Chapter 6 - "First Date (Sana)"

12 0 0
                                    

"KIRBYYY ?!?!?!?!?! "

"Yeah. Unfortunately, it's me."

"Ah- hah? . . ah-ahh oo nga. . "

        Nahihiya ako kanina, pero nung nalaman kong si Kirby pala ang ka-date ko. MAS kinabahan yata ako. Shemaay!

"Tss." sabi niya na ang mukhang may halong pagdududa.

"May problema ka?" comportable kong sagot. Ayokong mag mukhang naiilang baka akalain niyang affected pa rin ako sa kanya. No way!

"If I know gusto mo naman na ako ang ka-date mo." naka-pokerface lang siya habang nagsasalita.

"Shocks! ang yabang mo! Gusto kita . . nuon yun, pero ngayon? Duh. OVER MY DEAD BODY!"

"Tsss. di halata! . . di halatang di mo na ko gusto."

"Pano mo nasabi?? Aber!~"

"Tignan mo oh? Pawis na pawis ka. tsaka kulang nalang tumulo yang laway mo nung nakita mo ko. Tili ka ng tili.Tss. Alam kong pogi ako wag mo ng ipaalala."

Napa-nganga ako sa sinabi niya. Lupa!! kainin mo na ako. DALI~ di ko na kaya ang kahihiyan.

HALOS TUMULO LAWAY KO SA HARAPAN NIYA? O-M-G! :(((((((

tatayo na sana siya ng inunahan ko.

"A--Ang yabang mo talaga!! KAHIT NA MAY GUSTO AKO SAYO HINDI TUMULO LAWAY KO!! BABAE PA RIN NAMAN AKO!! I HAVE MANNERS!! HINDI AKO PANGKARANIWANG BABAE!! . . Pero kahit naman tumulo yung laway ko diba? DI MO NALANG KAILANGANG SABIHIN !! GUSTO MO LANG  TALAGA AKONG IPINAPAHIYA. . AYOKO NA TALAGA! AYOKO NA SAYO FOREVER!!" nangingilid na ang mga luha ko kaya tumakbo akong paalis. 

Grabe na siya! Lagi nalang akong napapahiya kapag andiyan siya.

Pumasok ako sa Restroom. At humarap sa salamin. Tinignan kong maigi ang aking mukha, bakit ako nagkakaganito ng dahil sa kanya? Sa pagkakaalam ko 4 months ago ako ay isang matapang, palaban, di madaling ma-inlove na babae. Ang iba ko na ngayon.

"HOY NICHOLE! ANYARE SAYO HA? Umayos ka nga?! Umayos ka . . "

( * FLASHBACK 4 MONTHS AGO * )

I'mTaken (by Plan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon