Unang Katok ( 'Д`)ノ

56 3 0
                                    

"Para sa Musika!" sigaw ng lead guitarist habang itinataas sa ere ang baso na may lamang alak.

Katatapos lang namin tumugtog dito sa isang sikat na bar, regular na kaming tumutugtog dito na magkabarkada pagkatapos namin makagraduate sa kolehiyo. Isa ako sa gitarista sa aming banda, tatlo kaming babae at dalawang lalake- este lalakeng may pusong babae.

Hating gabi na nang makauwi  ako sa nirerentahan kong dorm. Umakyat ako ng hagdan at tinungo ang kwarto ko, ngunit bago pa man ako makalapit sa pinto ng kwarto  nakaramdam ako ng malamig na hangin na dumaan sa harap ko. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan at napako ako sa aking kinatatayuan . Napapitlag ako ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto sa kabilang kwarto, agad akong tumakbo papasok ng kwarto ko at pilit na huminahon dahil sa sobrang kaba.
Iwinaksi ko sa isip ang pangyayari sa gabi na iyon at pinilit na matulog. 

Kalilipat ko lang sa dorm na ito  at naalala ko ang paglipat ko dito kaninang umaga, malapit lang kasi dito ang bar kung saan kami tumutugtog.
#051 ang numero ng aking kwarto, nakapagtataka nga dahil ang kwarto sa kaliwa ay #049 at sa kanan naman ng kwarto ko ay walang numero. Nung unang beses kong nakita ang numerong #051 ay parang may ala-alang gustong pumasok sa aking isipan ngunit sumakit lang ang ulo ko kaya binalewala ko na lang iyon.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto. Dahil sa antok ay pikit-mata kong binuksan ang pinto, iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata para makita kung sino ang bisita ngunit hindi ako nakakita kundi nakaramdam ako ng hangin- - malamig na hangin sa aking mga paa dahilan para mas lalong namulat ang aking mga mata.

Kinakabahang unti-unting yumuko ako para makita kung ano ang dumadampi sa aking hubad na mga paa. Habang ginagawa iyon ay  dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib...

HIndi pa man ako nakayuko ng husto ay napasigaw ako ng may biglang umahon mula sa baba.

Mahaba ang buhok!

Agad niyang tinakpan ang aking bibig dahilan para mawala ang umaalingawngaw kong sigaw sa hallway ng dorm.

"Ana! ano ba, ang ingay mo.." Dinig kong bulong sa aking tenga, napatigil ako sa pagpiglas at pagsubok ng sigaw.  Binitawan niya ako ng ako'y kumalma. Si Franceska lang pala, nakatalikod siya kanina kaya napagkamalan ko tuloy na multo.

"Franceska! ginulat mo ako, ano ba kasi ang ginagawa mo sa baba?" tanong ko kay Franceska na kabarkada ko at kasama sa banda.

"Pinulot ko lang to oh" sabay pakita niya sa akin ng isang pulang rosas. 

Tinudyo tudyo ako ni Franceska tungkol sa rosas at sinasabing may manliligaw daw ako, ako naman ay tudo tanggi dahil wala naman akong manliligaw, nakakapagtaka.

Kinagabihan pagkapasok ko sa kwarto galing sa bar ay napatakbo agad ako ng makarinig ng pagbasag sa kusina. Sa isip isip ko a y baka pinasukan na ako ng magnanakaw- na huwag naman sana, siguro ay pusa lang iyon.

Pagkarating ko sa kusina ay hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Malinis na kusina, iyon ang nadatnan ko, walang mga basag na pinggan o baso at hindi naman makalat.

Napakunot ang noo ko, saan yung narinig ko? Muli akong nakarinig ng mga pag basag ng kung anu-ano. Napatingin ako sa pader ng kusina, inilapiut ko ang tenga ko doon at nagulantang ng makarinig ng nakakatakot na sigaw. Napalayo ako ng kaunti sa pader at muling nakinig. Nakarinig ako ng hagulhol na unti-unting humihina.

Isang buwan na ako sa dorm ba ito at araw-araw akong nakakatanggap ng isang rosas.
Pagod ako galing sa gig at gusto ko ng humiga sa aking kama ngunit mabagal ang pag akyat  ko ng hagdan dahil sa tao sa harap ko, pasuray-suray itong maglakad. Nakahood siya at hindi ko makita ang kanyang mukha. Napahinto ako at pinanood siyang pumasok sa kwartong walang numero...

Sa Kabilang KwartoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon