Life is what you bake of it.
---------------------------
IVO
"How does it feel that you are getting married?"
Kinailangan pang sumigaw ni Noah para lang marinig ni Ivo ang sinasabi nito. Ang lakas kasi ng tunog na nagmumula sa naglalakihang speaker ng bar sa loob ng resort na kinaroroonan nila.
Ininom na lang muna niya ang hawak na beer bago sumagot sa kaibigan.
"Excited. Thrilled. Worried." Sagot niya habang ini–scan ang buong paligid at muling itinuon ang tingin bar area. Marami-rami na ring mga tao dito. Alam niyang karamihan ay mga guest ng hotel-resort na mag-e-enjoy sa event ngayong gabi. Bikini Summit ang event at maya-maya lang ay marami ng mga babaeng naka-bikini ang paparada sa harap nila.
He just got home a week ago at wala ng katapusan ang gimik nila ng kanyang mga kabarkada. He had been living in Amerika after college. Paminsan – minsan siya kung umuwi ng Pilipinas para sa bakasyon, at ngayon ay para sa kanyang nalalapit na kasal. He decided to propose to Renee last month. His girlfriend for one year. He met her when she was attending a convention in US and the rest was history.
He will be off the market a month from now. Renee asked him if he can come and stay in Manila so they can prepare for their wedding. Ayaw naman niyang hindian ang fiancée niya kaya nagpa-transfer na lang siya sa branch nila dito sa Pilipinas. Besides, having a long-distance relationship with Renee, ngayon lang niya mararanasan na makasama ang babae nang mas matagal. Normally, nagkakasama lang sila kapag pumupunta ito ng Amerika at pinaka-matagal na ang two weeks na bakasyon nito kasama siya.
"There are lots of sexy women later. Mamili ka na lang kung sino ang iti-take home mo," natatawa pang sabi ni Edmond at palinga-linga din ito sa paligid. Nakikipag-ngitian sa mga babaeng nakatingin sa gawi nila. Pinalapit nito ang isang waiter at bumulong. Umalis ang waiter at pagbalik ay may dala na itong plato na puno ng brownies. "Tikman 'nyo." Sabi pa nito at inilapag sa mesa nila ang plato.
Kumuha ng isa si Ivo at napapalatak pa nang matikman iyon.
"This is good! You made this?" Inisang subuan niya ang piraso ng brownies at kumuha pa. Maging ang iba nilang kasama ay ganoon din ang ginawa. Tatawa-tawa lang si Edmond habang pinapanood sila sa pagkain ng brownies.
"Especially made for you guys. Alam 'nyo namang ako ang supplier ng pastries dito sa resort. Two of my pastry chefs are inside creating scrumptious sweets that guests cannot forget," punong-puno ng kayabangang sabi nito.
"Fucking good," hindi matapos-tapos ang pagkain ni Ivo ng brownies. He was not a sweet tooth person, but when he tasted the brownies, it gave him the feeling of satisfaction.
"Hoy, Primitivo! Save some for us. Huwag mong ubusin," natatawang sabi ni Peter at nakipag-agawan pa ito sa natitirang piraso ng brownies sa plato.
"Manghingi ka na lang ulit," agad niyang isinubo ang brownies at tatawang nang-asar sa mga kaibigan niya.
"Kakaiba nga ang brownies mo, Ed. Ano ba ang ingredients 'nun? Pahingi pa kami," sabat ni Noah at dinampot ang bote ng beer at uminom doon.
"Mary Jane." Ang lakas ng tawa ni Edmond nang maibuga ni Noah ang ininom na beer. Nanlaki naman ang mata ni Ivo sa narinig.
"Gago ka. You're serving spiked brownies here? Baka mahuli ka." Kinakabahang sabi niya. Pinakiramdam niyang maigi ang sarili kung may epekto na iyon sa kanya. Kaya naman pala pakiramdam niya ay bumabagal na ang kilos niya at makulay na ang paligid niya.
BINABASA MO ANG
HEAVENLY SWEET YOU (Sweet Series 1)
RomanceHEAVENLY SWEET YOU (Sweet Series 1) It was all because of a spiked brownie... Ivo Alcala was sure to himself that he was ready to enter the married life with his fiancée Renee. No need for a stag party, no need to do anything stupid for his last hur...