Chapter 5

0 1 0
                                    


In the next day, maaga akong pumasok sa school nagtaka pa nga sina Daddy bakit daw maaga ako papasok e Tuesday naman daw ngayon. Every Tuesday ay 9 am pa pasok ko kaya nagulat talaga sila na maaga akong papasok. Sinabi ko na din sa kanila na kinuha ako ni sir kent na naging muse ng basketball team namin. Tuwang-tuwa pa nga sila napapayag ako ni sir na maging muse. Saka chance ko na yon para mapalapit kay Ken tapos bibigyan ko siya ng apple na may lason.Syempre joke lang HAHAHAHA. Crush ko yun no kaya wala akong balak lasunin siya.

Dumaretso ako sa tambayan namin kasi doon ang napag usapan namin nila Selene. Pagdating doon ay di na ako nagulat nang makita na nag-iisa pa lang si Sabrina. Naka upo ito at tila sa kaniyang cellphone lang naka focus. Hmm.. baka nanonood ng k-drama.

Nailing nalang ako ng di niya pa din ako napapansin. Tss naman e!

"Sab? " Tawag ko sa kaniya pero busy pa din siya sa pagtingin sa cellphone niya.

"Sabrina! "

"Damn! Ano ba naman Athena? Nakaka gulat ka naman e. " Aniya

Tumayo ako sa harap nito at kinuha ang cellphone niya.

Gosh. Kaya naman pala busy na busy nagbabasa pala ng wattpad!

"Kaya pala di mo ako napansin nagbabasa kana naman ng wattpad. " Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh alam mo naman na pag nagbabasa ako wala akong pake sa paligid ko." She pout.

"Bat wala pa yung dalawa? Akala ko ba kailangan maaga andito na? Look it's 7:38 am." Inis kong sabi.

Umupo na din ako at naglabas ng dalawang chuckie. Inabot ko kay Sab ang isa at inimon ko na yung akin.

"Alam mo naman ang dalawang yon. Pag sinabi nilang dalawa na maaga tanghali na sa kanila. Naalala mo dati? Diba nung nag aya sila ng gala oh diba sabi nila 8:00 am daw kitaan pero dumating sila 10 am na!".

HAHAHA oo nga bat ba di na ako nasanay sa mga iyon? Naku.

"Pero iba naman ngayon Sab e. Saka nakakahiya kay crushy ko pag late tayo no!"

Tiningnan nito ako. Oh? Bakit?

"Ayan! Isa kapa, mag papractice tayo hindi magpapansin don sa lalaking yon."

"Bakit ba high blood ka ngayon Sab? Magbasa ka nalang nga diyan!" Sabi ko dito. Mabuti naman at bumalik na siya sa pagbabasa niya.

Ilang minuto lang ay dumating na din sila Selene. Pumunta na agad kami sa School court kasi alam namin na andoon sila Kendric nagpa practice.

Pagpasok namin sa court ay nakikita naming busy sila sa paglalaro. Mga pawisan na silang lahat pero girl! Ang hot niya! Ang hot ni Kendric!

Una kaming nakita ni Couch Leo. Nag hi kami sa kaniya bago niya pinatigil ang mga players ng school namin.

"Woah. Saturday ngayon girls,walang pasok. Ano ginagawa niyo dito?" Tanong samin ng lalaking naka number 05

"Ano ba pake mo kung andito kami?" Sagot ng kaibigan kong si Freya.

Hala. Mukhang mag-aaway pa yata sila. Naku naman Freya!

"Ahh,pag pasyensyahan niyo na si Freya. Wala lang sa mood." Pang rarason ko sa kanila.

"Okay lang Miss." Sabi ni number 05.

Diko sila kilala kaya tatawagin ko nalang sila base sa numbers nila.

"Bakit nga ba kayo andito? Hindi niyo ba nakikitang nag pa-practice kami?" Tanong samin ni number 06. Ang susungit naman nila.

Mana sa Captain nilang masungit.

"Ahmm, ako kasi yung napili na maging muse ng Basketball Team." Sabi ko sa kanila. Bigla silang natahimik at nagulat nalang ako sa reaction nila.

"Seryoso ba to,Captain?" Tanong ni number 04 kay Kendric.

"Sabi ko na e! Si Athena talaga bagay maging muse natin." Ani ng lalaking may suot na number 08.

"Siya gusto niyo maging muse ng basketball team diba? So, ayaw niyo?" Cold na tanong ni Kendric sa kanila.

Mabilis naman na nag ingay ang mga ito na tutol sila sa sinabi ni Kendric. Ano? Tama ba naririnig ko? Ako yung gusto nila maging muse? Ibig bang sabihin kilala nila ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Written In The Stars ( High School Series #01 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon