Mga Alitaptap Sa Gabi

22 0 0
                                    


Liwanag mo'y aking nakikita,

Dilaw mong kulay ay napakaganda.

Parang bituing kumikislap sa gabi,

Ganda mo'y 'di maitatanggi. 


Mga tao'y tila nahuhumaling sa'yo,

Laging hinuhuli sapagkat pinapakawalan din ito.

Ang iba'y nilalagay ka sa mga boteng malalalim,

Mga tao'y pinapatay ka sa dilim.


Liwanag mo'y unti-unti nang nawawala,

Nalalagutan ka na pala ng hininga.

Nais ko sanang malaman mo,

Nagsilbi kang ilaw samin lisanin mo man ang mundong ito. 


(c) xolovesgia 2020

Poems, Quotes and PoetryWhere stories live. Discover now