Athena Pov.
(1 Week Later)
Mag isa ako ngayon sa Condo ko. Si Agatha kasi May Trabaho si Xaiver naman Pumunta sa Comapany nila. 1 Week narin ang nakalipas ng malaman ko na may sakit ako. Kumuha narin ako ng Condo dahil Sigurado akong Pupuntahan ako ni Stell. Hindi narin ako Nagtratrabaho sa Hospital. Palagi nalang ako andito sa Condo. Tanging Sina Mama,Kuya,Mang Lindo,Agatha at Xaiver lang ang may alam kong asan ako ngayon.Pinupuntahan rin ako ni Dr. Cruz Para Macheck Kung anong lagay ko.
"Ok kalang ba dyan? Hindi naman ba Sumasakit ang Ulo mo?" ani ni Agatha sa Kabilang Linya. Araw Araw Tinatawagan niya ako para kamustahin.
"Ok lang ako dito, Nakakabagot nga lang" ani ko. Nasa Sala ako ngayon at nagbabasa ng libro.
"Pinuntahan na naman ako kanina ni Stell, Tinatanong niya kung asan ka at kung bakit di mo Sinasagot ang mga tawag niya" Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan niya. Pinalitan ko ang Simcard ko at iniba ko narin ang Account ko sa mga Social Media.
"Anong Sinabi mo sa kanya?"
"Sinabi ko na Hindi ko rin alam, Na hindi rin kita Makontak. Athena, Hanggang kailan mo ba balak Itago yang sakit mo?"
"Hindi ko alam, K-Kamusta na siya?"
"Busy siya sa pagprapractice. Malapitna kasi ang Concert nila. Pero alam mo, kahit Pagod na Pagod na siya, Pumupunta parin siya sa bahay niyo at dito sa Hospital Para tanungin kong asan kana.Ganun ka kamahal ni Stell.. Athena"
"S-salamat Agatha ha, Salamat sa lahat"
"Ano kaba, wala yun. Magpagaling ka dyan. Inumin mo ang mga gamo mo. Lagot ka talaga sakin kapag hindi mo ininom ang mga Gamot na binigay sayo"
Mabuti nalang at andyan sina Agatha at Xavier para sakin.
Sobrang Miss na Miss ko na Si Stell. Namimiss ko na ang pang aasar niya sakin, namimiss ko na ang Ngiti niya. Minsan na iisip ko na 'Sabihin ko nalang kaya sa kanya?' Pero Ayaw kong maging pabigat sa kanya, Lalo na ngayon na Sobrang busy niya para sa Concert nila.
Stell Pov.
"Hindi parin ba siya Sumasagot?" Ani ni Josh.
"Hindi ko na makontak ang Phone niya. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?Pati Sa bahay niya wala siya.Sabi ng Kuya niya Hindi parin umuuwi si Athena sa knila. Hindi narin Pumapasok si Athena sa Hospital"
'Asan kana ba Athena? Nag aalala na ako sayo..'
"Nagtanong narin ako kay Dina kung may nabanggit sa kanya si Athena eh Hindi pa naman daw sila nag uusap" Ani ni Jah.
Isang Linggo na Hindi kami nagkikita. Araw araw Pumupunta ako sa Bahay nila pero wala siya.Pumpunta rin ako sa Hospital Pero ganun rin. Isang Linggo narin daw na hindi pumapasok si Athena.
Pagkatapos ng Practice namin ay Pumunta kami sa Coffee Shop. Pinili namin ang hindi masyadon Pinupuntahan ng mga tao ang Luckily Walang tao ngayon. Si Justin ang umorder Nagbato bato pick pa kami kanina kung sino ang Mag babayad at malas ko at ako ang natalo. Pasalamat tala ang mga toh at mahal ko sila hahahah.
"Grabe Malapit na pala ang Concert natin." Ani ni Jah.
"Tatlong araw nalang bah? O Apat?" ani ko.
"Tatlong araw nalang. Kailangan nating galingan lalo na andito tayo sa Bansa natin. Matagal tayong hinintay ng mga Fans natin dito sa pinas" ani ni Pinuno.
"Syempre Gagalingan ko talaga, Uuwi si Misis dito Para manuod ng Concert natin" Masayang ani ni Ken.
"Uuwi rin si Dina" ani ni Jah.
"Sakin rin" si Josh
"Me too, Pupunta si Agatha" Ani ni Pinuno.
Napayuko nalang ako, Hindi ko pa nga nakikita si Athena.Natahimik rin sila ng Maintindihan nila ang Galaw ko.Alam kong nalulungkot rin sila para sakin.Ilang Minuto pa Katahimikan lang ang bumabalot sa paligid. Wala naring nagsalita saamin.Maya Maya pa ay Dumating si Agatha at naka Gown parin siya nasa Bulsa niya ang stethoscope.
"Hey" Ani niya at Tumabi kay Sejun.
"Hindi parin ba siya Tumatawag sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry, Hindi pa eh" Ani niya.
"Don't worry okay lang yun, Malakas ang babaeng yun"
"Wala ba talagang Nabanggit sayo si Athena? Isang Linggo na at Hindi parin siya nagpaparamdam" Ani ni Josh kay Agatha.
"H-Hindi ko talaga alam. Wala naman siyang Sinasabi sakin"
"Sabi sakin ng Nurse Nakita pa nila si Athena bago ito Nawala. Sumasakit daw ang ulo niya" Ani ko.
"W-wala namang sinasabi sakin si Athena"
"Hello!" Napalingon kami ng may Nagsalita. May Tatlong Babae na Lumapit samin. Sina Mona,Dina at Riane. Si Athena nalang ang Kulang.
"Oh? Akala ko bukas pa ang Uwi mo?" Ani ni Justin sa asawa.
"Eh Excited tong mga toh eh" Ani niya at itinuro sina Mona at Riane.
"Balita ko nawawala si Athena?" Ani ni Riane.
"Isang Linggo na siya hindi nagpapakita" Ani ko.
"Bakit Naman? Wala ba siyang Sinabi?"
Umiling nalang ako bilang sagot. Isang Oras rin ang Itinagal namin sa Coffee shop. Tumayo na kaming lahat at Paalis na sana ng Bumukas ang Pinto....
"Bilhan mo ako ha"
"May Pera ka magpapalibre kapa"
"Napakadamot mo!"
"Bahala ka dyan hahah"
Napatigil sila sa pagtatawanan ng makita kami. Nagulat ako sa nakita ko. B-Bakit sila magkasama?T-Totoo pa tong nakikita ko?
"Athena..."
"Xaivier..."
BINABASA MO ANG
The 5 Princes and Me: Part Two(COMPLETED)
RandomPart Two of The 5 Princes and ME. Marami naring taon ang Nagdaan. It's been 5 years nang naging kami ni Stell. narating narin namin ang aming Mga Pangarap. Si Stell? ayun Busy sa World Tour nila. Ako? It's me Dr. Athena Fernandez!