1st day of friendship

0 0 0
                                    

Zach pov

I waited for her outside the chess room pretending na i am waiting for someone else.

I saw her na deretso lang ang lakad then hinabol ko siya.

'Hi Nics!' Bati ko.

'Ay may palaka!' Dahil sa pagkagulat niya nabanggit niya na lang to. Tila nagulat siya na may sumabay sakanya sa mga oras na to.

'Di ako palaka! Hahaha!' Napatawa na lang ako dahil sa epic na reaksyon sa mukha niya.

'Ano kasi.. sorry. Ikaw naman kasi nakakagulat ka. Bat nandito ka pa sa school sa mga oras na to?' Sabay tingin niya sa relo niya. 'Gabi na ah. Uwing estudyante lang dapat.' Deretso niyang sabi na tila isang nanay na nagagalit sa kanyang anak.

'Ang dami namang sinabi.' Sabi ko na lang. 'hatid na kita. Sabay ka na sakin.' Yaya ko dahil gusto ko makita kung san siya nakatira.

'Ano kasi.. malapit lang bahay ko dito. Maglalakad na lang ako. Saka after ko makauwi may need pa ako puntahan' banggit niya habang nag eexplain sakin.

'Hindi.. okay lang. sige sabayan na lang kita sa paglalakad. Hatid na kita. ' sabi ko. Ang totoo di ko rin alam anong pumasok sa isip ko bat ko nabanggit ko yun.

Pero isa lang alam ko. Masaya ako habang sumasabay ako sakanya sa paglalakad. Not sure pero iniignore lang niya ako all through out. Di ba siya nafafall sakin. Bakit di tumatalab charm ko sakanya. Feeling ko for the first time ng life ko na di ako gwapo.

Dont get me wrong. It is just that everybody's telling me na i have looks. Pero sa babae na to. Walang effect. Di man nga lang niya magawang pansinin ako.

Siguro dahil yung mga seniors na pinagpala ng mga kagwapuhan ay mga kaibigan niya kaya ordinary lang din ako for her.

Pero di ko rin alam bakit. Di naman ako sakanya attracted physically since di naman talaga siya kagandahan.

Nics pov

Ayun. Kasabay ko siya naglalakad papunta sa bahay. Ihahatid niya raw ako. Dont even know the reason why. Siguro trip niya lang talaga makipagkaibigan. Ang awkward kasi di naman kasi personally magkakilala kaya wala rin akong matopic. Kaya wala kaming imik na naglalakad. Pero pag napapatingin ako sakanya. Nakangiti lang siya habang yung kamay niya nasa pocket ng pants niya. Ang weird niya tingnan. Di ko alam if mukha ba akong clown or pinagttripan niya lang ako or anong iniisip niya sa mga oras na to.

He is a heartthrob pero til now di ko rin alam at ma figure out. Or dahil wala pa sa mga oras na to at di nasasagi yung mga bagay na hook ang karamihan. Ang magkaroon ng lovelife at magka crush. Ang totoo di ko alam yung feeling to have one.

Nakarating kami sa bahay na walang kibuan maliban sa mga pasulyap sulyap dahil nga ang weird lang.

'Nics! Dito pala bahay mo. Siya nga pala sabi mo may pupuntahan ka pa after di ba?' Sabay tanong niya. Natandaan pa rin pala niya yun.

'Ay oo. Pupuntahan ko sana si Pauline. Kasi may hinihiram akong notes. ' sabi ko.

'Pwedeng samahan na kita then hatid kita ulit dito sa bahay if oks lang?' Habang casual niyang sabi.

Nagulat ako. Di ko maintindihan trip niya sa buhay pero 'sige. Okay lang naman kaso baka hinihintay ka na sa bahay niyo. Di ka ba hinahanap?' Tanong ko sakanya.

'Malapit lang naman di ba dito house nila pauline? Oks lang naman. May sasakyan naman then yung parents ko both nasa abroad sa oras na mga to with my sister. Kaya okay lang. ' sabi niya.

'Ookay. Bihis lang ako then wait mo na lang ako muna siguro sa sala. Tara pasok tayo sa bahay.' Yaya ko na lang

'Ah hindi na. Wait na lang kita dito sa labas.' Tugon niya.

'Sige if yan ang gusto mo.' Di ko na rin pinilit. Sabay pasok ko sa bahay.

Zach pov

Di ko na talaga alam nangyayari pero gusto ko masilayan ang buhay niya kahit papano.

Nasa tapat lang ako ng bahay naghihintay sakanya. Maliit lang bahay nila. Pero okay lang din naman.

Nasa ganito akong pagmamasid ng makita ko siyang lumabas ng bahay. Nakapambahay. Simpleng short and shirt pero mas maganda siyang tingnan.

Napakasimple walang arte. At ang cute niyang tingnan.

Nakatitig ako sakanya ng nagsalita siya.

'Uy! Anong tintingin tingin mo dyan? Di ako si fritz para titigan.'

'Di naman talaga ikaw si fritz.. kasi si fritz..' napatigil ako ng sumabat siya.

'Dahil si fritz, sophisticated, maganda at elegante tingnan at ako ay parang elementary student kung kumilos at magayos? Matagal ko ng alam yan.  Tara na nga. Di ko talaga sure anong trip mo sa buhay.' sabi niya sabay tawa.

Ang totoo di ko din alam. Pero nagkkwentuhan lang kami ng mga out of nowhere topic tapos magtatawanan. Pag tinitingnan ko siya parang at peace ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nothing in CommonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon