Abby's POV
Unti unti kong idinilat ang aking mga mata nang masilaw ako sa liwanag. Unti unti ring naging malinaw ang lahat sakin, andito ako sa kwarto kung san ako nagising kanina at laking gulat ko dahil andito parin yung lalaki kanina at nakatingin lang siya sakin at naiimagine ko na isa syang manyakis o nakawalang preso.
"A-anong ginawa mo sakin?. Pinagsamantalahan mo ko no? Tulong! Tulong! Tulungan nyo ko! Rapist!." Sigaw ko.
"Sinta, huminahon ka. Iyong nalalaman na kahit kailan ay hinding hindi ko iyon magagawa sa iyo. Marahil ay epekto lang yan ng banta ng mga kaaway at sa ilang taong digmaan, ngunit ako ay nagbalik na kaya wala ka nang dapat ipag-alala sapagkat poprotektahan kita."
"Adik ka ba? Totoo ba to?. Naku, pag ito prank sasamain ka talaga sakin. San yung mga kasama mo?."
"Kasama? Prank?." Takang tanong nito sakin. I'm sure umaarte lang to tsk. Tapos bigla kong naalala,
"Sela, lagot ka talaga sakin pag ikaw ang may pasimuno nito!. Isa! Sela lumabas ka dyan, di nako natutuwa!." Sabi ko.
"Ano bang sinasabi mo sinta?. Sinong Sela?."
"Nice try Mister. You know what, I don't have time for this nonsense. So pwede ba isauli mo nalang ako dun sa bahay namin?."
"Bahay nyo?."
"Oo. Sa Casa Trinidad."
"Hindi ko maunawaan. Bakit mo sinasabing nakatira ka sa bahay ng matalik nating kaibigan na si Avelino?."
"Abay siraulo ka pala eh haha Avelino? Kaibigan?. Eh lolo ko yun. Asawa ng lola--"
"Marahil ay kailangan mo pa nga ng pahinga Aldonza. Mukhang wala ka na sa tamang katinuan."
Naguguluhan parin ako. Ano ba talagang nangyayari?. Saka there's no way that today is September 4, 1945. Ang pagkakaalam ko April 1 ngayon. Hmm siguro nga pineplaytime lang ako ng kung sino mang may pakana nito pero hindi eh. This guy looks like he's serious. Aaaaargh ang gulo. Di ko na tuloy alam kung anong paniniwalaan ko.
KINABUKASAN
Nagising ako sa masarap na amoy. Medyo nagulat ako nang makita na andito na ulit ako sa kwarto ko.
Siguro nga panaginip lang yun.
Bumangon nako at pumunta na sa kusina at nakita ko ngang nagluluto si Sela ng breakfast.
"Morning." Bati ko rito. Napalingon naman ito sakin.
"Uy Abby, gising ka na pala." Nakangiting sabi nito sakin.
"Mukhang masarap yan ah."
"Talagang masarap. Recipe pa to ng lolo ko. We call it Morcon de Marcelo."
Hmm how ironic. Marcelo din name nung guy sa panaginip ko at walang ibig sabihin yun. Dreams are just subconscious thoughts, a collection of daily thoughts and memories.
Morcon is a meat dish. A beef often prepared for special occasions it consists of thin sheets of cooked eggs and marinated beef layered one on top of the other, then wrapped and tied around carrots, celery, cheese, pork fat, and sausage. This is then cooked in seasoned tomato sauce.
"Wuy, okay ka lang?." Takang tanong nito sakin.
"Y-yeah hehe. I-I'll just go brush my teeth." Sabi ko at pumunta na ng CR.
..
Sela's POV
Hmm weird. Anyways tinuloy ko na ang pagluluto.
6:30am. Breakfast is ready. Kumakain ngayon kami ni Abby. Tahimik parin siya, tila wala sa sarili.
"Are you sure you're okay?." Nag-aalala lang kasi ako sa kanya.
"Of course hehe. Mmm sarap nito ah. You should open a restaurant."
"Actually meron na."
"Really?."
"Yeah. And this is one of the best sellers. Business yun na sinimulan nina Lolo Marcelo. After the second world war ay nagbukas agad sila ni Lola ng maliit na karinderya dun sa lumang bahay namin sa San Pablo, Laguna hanggang sa medyo lumago na yung negosyo nila na napasa naman sa kanila nina Mommy at mga kapatid niya. It's called CERVANTES which literally means servant. It's inspired by the Spanish writer Miguel de Cervantes who wrote the classic novel Don Quixote. Actually that's also why my older brother's name is Miguel."
"M-may kapatid ka?."
"Oo. I have three. Yung eldest namin si Kuya Miguel, tapos si Ate Iya, si Ate Aya then ako. Lahat sila kasal at may kanya kanya nang pamilya. Well, sa kaso ni Kuya Miguel medyo komplikado sa ngayon. Kakaannul lang nila ng asawa nya at yung mas masakit mas kinikilala pa nung pamangkin ko na ama yung stepdad nya kaysa kay Kuya. She's turning 7 next month."
"Interesting. Funny 'cause I myself used to be married too."
"Talaga?. Anong nangyari?."
"I was too busy working kaya ayun nakahanap ng iba. At alam na alam ko yung feeling na mas kinikilala pa ng anak mo yung ibang tao bilang ina kaysa sayo just because you're too unavailable."
"May anak ka na?." Para kasing di halata eh. So that's what she meant when she said, Miss, again.
"Oo. He's also turning 7 this year."
"T-teka, ilang taon ka na ba?."
"25. I was in my last year of high school when I got my son Jacob. I didn't know what to do, I was too young to deal with that kind of responsibility. Tinakwil ako ng mga magulang ko because they can no longer take the humiliation. After 2 years nagpakasal na kami nung ex husband ko. Naging okay naman ang buhay namin nun not until he lost his job because of embezzling money dun sa kompanyang pinagtatrabahuan nya. Dinismiss din naman agad ang kaso pero naging mahirap na sa kanyang makahanap ulit ng trabaho dahil nga sa record niya. I was a plain housewife for the first few years of our marriage pero napilitan nga akong magtrabaho para samin, lalo na't sobrang sakitin ni Jacob. Dahil dun doble doble yung trabaho ko, halos di na nga ako nakakakain sa tamang oras at nakakauwi samin. Walang tulog at halos mahimatay nalang ako sa sobrang pagod. Janitress sa mall, basurero, waitress, tagasingil ng utang sa palengke at guardia sa gabi sa isang jewelry store. Since my husband is unemployed sya na ang naghahatid sundo kay Jacob sa school and that's how he met the other woman. It was Jacob's preschool teacher. You know what hurts more than that is hearing your own son wishing that woman to be his mother instead of you.."
I can't help but just admire this woman for simply being amazing. Hindi ko kaya yun. She deserves more. Buti nalang nakawala narin sya dun sa walangyang ex husband niya.
"..I wanted to give my son a good life. I want him to see me, I want him to be proud of me. Gusto ko na kahit ayaw nya paring sumama sakin at least alam nya na di pala ganun kasama yung mommy niya gaya ng inaakala nya all these years. While we're processing our annulment ay nagkaroon naman ako ng job offer abroad as a financial analyst sa isang shoe company. But when my parents found my grandfather's long lost last willing testament and found out na sa lahat ng pera at ari-arian niya itong bahay at lupa nato ang tanging ipinamana nya sakin they called me right away. I mean naging malupit man sila sakin, they're still my parents. I mean that's a good thing right?. Haaays, nagdadrama na naman ako. Pasensya ka na ah. Masyado bang mahaba ang kwento ko?." Sabay punas nito sa mga luha na kanina pang pumapatak sa pisngi nya.
"Nope, but your patience is. And you know what, anyone that you choose to love is not lucky."
"I figured."
"Because they're blessed. Too blessed. But too bad they haven't realized it yet." I sincerely said to her.
YOU ARE READING
Single and Miserable (SEBY)
FanfictionSela is a vlogger whose contents are focused on debunking mysteries like ghosts and mythical creatures. She happened to meet Abby who's currently taking care of their ancestral home which is rumoured to be hunted called Casa Trinidad. But what is re...
