~FLASHBACK~Lori's POV
Limang taong gulang ako nuong nalaman ko na ampon ako. Ngunit wala namang pinagbago ang narararamdaman ko para kay Mama Mercel. Mahal na mahal ko parin siya gaya ng pagmamahal niya sa akin.
Nakatira kami sa isang malaking mansyon kung saan nagtra-trabaho bilang kasambahay si mama. May maliit kaming kwarto kung saan doon kami natutulog kasama ang isa pang kasambahay.
Tumutulong ako sa mga gawain, ayoko kasing nahihirapan siya. Gaya mg paglalaba.
"Ma! Tutulungan kitang maglaba!" Umupo ako at tinulungan siyang magkusot.
"Ang galing mo naman, Mia." Ngumiti lang ako sa kanya.
Akala ni mama di ko napapansin pero inuulit niya ang mga kinukusot kong damit. Kaya wala akong tulong pagdating sa paglalaba.
Isang araw naisipan kong tulungan siya na maglinis ng pool. Pero di rin ako magaling doon, ang bilis kong mapagod kaya wala akong tulong.
"Ma, gusto kong tumulong!"
"Bata ka pa." Saad niya at ngumiti lang.
Mahal ako ng lahat ng kasambahay at mahal ko rin sila.
"Mia, kumusta?" Tanong ni Mamang Antonio. Hardenero siya. Siya ang nag aalaga sa mga halaman.
"Ayos lang! Ikaw po ba?"
"Ayos lang rin ako." Sabay bigay niya sa akin ng isang rosas na kulay puti. "Para yan sayo."
"Ang ganda naman." Hinanap ko si mama at nakita ko siya sa kusina na nagluluto. "Ma! Ma! Ma!"
"Oh, Mia? May problema ba?" Tanong niya.
"Tada!" Pinakita ko sa kanya ang rosas. "Para sayo!"
"Salamat. Ang ganda." Sabay ngiti niya. Napangiti ako. Ang ganda talaga ni mama para siyang anghel.
-----
Nasa kama na kami at hinihintay nalang na dalawin kami ng antok.
"Ma, bat ka nagtra-trabaho?"
"Para may pera tayong pangkain." Sabi niya habang hinihimas ang buhok ko.
"Huwag nalang tayong kumain." Tumawa naman siya.
"Kaylangan ng tao ang kumain, Mia."
"Ma?"
"Mmm?"
"Mahal kita."
"Mahal na mahal rin kita."
------
Tutulong ako sa pagta-trabaho para marami kaming pera pangkain! Tumulong ako sa paglalaba, inyos ko ang pagkusot pero wala parin, inuulit parin ni mama ang nalabhan ko na. Tumulong ako sa paglilinis ng pool pero sa huli naglalaro lang ako. Tumulong ako sa kay Mamang Antonio na alagaan ang mga rosas.
BINABASA MO ANG
I hate billionaires: So, I hate my child's father.
RomanceLori wants to get pregnant because of her father's wish. She found a cute guy at the bar and decided to do it with him. She succeed. She's pregnant now. After 6 years. The cute guy named Leo search for her. He wants to get his son from her. Lori di...