Revenge 5

118 4 0
                                    

Sandy's Pov

Walang hiyang babaeng yun sasaktan pa si kim. Nakita ko kasi sila sinusubaybayan ko ng tingin ko talaga si kim pag pauwi kapag galing saamin.

Pupuntahan ko na sana kaso nung nasa gate palang ako nakita ko na si Ian dinedepensahan niya si kim sa mga babaeng nanggugulo kay Kim. Di ko mapigilan ang luha na pumatak bat pala ako umiiyak eh di ko naman kailangan iyakan yang lalaki na yan gusto ko lang siya di naman kami pero bat nasasaktan ang puso ko parang dinudurog.

Sobrang sakit ng puso ko kapag nakikita ko sila ni kim magkasama. Tumakbo ako papasok sa bahay tas umakyat agad sa kwarto. Umiyak ako ng umiyak inilabas ko lahat ng sakit hanggang sa nakatulog ako kakaiyak.

Ginising na ako ni mama para kumain di ko namalayan na alas-otso na pala. Abay mahimbing ata ang pagkatulog ko. Ano nga ba ang nangyari panaginip ba yun lahat o totoo. Hayst kakain nalang ako.

Habang naghahanda si mama ng kakainin ko may napatanong ako ng di oras. "Ma nasaktan ka na ba?" Di ko alam bakit yan ang nasabi ko.

"Anong nasaktan yung literal na masaktan like nasugatan o nadapa?" Confuse na tanong ni mama

"Hindi yung sa puso, love lie baga?"

"Ah oo once"

"Sino? Paano? Sobrang sakit ba ma?"

"Hinay hinay anak" sabi ni mama habang ngumingisi "Sino? Si papa mo Paano? Nakita ko siyang nakikipaglandian sa ibang babae Sobrang sakit? Oo mahal ko kasi eh kaya sobrang sakit, eh bakit mo naman natanong?"

"Oo nga bakit nga ba?" Singit ni papa

Abay ang aga atang umuwi ni papa galing trabaho minsan kasi Nag-o-overtime pa yan eh.

"Ah wala lang po syempre dalaga na ako you know may gusto lang malaman"

"Ah o siya sabay na tayong kumain" sabi ni papa saakin

"Sige po"

Mahirap din pala magmahal eh no. Kailangan mo pang masaktan di magiging perfect ang relationship niyo kung walang conflict na pagdadaanan kailang niyo talaga maging matatag at magtiwala sa isa't isa para magtagal at pang habang buhay na.

Ay nako kakain nga muna ako. Habang nakain tinitingnan ko sila mama at papa di ko naman kamukha si mama pati din si papa. Kanino ba ako nagmana at ang panget panget ko.

Pagkatapos kong kumain umakyat agad ako sa kwarto ko. Madami pa kasi akong tatapusin alam niyo naman ang school ang daming ka-echosan.

Habang gumagawa may umistorbo sa akin bigla kasing nagring yung phone ko. Napatalon pa nga ako sa kama dahil sa nagulat ako. Pagkatingin ko si kim ang natawag.

"Oh napatawag ka?" Sabi ko kay kim

"Girl sinugod ako nung ex ni I-------" pinutol ko ba kasi alam ko na ang sasabihin niya.

"Oo alam ko nakita ko kayo"

"What di mo man lang ------"

"Nakita ko na kasi na nilapitan ka ni Ian kaya di na kita pinagtanggol. Oh sige na girl may gagawin pa ako"

Tas ibinababa ko na yung telepono ayaw ko ng makipagusap ng nonesense sayang ang oras ko.

Habang gumagawa ako ng mga takda at project ko may biglang tumulong luha sa mga mata ko. Bakit ba ako naiyak bwisit na puso na to oh.

***
Ian's Pov

"Hello Nicole" tinwagan ko si nicole para makausap

"Oh Ian how are you?" Parang nangaasar pa ata

"Pwede bang tigilan mo na kami ni kim masaya na kami. Magmove on kana please" syempre kunwari lang para tigilan na ako nitong babaeng to.

"Oh eh pano kung ayaw ko may magagawa ka ba?" Nakakainis to ah.

"Please lang oh tigilan mo na kamibaka gusto mong ipa-drop kita para layuan mo na kami"

"Edi go kaya kong pumasok sa iba't ibang school" aba matapang may pinagmamalaki.

Ibinababa ko na lang yung telepono di talaga siya makiusapan kaya kami nagbreak eh lahat nalang ipinipilit.

Sa sobrang inis ko kay nicole nanuod nalang ako ng CD na dinukot ko sa cabinet na puro collection ko.

Pampawala lang ng inis. Medyo horror yung nakuha ko pero walng trill eh kasi napanod ko na siya eh medyo kabisado ko na eh. Medyo inaantok na ako kaso biglang may nagdoorbell gabing gabi na eh pumupunta pa ng dis-oras ng gabi. Tsssss.

Papalapit na ako ng pinto tas sumigaw ako "Sino yan?"

"Pre si Dylan to" sigaw ng nasa likod ng pinto

Binuksan ko kaagad ang pinto. Nakita ko si Dylan na may dalang mga chips ewan ko kung bakit nandito siya.

"Oh pre bat ka pala na papunta dito?" tanong ko sa kanya

"Pre makikisleep over sana ako wala naman kasi tayong pasok bukas eh saka wala akong kasama sa dorm nagsi-alisan yung mga karoom mate ko."

"Oh siya pasok na may pinapanuod akong movie diyan na nakasalpak na kung gusto mong palitan tanggalin mo nalang sa pagkasalang yung CD " Pag-eexplain ko sa kanya

dumaretso agad siya sa sofa aba kabastos namang lalaking to di marunong mag-thank you "Thank you ha!" sarkastiko kong pagkasabi sa kanya

"Your welcome" Sagot naman niya.

Aba bastos nga ang hayup. Umupo ako sa tabi niya at dumukot nalang ng chips na hawak niya ngayun. busing busy siya sa kapapanood abay magaala-una na di parin siya tulog ako papikit-pikit na hanggang sa nakatulog na ako sa sofa.

Nagising nalang ako dahil sa hilik ni Dylan gustuhin ko namang matulog ayaw naman magpatulog ng katabi. Pagkamulat ng mga mata nakita ko nalang si Dylan na nakapatong ang isang kamay at paa sa katawan ko ginawa ba naman akong tanday. Di komagalaw ang katawan ko bwisit na lalaki na ito. Itinaas ko una ang kamay niya tas nilagay sa kabilng pwesto pati din ang paa niya para makagalaw at makaalis ako sa pagkakahiga.

Nung pagkatayo na pagkatayo ko dumaretsiyo agad ako sa kusina para magluto ng Breakfast ko. Habang nagluluto ako bigla nalang nagising ang unggoy.

"Pre ang bango ng niluluto mo para ba sa angin yan?" sabi ng makapal na mukhang Dylan

"Hirap talaga makisleep over no? Makikitulog ka na nga sakanila makikikain ka din" sabi ko na parang nangaasar

"Ikaw naman pre syempre sabi nga ni lord share your blessing siyempre matuto ka naman magshare ng blessing kahit minsan"

"Oo na umupo ka nalang diyan at ihahanda ko na to" siyempre ang unggoy sumunod di manlang nagdala ng plato at kutsara walng pagkukusa ang hanep

"Oh ito na dalawang itlog at isang hot dog lang para sayu meron naring sinangag na kanin akong niluto yan pakabusog ka" sabi ko pero may pahabol pa pala ako "Teka lang kung gusto mo mg ketsup nasa ref di kasi ako nagkeketsup si ate lang kaya ikaw nalang kumuha"

"Yes Sir" sabay saludo sa akin

minsan talang nakakainis tong si Dylan eh minsan nakakatawa naman dahil sa kaabnormalan niya.

Habang naglalakad pabalik sa pwesto niya si Dylan maysinasabi siya. "Oo nga pala kamusta na pala ang ate mo umuuwi paba siya dito saka ano nga ulit pangalan ng ate mo"

"Ano ba yan tanung ka ng tanung about sa kanya di mo pala kilala Julie ang pangalan niya tatak mo sa utak mo, Syempre umuuwi siya minsan kaso minsan nasa bahay ng boyfriend niya doon siya natutulog"

"Sayang" Bulong ni Dylan

"Anong sayang?"

The Ms. Unpopular RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon