Stephen ( One Shot Story )

24 4 1
                                    

I believe in dream .. i believe in miracle .. i believe the toy balloon , can reach and touch the moon ..

Nakasakay ako sa jeep papuntang Pelaez , ang lugar na napag-usapan namin ni Stephen na magkikita .

Abot-abot ang kaba ko na halos magpalabas ng puso ko sa dibdib dahil sa sobrang nerbyos na nararamdaman ko ..

kailangan ko na sigurong bawasan ang inom ng kape .. sa isip isip ko .

Sa tagal na panahon na hindi kami nagkita iniisip ko kung anu ng itsura niya . Alam kong medyo tumaba na siya ngayon dahil iyon ang nakikita ko sa fb at yun ang isa kong pang-asar sa kania habang nagkaka-txt kami .

16 years old ako nang makilala ko siya .. siya naman ay 19 years old .. Siya lang naman ang worst enemy ko noon dahil panay ang reklamo niya sa'kin dahil ang bilis niyang mag-time sa computer na nirentahan niya . Ako kasi minsan ang bantay sa computer shop noon .

Madalas kaming nagbabangayan at nag-aasaran ni Stephen noon minsan din kami nagkapikunan dahilan para masapak ko siya sa braso at nagkapasa talaga iyon .

Minsan tinutukso na nila kami na baka magkagustuhan kami dahil sa dalas na pag-aaway namin noon .

"hinding hindi ako magkakagusto sa bansot at ulikba na yan .. " sabi niya .

"ah talaga .. ?? masama ang ugali mo at antipatiko ka ! tandaan mo , kahit gaano ka ka-gwapo wala kang makukuhang matinong girlfriend dahil sa sobrang yabang moooo .. !!! " sagot ko naman .

Nangingiti ako habang tumatakbo sa utak ko ang eksenang iyon five years ago .

Ilang buwan matapos ang matinding sagupaan na'yon namin ni Stephen ay lumipat kami ng bahay medyo malayo na yun sa dati naming bahay kaya nawalan na rin ako ng balita sa mga kaibigan ko doon pati sakaniya . Maliban na lang sa facebook dahil friend ko siya doon .

Pero hindi rin naman kami nagpapansinan sa facebook noon pa . Nakikita ko mga post niya pero wala akong pakialam sa mga iyon . Ni hindi ko magawang tignan ang pangalan niya sa newsfeed ko noon .

Pero nitong nakaraang buwan bigla siyang nagpapansin sa post ko , nag comment kasi siya sa isa kong post na halos broken hearted ako dahil sa walang kwentang ex ko sa fb .

"ang dmi mong drama , ikain mo nlng yan !" comment nia.

"lakampake ! at ayoqng qmain mwa2la ang kaseksihan ko :p "

"Pusa! wag kang feeling uy .. !!"

"Wag ka ring pakialamero !! bwiset ka ! "

Ayun ang una naming bangayan ulit ng lalaking iyon . Laking gulat ko ng bigla siyang nag-pm sa'akin ng oras ding iyon .

"hanngang ngayun , asar kpa rin skin Jhay .. ?"

"dati hndi na , bumalik na lang ulit ung nambusit ka n2man .. !"

"tsk . ! d mka move on .. ? cguro type mo pa rin ako hnggang ngaun .. "

"Wow ! ang lakas ng apog mong mag-assume na may gusto ako sau , baka ikaw !! "

"Ikaw un uy !! kaya nga lagi mo qng inaaway dhil papansin ka !"

"wahahaha .. !! ang lawak ng imahinasyon mo pre .. !"

"Ayaw pang umamin eh , kya nga dikit ka ng dikit ka skin noon .. "

"Lul .. wla akong maalalang dinidikitan kita noon .. !! "

"Ok lng khit d ka umamin . halata naman sa'yo .. :p well , i like you too noon pa nabubusit lang ako sau dahil lagi mo qng inaasar .. "

"At lgi kng pikon .. :p ikaw ang may gusto skin Stephen , hndi ako .. "

StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon