sumunod .

Habang naglilinis kami ng mga bintana ay may narinig kaming putok ng baril .Nagulat naman kami ni alma at nag katinginan.

"Magtrabaho na ulit tayo ysabelle, masanay kana" bumalik na ulit ito sa pag tatrabaho,muka ngang dapat na akong masanay. Napatitig ako sa labas ng may bitbit na bangkay ang dalawang bantay ,tinitigan ko ito ng mabuti at nanginig ako lalo ng makita ko kong sino yun. Ang bantay na yun ay ang nakabangga ko kanina.Bakit?anong nangyari? Kanina kausap ko lamang ito pero bakit ngayon ay wala na itong buhay At sigurado akong sa ulo ito binaril na para bang walang balak buhayin ng taong bumaril dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Devil's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon