Capítulo Dos

11 3 0
                                    

Capítulo Dos: Lobo

Pagg-kauwi sa bahay, nadatnan ko agad si ate na nag tutupi ng mga damit.

"Saan ka galing? Kumain ka na ba?" tanong ni ate at nag lakad patungong kusina.

Lumapit ako at hinagkan sya sa likod. "Sa palasyo ate... napakaganda doon..." sambit ko habang nakatingala sa kisame at iniisip ang nangyari kani-kanina lang.

Tumingin sa akin ng nakakaloko si ate sabay ngisi. "Ikaw ha, kung ano na naman iniisip mo." nilapag nya ang isang pirasong empanada na may kasamang mansanas sa mesa.

Patuloy ang panunukso nya hanggang sa dumating si nanay na may dala-dalang mga gulay. "Nako, mag ga-gabi na naman. Andali lang ha? magluluto lang si nanay."

Tatayo na sana si ate para tulungan si inay ngunit bigla nalang itong natumba na animong may iniindang sakit. Bakit parang nakita ko na 'to?

Nagulat si Inay kaya natataranta s'yang pumunta kay ate para alalayan ito ngunit napakapit lamang si ate kay nanay at hindi makatayo dahil sa sakit na nararamdaman.

"Jusko po! Pinagdasal ko araw-araw na sana'y di mapasa sayo ang sumpang 'to pero heto't nag-uumpisa na." umiiyak na sambit ni inay habang hinahagod ang likod ni ate.

Habang tumatagal, nagkakaroon ng balahibo si ate at mas lalo pang tumingkad ang kulay abo nitong mga mata. Napalayo si Inay nang maging isang ganap na taong lobo si ate.

Alam ko kung sino ang makakatulong kay ate kaya't dali dali akong lumabas, ngunit bago pa man ako makalabas, binalingan ako ni inay para tanungin kung saan ako pupunta dahil oras na.

"Brina! saan ka pupunta? gabi na! baka mapano ka pa!" bulyaw ni inay habang nag aalalang nakatingin sa akin at tagaktak ang pawis.

Lumapit ako kay inay para ipaalam na "Alam ko po kung sino ang makakatulong sa atin." paninigurado ko at hinagkan si inay. "Hintayin nyo po ako."

Pumunta ako sa lugar na pinuntahan ko kanina para makita ang buong tanawin. Kung saan makikita ko ang prinsipe...

Ngunit pagkarating doon, nadatnan ko ang putol-putol na puno, mga nasirang bulaklak na animong sinadya talagang gawin para masira ang paligid. Nilibot ko ang mga mata ko at nahagip nito ang isang papel na may dugo na nasa ilalim ng putol na puno.

Dinampot ko ito at binasa.

Patawad ngunit kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. Kailangan ako ng lahi ko. Masaya ako't nakilala kita bago ako lumisan sa lugar na ito. I don't know if we'll see each other again but i'll promise, i'll make a way so we can see each other again, princess.

Nagmamahal,

iyong prinsipe

Napaluhod ako habang patuloy na bumubuhos ang aking luha. Hindi ko alam ngunit parang napakabigat sa pakiramdam na hindi sigurado kung magkikita pa ba kami ulit o hindi na. Napakasakit...

At kung magkikita man tayo muli, sana'y sa lugar na ito pa rin...

Naglakad ako pabalik sa bahay na may pasan-pasan na bigat sa aking puso. "Nay, hindi ko na po pala matandaan ang daan kaya't hindi ko na din alam saan ako hihingi ng tulong."kasinungalingan.

"Halika dito't pabayaan mo na. Tulog na din naman ang ate mo. Pagkaalis mo kasi, nagbalik na sa pagiging anyo ang ate mo." niyakap ako ni inay habng hinahaplos ng marahan ang aking buhok. "Kung sana'y nandito ang tatay nyo... mapapaliwanag n'ya lahat."

Bigla naman akong napaisip kaya't tinanong ko na si inay. "Ako din ba nay, magiging katulad ni tatay at ni ate?" nagulat naman si inay kaya bigla s'yang napalayo sa yakap.

Nang makabawi, ngumiti si Inay at hinagkan ako muli. "'Wag mo muna isipin 'yon. Mahal na mahal ko kayo ng ate mo..."

Ngumiti ako pabalik. "Mahal na mahal ko din kayo ni ate 'nay..."

Nagising ako kinabukasan dahil sa hagulgol ni ate. "Ate..."

Humarap s'ya sa akin. "B-brina, hayop ako... i-isa akong hayop..."

Tuluyan akong bumangon sa pagkakahiga at hinagkan si ate. "Hindi ka hayop ate... tanggap ka namin ni inay kahit na anong mangyari." pag aalo ko sa kanya.

"Hindi ko 'to gusto Brina..."

Wala akong masabi kaya't hinagkan ko nalang si ate hanggang sa makatulog ulit. Minsan, hindi kailangang puro payo tayo, mas ayos na kahit na nasa tabi lang tayo ng taong kailnga tayo.

Pag-kalabas ng kwarto, nakita ko na si inay na dala-dala ang basket para mamalengke. KInuha ko na ang basket na hawak ni inay dahil alam konghahanapin s'ya ni ate pagka-gising nito kaya ako nalang muna ang mamamalengke.

"Ako na po 'nay, tabihan n'yo nnalang po si ate."

Pag-karating sa bayan, marami-raming tao na ang bumibili kahit hindi pa sumisikat ag araw. Habang namimili ako, narinig ko ag mga nagtsi-tsismisan sa gilid ng pabilihan ng gulay kung saan ako nakatayo.

"Narinig n'yo din ba kagabi yung mga alulong? Naku dapat mahuli na yang mga yan."

"Hindi din nga ako nakatulog kagabi, baka kasi pumunta sa bahay, delikado na."

Alam nilang may mga taong lobo dito sa lugar na 'to?

Pagkauwi sa bahay, nadatnan ko sila inay na may kausap na matanda-- may tungkod na kumikinang ngunit halatang ginawa lamang kasangkapan at hindi naman talaga kailangan, kulubot na ang balat, kulay abo ang buhok, at may kakaibang tindig.

Lumapit ako para sana batiin ito ngunit nakita ko ang lagay ni inay at ni ate. Nakasandal si ate habang kalong-kalong ni inay. Halatang malungkot ngunit naroon ang saya sa mga mata.

Nang mapansin nila ako, ipinakilala ako ni Inay sa matanda. "Si Brina, bunsong anak ko."

Ngumiti sa akin ang matanda ngunit napansin ko na tila may hinahanap ito o inaamoy?

"Kailangan na natin mag-madali, malapit nang magpakita ang bilog na buwan." nakakunot ang noo at nakatingin sa kalangitan na sambit ng matanda.

Tumingin ako kay inay ng may pagtatanong.

"Hindi na kaya ng ate mo, kailangan natin ng tulong sa mga kauri nila," inabot nito ang kamay ko. "magiging ayos din ang lahat..."

Mabilis kaming nakapag-empake at inakay na si ate na halatang hinang-hina na. At sa huling pagkakataon, sinulyapan ko ang lugar kung saan ko s'ya nakialala.

Sa huling pagkakataon na 'yon, pinangako kong magkikita kami ulit. Lorcan...

--
@Amour_popre

A/N: cringe ba huhu eedit ko pa naman after donachawori tenks

ViragoWhere stories live. Discover now