- 14 -

501 37 0
                                    

16 years ago

"  Islaw sila ang Ninong Jhoniel at Jillian mo...mag mano ka"

Sabi ng isang babae sa kanyang anak na batang lalake na si Islaw

Dahil likas na mabait ang batang si Islaw ay agad itong nag mano sa mag asawa at agad naman na pinisil ni Jillian ang pisngi ng batang si Islaw. Wala namang reaksyon na pinakita ang bata dahil sa mahiyain ito.

" Ang kyut naman ng inaanak ko...sya nga pala dapat makilala nyo rin ang mga anak namin"

Sabi ni Jill,at agad naman itong tinawag ni Jhoniel, Hindi naman nag taka ang mga magulang ng batang si Islaw sa sinabi ni Jill na mga anak dahil alam nila kung ano ang ibig sabihin nito.

Ngunit ang batang si Islaw ay napa balik sa kanyang Ina at yumakap ito dahil sa mahiyain ito at kahit kailan ay hindi pa nya nakita ang kinakapatid nya.

Pitong taong gulang noon ang batang si Islaw ngunit kahit kailan ay mailap ito sa ibang mga bata dahil sa natatakot syang makipaglaro sa mga ito.

" Carlos,Jason hali kayo at ng makita nyo ang kinakapatid nyo at mga Ninang at Ninong nyo"

Sabi ni Jill sa mga anak nya. At masaya naman na ngumiti ang dalawang bata saka nag mano ito kina Nicole at Arvine.

" Ito na ba si Carlos aba mukhang maraming  papaluhain na bata ang batang ito ah"

Sabi ni Arvine sa batang si Carlos at ngumiti naman ang noong bungi na si Carlos sa sinabi ng Ninong nya wala man syang naintindihan sa sinabi ng kanyang Ninong ay ngumitiang ito dahil iyon ang turo ng kanyang magulang.

Lumapit naman si Nicole sa batang si Jason akala ni Jason ay kukuntyain sya ng mag asawa dahil alam nilang amponang ito pero nagulat sya ng niyakap sya ni Nicole sabay masayang sabi na.

" Masaya akong naging parte mg pamilya nila Jill... simula ngayon tawagin mo na rin akong Ninang dahil pamilya na rin ang turing namin sa iyo"

Sabi ni Nicole sa batang si Jason sobrang galak naman noon ni Jason dahil sa sinabi ng ginang sa kanya.

Humiwalay sa pag kakayakap sa kanya si Nicole at binalikan ang kanyang anak na si Islaw na nagtatago naman sa likod ng kanyang Itay.

" Islaw anong ginagawa mo dyan sa likod ni Itay? Halika dito at ng makilala mo ang iyong kinakapatid"

Sabi ni Nicole at tumingin naman ang batang si Islaw sa batang si Carlos at natulala naman ang batang si Carlos ng makita nya si Islaw agad naman na lumapit sya sa kanyang Inay. At saka uli ito tumingin sa batang si Carlos.

" Ayan...Islaw sya ang kinakapatid mo, anak sya ng Ninag at Ninong mo..sya si Carlos"

Pakilala naman ni Nicole.

Agad naman na yumuko si Jill at saka nya hinawakan ang anak nya na si Carlos.

" At Carlos sya ang kinakapatid mo sya si Islaw...at simula sa araw na ito gusto maging mag kaibigan kayo...kayong tatlo ng Kuya Jason mo...dahil mula ngayon. Dito na sila sa atin titira ang bahay nila ay nasa tapat lang ng bahay natin"

Memories To Remember [BXB] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon