Simula

22 4 0
                                    


"Magwalis-walis nga kayo! Parating na tatay nyo't di pa rin maayos." nakapameywang na sambit ni inay na halatang pagod na sa pabalik-balik na lakad kkaahintay kay tatay.

Lumapit si ate sa kanya at hinagod-hagod ang braso para kumalma. "Relax ka lang nay, lilinisin namin 'to ng maganda mong anak." sabay tawa.

Lumipas ang mahigit isang oras ay natapos na namin ang pag-wawalis at pagliligpit ng mga gamit.

Papasok na sana kami sa kanya-kanya naming mga kwarto nang biglang pumasok si tatay na pawisan, puno ng putik at may mantsa ng dugo sa damit.

Bigla akong napatingin kay inay nang tumakbok s'ya papunta kay tatay at pilit na tinatanong anong nangyari.

"L-liz, hindi ko sinasadya..." sambit ni tatay habang mangiyak-ngiyak na halatang nangangatog sa takot.

Sinulyapan kami ni Inay na animo'y may ipinararating kaya bigla akong napahawak sa kapatid ko na naluluha na din.

"Lilly, Brina, iwanan n'yo muna kami ng tatay nyo't mag-uusap lang kami." sabay ngiti sa amin ni inay.

Ngumiti ako pabalik bago nagpahila sa kapatid ko.

Mula sa kinatatayuan namin, dinig pa rin namin ang usapan nila. Alam naming masama iyon ngunit nag-aalala kami para sa kondisyon tatay.

"Brina, wag ka maingay ha?" sabay ayos ni ate sa buhok ko.

Napatalon kami ng bahagya dahil sa narinig namin na nabasag. Akmang papasok na ako ng pinigilan ako ni Ate.

"'Wag Brina. Magagalit lang si Inay."

"P-pero ate..."

Lumapit pa kami ng bahagya para marinig namin ano ang pinag-uusapan nila Inay sa loob.

"H-hindi ko sinasadya na makapatay Liz.." dinig ko na sambit ni tatay. Pero napukaw ng huling salita nya ang atensyon ko. Makapatay...

Narinig ko ang iyak ni Inay mula sa kinatatayuan ko. "Naniniwala ako sayo dahil mahal kita. Hindi mo kailangan isakripisyo ang sarili mo. Hindi mo iyon sinasadya..."

"Pero kailangan ko pagbayaran 'yon, Liz."

Narinig ko ang pag tunog ng upuan; palatandaan na tumayo si Tatay sa pagkakaupo.

"Aayusin ko 'to Liz, pangako." sambit ni itay bago tuluyang lumabas ng pinto at makita kaming nakatayo.

Ngumiti s'ya at ginulo ang buhok namin ni ate lilly. "Kayo ha nakikinig kayo... susumbong ko kayo pag balik ko." nang asar pa bago tuluyang umalis.

"Ingat tay, mahal na mahal kita..." huling sambit ko bago tuluyang iwagayway ang kamay para makapagpaalam.

Malapit na sumikat ulit ang araw ngunit heto ako't naka-upo pa rin sa bintana at hinihintay si tatay. Alam kong darating s'ya, tumutupad 'yon ng pangako.

Ngunit naalimpungatan ako sa hagulgol ni inay. Di ko na din namalayan na nakatulog na pala ako sa paghihintay.

"Inay? ba't ka umiiyak?" tanong ko habang kinukusot kusot ko pa ang mata ko.

Ngumiti si Inay sa akin at nagsambit ng mga salitang ayaw ko sana marinig. "Kailangan na nating umalis anak. Hindi na tayo ligtas dito."

"P-pero wala pa si tatay. Baka mag-alala 'yon."

Hinarap ako ni nanay at pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. "Anak, wala na ang tatay. Magpakatatag ka't alam kong ginawa nya ang tama at para na rin iyon sa kaligtasan natin."

Marahan kong inalis ang pagkakahawak ni Inay sa mukha ko. "Kung ganoon, bakit pa natin kailangan umalis kung wala namang ginagawang mali si Itay?"

"Dahil may mga taong pinaghahanap tayo at itinuturing tayong hayop."

"H-hayop?" nagtatakhang tanong ko. "Tao ka naman nay ah?"

Tumango nalang si Inay at ngumiti kahit na halata ang lungkoy. Naglakad s'ya patungong kusina ngunit narinig ko ang bulong n'ya. "Ngunit iba ang iyong tatay..."

Nag-simula na kaming mag empake at tumatakbo pa kami papalabas ng bahay. Ngunit bago pa kami makaalis, nakita ko ang mga tao na sinunog ang tinitirhan namin.

Ang bahay kung saan ako lumaki...

__

Amour_popre

A/N: edit ko pag sinipag hiho

ViragoWhere stories live. Discover now