Neos POV
"Boss, Andito natayo" Sinabi ng tauhan ni neos habang nakayuko
Tumayo si neos sa kanyang kinauupuan at bumaba sa private airplane. Sa baba ay ang kanyang mga tauhan nakayuko habang nakahelera sa magkabilaang gilid habang sya ay naglalakad.
"WELCOME BACK BOSS!" sabi ng kanyang mga tauhan.
"Uncle naasikaso na ba ang lahat?" Tanong ni neos.
"Naayos na ang lahat pwede kana agad pumasok bukas" sagot ni uncle drake
"GOOD" Sagot ni neos.
"Eero tanong ko lang baket kailangan mo pa dito sa pilipinas mag aral? Sa totoo nga lang hinde mo na kailangan mag aral eh" naguguluhang sinabe ni uncle drake
"Ahh Basta" sagot ni neos.
The next day...
"Batter Ibaba mo nalang ako dito" sabi ni neos.
"Pero boss medyo malayo pa yung school nyo ah" sabi ni batter
"Basta may pupuntahan lang ako" sagot ni neos.
Tinigil ni batter ang sasakyan at bumaba si neos. Nilibot ni neos ang dating nyang tirahan
"Ang daming nagbago dito" nakangiting sinabe ni neos.
Habang naglalakad si neos may mga nakakasalubong syang namumukhaan nya ngunit hinde nya nalang ito pinansin. Nakarating sya sa school. At pumasok sa loob
"Oy be! May pogi oh
"Girl ang gwapo nya!
"Parang pamilyar ang mukha nya"
"Bagong transfer?"
Bulong ng mga tao sa paligid nya. Habang si neos ay naglilibot sa loob ng building.
"Ay gago, malalate na pala ako"
Sabi ni neos sa kanyang sarili.Nagmadali agad syang umakyat ng 2nd floor. Naglalakad sya ng may humarang sa harap nya.
"Hoy kamusta?" Sabi ni joko habang naka ngise kay neos.
Naalala lahat ni neos ang mga ginawa sa kanya ni joko at mga kaibigan nya galit na galit si neos gusto nya na itong sapakin ngunit naalala nya ang sinabe sa kanya ni uncle drake.
"Joko... long time no see" sinabe ni neos habang nag pipigil ng galit.
"Na miss mo ba kame? Sabi ni Jonathan.
"Hinde nga eh" pabalang na sinabe ni neos.
"Gago to ah!" Galit na sabi ni martin
Pinagsasapak sya ng tatlo. Gusto nyang bumawi pero hinde nya ito ginawa.
"Neos wag ka bumawi neos wag ka bumawi" sabi ni neos sa kanyang isip
Matapos iyon, kinuha nya ang kanyang bag na nalaglag na para bang walang nangyare at dumiretso sa kanyang classroom.
"Wala pang teacher! Buti hinde pa ako na late" tuwang sinabe ni neos
Pumasok sya sa loob at dumiretso sa likod at umupo sa dulo malapit sa bintana, naiirita sya dahil nakatingin sa kanya halos lahat ng kanyang mga kaklase.
"May dume ba sa mukha ko? Baket parang nakatingin sila saakin?" Tanong ni neos sa kanyang sarili.
Dumating ang kanilang homeroome teacher at nag pakilala sila sa isat isa.
"My name is eero bonnot you can call me neos for short" nakatayong sinabe ni neos.
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS....
"Ok maaga ang uwi nyo ngayon dahil first day palang naman pinakilala lang natin ang isat isa para maging maganda ang ating samahan this year, makakauwi na kayo.
Tumayo si neos ng may mga lumapit sa kanya.
"Tol sama ka samin kakain kame sa jollibee" sabi ng kaklase nyang lalake "oo nga sama kana" dagdag ng isa pa nyang kaklase na babae.
" ay pasensya na di ako pwede ngayon eh, next time nalang. Nakangiting sagot ni neos.
"Ay ganon ba sige next time nalang"
Sagot ng kaklase nya habang paalis.Lumabas na si neos sa loob ng paaralan , naglalakad sya paalis ng may huminto sa gilid nya na itim na kotse.
"Boss sakay na" sabi ni batter kay neos. pumasok sa loob ng sasakyan si neos.
"Boss kilala mo ba yung babaeng sunod ng sunod sayo? Kanina pa yun eh" tanong ng tauhan ni neos.
"Kung hinde ako nagkakamali sya ata yung dati kong kalaro nung bata ako 5 YEARS AGO"
TO BE CONTINUED.....
BINABASA MO ANG
Nouveau Me
Novela JuvenilNapaka hirap ng buhay para sa isang neos, sya ay sikat kanyang lugar na tinitirahan ngunit hinde dahil sya ay mayaman o isang sikat celebrity bagkus sya ay kilala bilang "No good neos". Hinde kalinisan, Mahirap , hinde kagwapuhan kaya sya laging nab...