To my dear reader (if there is any other than me), this is the second installment of the Ortega Series. Akierah's Fall contains a few spoilers of the other stories under this series but you can definitely read it as a stand-alone. I hope you enjoy reading this as I enjoyed writing it. Thank you!____________________________
Tinitigan ko ang batang lalaking kasing-edad ko lang yata. Nasa loob ng bahay si Mama kasama ang dalawang mag-asawang hindi namin inaasahang bibisita. Hindi ko sila kilala ngunit alam kong kilala sila ni Mama. Kung bakit ayaw niya akong lumapit sa kanila ay palaisipan pa rin sa akin.
Ang lalaki ay nakatingin rin sa akin, mukhang sinisipat ako. Ganoon rin ang ginawa ko sa kanya. Magkahawig kami. Hindi iyon tanong. Pati ang lalaking mukhang tatay niya ay kahawig ko rin.
Tumikhim ako. Base pa lamang sa ayos niya ay alam ko nang mayaman. Ingles lamang siguro ang alam nitong salita. Hindi bale, kung sa Ingles kami magpapalatastasan ay kaya ko namang makisabay.
"Is he my father?" tanong ko sa lalaking kasama kong nakaupo at ngayo'y pareho kaming nakatanaw sa loob ng bahay.
Magkamukha kami ng lalaki kaya ano pa ba ang iisipin ko kung hindi iyon? Simula nang namulat na ako sa mundo, wala akong ibang kasama kundi si Mama. Wala akong kinilalang ama kahit na noon ay panay ang tanong ko kay Mama kung nasaan siya.
"No," sagot niya sa akin bago ako binalingan. "Hindi ko rin siya ama."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kung ang pagsabing hindi ako anak ng lalaki ay maayos pa pero ang kanyang sinabi ay nagpagulo sa akin.
"Pero magkamukha kayo," sabi ko at sa Filipino dahil marunong naman pala siyang magsalita noon.
"Magkamukha rin naman kayo," balik niyang sabi bago bumuntong-hininga. "Magpinsan tayo."
Kumunot ang noo ko. "Sino ang tatay ko, kung ganoon? Kapatid niya?"
Umiling siya. "Magpinsan rin ang mga tatay natin."
Tumango na lamang ako kahit na nalilito pa rin. Sobra naman yata ang pagkahawig namin kung magpinsan lang kami at magpinsan rin lamang ang mga ama namin. O siguro'y may ganoon talaga.
"Ilang taon ka na?" tanong ko na lamang dahil mukhang matagal pa ang pag-uusap nila sa loob.
"Eight. You?"
"Walo rin. Mayo ako ipinanganak."
Ngumisi siya. "October. Kuya pala kita."
"We're just the same age."
"But you're still older than me." Humalakhak siya. "Kuya Raymond."
Naningkit ang mga mata ko. Bakit alam niya ang pangalan ko? Sinabihan na ba siya ng dalawang kasama niya tungkol sa akin? Siguro ay ganoon nga.
"Anong pangalan mo?"
"Jeroboam Danius Mercado."
"Mercado? Iyon ang apelyido mo?"
"Pangalan ko. Tatlo iyon. Pumili ka nalang. O tawagin mo nalang ako sa palayaw ko. Jedan."
Napakamot ako sa batok ko. Tatlong pangalan pero mukhang apelyido iyong isa. Ano bang meron sa mga magulang nito at binigyan siya ng ganoon? Mahaba pa.
"Ortega. Iyon ang apelyido ko," sabi niya sa akin. "And I think it will be your surname, too."
Ortega. Isa akong Ortega.
Nag-usap na lamang kami ni Jedan. Tinanong ko na rin kung bakit nga ba tatlo-tatlo ang pangalan niya. Bata pa lamang siya pero alam na niya halos lahat ng bagay, pati ang mga nangyari sa nakaraan. Sa kanya ko rin nalaman ang tungkol sa tatay ko.
YOU ARE READING
Akierah's Fall (Ortega Series 2)
General FictionAkierah Pedraza always crushes over cute boys. But it's different when she meets handsome Rafal. Dared to make the provincial guy fall for her, she takes the leap, making it a mission, not just for the countless summer attempts, but for life.