**

CAMILA POV


** riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!

7:00 am - Monday

** tick **

"Ugh!! Good morning!" - I whispered.

Agad akong bumangon sabay napahilamos sa mukha ko then sighed.

I'm too lazy to go out.

** knock. knock.

Napatingin naman ako sa pinto.

There I saw Miss Tanya.

"Good morning, Ms. Camila. Madame Elisa's asking for you. She wants you to join for breakfast." - Miss Tanya

I sighed and sarcastically smiled.

"Right now?" - I asked.

She nodded.

Agad naman akong bumangon at nagtungo sa cr to wash up first. Tsaka akong sumunod sa pool area.

Nakita ko naman si mom sitting and having their breakfast while dad's reading his newspaper.

Naupo na rin naman ako agad.

"Hi sweetheart. Good morning." - bati naman ni dad

"Good morning dad." - bati ko naman kay dad

"Camila, I want you to be ready after our breakfast. You need to go to Elisha's so that you can try on the gown that you need to wear tonight." - mom

I looked at her with a poker face.

"Should I have to wear a gown for that event? Can I just wear whatever I want? " - cold kong sagot

She stopped and looked at me with disbelief.

"You're kidding right? Are you joking? Whatever you want? You mean those ripped jeans and those loose shirts again?" - inis na sabi naman nito

I didn't answer as I ate my toast and drink my coffee.

"For pete's sake, Camila! You know that Jeric's family will be there right? Act like a lady." - galit nito

"Whatever." - I coldly answered.

She sighed. She was about to answered again when Dad interrupted us.

"Honey, just relaxed okay? Let's enjoy this breakfast. And you, Camila, please listen to your mom this time. okay?" - dad calmly said while holding my hand.

I just smiled at him and nod.

If hindi lang dahil kay dad, baka nakipagtalo na naman ako kay mom. Nakakainis kasi eh. She keeps on pushing me to Jeric even though she knew that Jeric cheated on me with my friend! Ugh! Nakakainis kapag naalala ko eh.

Anyway, I forgot to introduced myself. I'm Camila Rae Saavedra. 25. simple but beautiful as they said. I'm not into fancy and all. It's just mom. Gusto ko yung mas simple ang lahat at normal lang. Kaya lagi kaming nag aaway ni mom. Our family owned the SAAVEDRA GROUP OF COMPANIES. Basta. I'm working as an operations manager sa airline business namin. SVR Airlines. I preferred to manage the airline kasi mas hilig ko mag travel at alam kong di ako pakikielaman ni mom. Who's Jeric? Well, he's Jeric Hugh. Their family owned the Hugh Corp. 


" Miss Camila, Miss Jia called. She wants to talk to you. It's urgent daw po." - Miss Tanya

I smiled and excused myself kina dad and mom.

I immediately grabbed my phone and walked inside the house.

"Hello Bes. Great timing. "- agad na sagot ko sa phone

I heard her laugh from the other line. " Sabi ko na nga ba eh. Ano? Tuloy ba tayo?" - she asked.

"Yes. I will prepare na. We need to get my gown first then tuloy na tayo sa mall." - ako

"Okay. I'll see you. "- Jia

Kaya agad kong binaba ito pagdating ng room at naghanda na rin.

Jia Avila is my bestfriend since highschool. She knows everything about me.

May usapan kasi kaming aalis kami at sasamahan ko siya sa mall to buy a gift for her sister's debut.

For the event tonight.

**

KOL POV

"Kuya, ano ng plano mo?" 

Napatingin naman ako sa kapatid kong nakahiga sa hospital bed.

"Gagawa ako ng paraan na makuha pa rin yung raket na sinasabi ni Enzo." - sagot ko naman.

Tumango naman ito bilang sagot.

"Basta mag iingat ka kuya ha? wag ka mag alala at sasamahan naman ako ni mama dito eh."- nakangiti niyang sagot sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya sabay halik sa noo nito.

"Magpagaling ha? Wag kang magpasaway. Kapag naging okay na lahat at nakaipon na ako, babalikan kita dito. okay?"-sagot ko naman dito

"Opo kuya." - sagot naman niya habang nakangiti.

"MA!"- sigaw niya ng mapansin niya sa likod ko.

Agad ko naman kinuha yung bag ko at nagpaalam na sa kanya.

Nagkasalubong naman kami ni mama.

Pero di ko siya pinansin. ngunit agad niyang hinawakan ako sa braso, kaya napahinto ako.

"anak, Kol. Mag iingat ka sa Maynila. ako muna bahala kay Koreen" - rinig kong sabi niya

"sana maalagaan mo siya." - cold kong sagot 

agad kong inalis yung braso ko sa pagkahawak niya at lumabas na ng ospital.

Ayokong magtagpo kami nung babaeng yun. Baka masaktan ko lang siya.

Kailangan ma operahan si Koreen sa puso. Dapat siyang ma-operahan sa madaling panahon at kailangan kong mag ipon ng pera pang opera niya.

Buti na lang na kontak pa ako ng dati kong kaklase nung college na si Enzo. Dahil yung kaibigan daw ng pinsan niya ay may debut at last minute daw nag cancel yung photographer at videographer nila. Kaya naman, tinanggap ko na ito. Malaki naman ang bayad eh. 

Agad akong sumakay ng bus papuntang Maynila.

Ako pala si Kol Pineda. 27. Photographer. Ako lang ang mag isa sa Maynila. Dito din kasi ako nagttrabaho, lumuluwas lang ako sa probinsya para bisitahin yung kapatid ko kapag may oras ako. Nakatira lang ako sa isang apartment mag isa. Nagttrabaho ako talaga sa studio ng isang kaibigan din namin ni Enzo. Pero syempre minsan, nag ffreelance din.

** beep. beep.

Napatingin naman ako sa cellphone ko, nakita kong may text si Enzo.


FROM : ENZO

Pare, pwede ba tayong magkita sa Sweet Escape Coffee shop? To discuss about the event.


Agad naman akong nagreply dito.


FROM : KOL

Sige pare. Anong oras ba? Nasa byahe pa kasi ako pabalik ng Maynila eh.


FROM : ENZO

Okay lang. Kahit mga 2pm na.


FROM : KOL

Sige pare. Magkita na lang tayo dun. salamat.


Maaga pa naman kaya umiglip muna ako habang nasa byahe. Panigurado naman akong mga 1pm nasa Maynila na ako.

Kaya naman sumandal na ako at pumikit.


***



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon