Chapter 4

1 1 0
                                    

Nang makita kami ni sir Kent ay pina-upo niya ako sa kaharap na upuan ni Kendric. Pumunta naman sila Sabrina sa likod ko at doon tumayo. Tiningnan ko yung lalaking nasa harapan ko, wala samin ang atensyon nito kundi nasa cellphone nito.

Napasimangot ako. " Good Morning Sir Kent. Pinapatawag niyo daw po ako? "

" Ah yes Ms. Scott. I just want to tell you that ikaw ang napili ko para maging muse ng school natin sa darating na linggo. Wala kasi kaming makita na bagay maging muse ng basketball team natin. Marami na din ang nag sabing ikaw nga ang kunin ko. " Wika ni Sir.

Wait... What? As in me? Muse ng basketball team? Ako rarampa? Me? Oh gosh!

" Ay sir. Go na go si Athena diyan sir pogi i mean sir Kent. " Singit ni Selene.

Tiningnan ko siya. Ano ba pinagsasabi ng babaeng ito! Ka imbyerna.

" Kung ganun pala ay okay na pala ang lahat. " Masayang sabi ni sir samin.

No sir may problema pa. Ako po di pa ako pumapayag. Kausap niya sa sarili niya.

" Is that your final answer Ms. Scott? "

Napa tingin ako kay Kendric, kinakausap niya ako. May himala at napansin niya ako! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hala, baliw na ba ako? Siguro bago umuwi mag pagtingin na ako sa doctor.

" Are you okay Ms. Scott? "

Umayos ka Athena. " Ah yes. I'm okay and about po sa sinabi mo sir kent. Hindi po ako sanay sa mga ganyan e. " May tonong paghihingi ng paumanhin.

" Hindi sir! Okay na okay po yan kay Athena. Diba? Tuturuan ka naman namin diba po sir? " Ani Phoebe.

Ano ba problema ng magkaibigan na to. Ipapahiya ba nila ako? Gosh! Sakit nila sa bangs.

" I'm sorr— "

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi may tumakip ng bibig ko. Walanghiya naman oh, may galit ba sila sakin. Andiyan pa naman sa harapan si crush. Di niya pa ako na ka crushback ha.

" G na G po diyan itong kaibigan namin. Saka don't worry sir, may practice naman po diba? Matuturuan pa po natin si Athena, diba Mr. Williams? " Wika ni Sabrina.

Tiningnan ko yung nasa harapan ko. Tinaasan ko ito ng kilay. Ano ha? Hindi porque crush kita e di na kita tatarayan. Isa pa nakakahiya naman tong mga to. Kung sila kaya sumali! Tutal sila naman pumapayag.

Ako rarampa? Hayss.. di ko yan kaya.

" Yeah sure. Saka may practice talaga para makita namin kung talaga bang bagay kay Ms.Scott maging muse. " Bored na sabi nito bago ako tiningnan.

Aba! Hindi porque crush kita gaganyanin moko Kendric ha!




" Ano na naman trip niyo kanina at payag na payag kayo? " Pagalit na sabi ko sa mga kaibigan ko.

After namin mag usap ni sir i mean after NILA mag usap ni sir ay dumaretso na kami dito sa cafeteria.
Tulad ng dati kaniya kaniya kaming bili ng gusto naming kainin at pumunta sa pwesto natin. Medyo madami na din ang tao kaya maingay na ang loob.

" Alam mo girl, kung tatanggi ka sa alok ni sir Kent. Aba baka umiyak ka pag may nakita kang kasama ni Bebe mo. " Asar na sabi ni Selene.

Aba naman! Salamat ha selene.

Tinarayan ko ito. " Eh kayo nga nakakahiya sa harap ng tao. Kayo si Athena Scott? Kayo? "

" Ginagawa lang namin part namin Athena. Alam naman namin na crush na crush mo si Kendric. Kaya kami na pumayag. " Wika ni Sabrina.

Napasimangot ako. " Pero nakakahiya pa din no. Narinig niyo ba sinabi niya kanina? Hayss iniinsulto yata ako ng kultong yon ah. "

Naiinis talaga siya pag naiisip niya ang pangyayaring iyon. Sa ganda niyang niyan na insulto pa siya ha.

" Hoy! Andito lang pala kayo. " Sabi ng kararating lang sina Aziel at Freya.

Umupo sila sa kanilang upuan. May dala na din silang makakain nila. Nakakainis talaga yung Kendric na yon!

" Bakit ganyan mukha ng isang yan? " Tanong ni Freya.

" Yung mukha niya kasi ang pangit nga. Di mo ba alam yun Freya? " Pang aasar ni Aziel.

" Nahiya naman ako sa mukha mo shokoy. " Sabi ko pa dito.

Ngumiti lang siya. " Poging shokoy. "

" Eww. Kapal ng mukha mo ha. Ang pangit mo kaya. Nakakainis ah! " Ganti ko dito.

" Shhhhh! Ang ingay na naman. Maingay na nga nasa paligid natin pati ba naman kayo mag aaway pa? " Singit ni Sabrina. As always taga saway namin.

Tiningnan ko ng masama si Aziel pangit tapos ang gago tinarayan ako. Aba bakla. Ay barbie! HAHAHAHA

Written In The Stars ( High School Series #01 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon