Huli ( 'Д`)ノ ヽ('ー`)ノ

32 2 0
                                    

    

"Anak, napatawag ka?" sabi ng boses sa kabilang linya.

"Ma, sabihin mo sa akin, paano ako naaksidente?"

Naalala ko noon nung magising ako sa isang kwarto sa hospital, ilang buwan na lang ang nakalipas. Ang sabi ni Mama ay naaksidente raw ako.

Napabuntong hining ang nasa kabilang linya "Naaksidente ka sa sinasakyan mong sasakyan"

"SIno ang kasama ko sa aksidenteng iyon?" bigla na lang lumabas sa bibig ko ang katanungan na iyon.

"Anak- "

"Ma, sabihin mo sa akin ang lahat" pagputol ko k ay Mama, alam kong my itinatago siya at ayaw niyang sabihin sa akin.

Bumuntong hininga ulit si Mama 

"Si Isindro"

Nang sabihin niya iyon ay may mga ala-alang unti- unting bumabalik sa akin.

"B-bakit hindi ko siya naaalala at ayaw mong ipaalala sa akin?" humihikbing tanong ko.

"Nagkaselective amnesia ka anak. Patawarin mo ako, ayoko lang ipaalala sa iyo ang dahilan ng pagkaaksidente niyo. Muntik ka ng mawala sa akin at kasalanan ng lalakeng iyon."

"Ako lang ang nakaligtas?" nanghihinang tanong ko.

"Ikaw lang."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mama ay doon na ako nalinawan at bumalik lahat ng alaala na nawala sa akin. Si Isindro... ang dating kasintahan ko.

Naalala ko noon, masaya kami.

"Isindro.... SIndro, Indro, Dro, Ro..."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa pangalan ko" tanong sa akin ni Isindro, nandito kami sa field ng eskwelahan at nagpapahangin. Nakaupo sa damuhan.

"Ang pangit kasi ng pangalan mo pati ang palayaw, naghahanap ako ng magandang itatawag ko sayo." sagot ko sakanya habang patuloy sa pagsusulat sa papel, pinaglalaruan ang pangalan niya.

"Makapagsalita ka ha, grabe!" parang naiinis na sabi niya pero nakangiti, baliw talaga. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. "Isindro, Isin, Isi, sin..."

"Sin na lang kasi,  iyon naman ang tawag nila sa akin" pagsusuhesyon ni Isindro

"Ayoko nga! para kasing kasalanan na mahalin kita" nakangusong sabi ko.

"Ang drama mo." natatawang sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.

"Alam ko na! Siro! parang Zero." masayang pahayag ko sa kanya. Nakangiti siya sa akin at sumulat sa papel na sinusulatan ko "Zero at One".

"Ha?" nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Zero, ako. One ikaw, Hwana- Hwan" nakangising sabi niya sa akin.

"Huwag mo ngang sabihin ang buong pangalan ko!" naiinis na ako pero siya tawa lang ng tawa, parang baliw.
Maya maya may isinulat nanaman siya sa papel.... "051?".

Inilapag ko ang mga dala kong rosas sa kanyang lapida. Tumingala ako sa langit at inalala ang napakasakit na pangyayaring iyon...

Masaya akong nakikipagkulitan sa mga kabanda ko ng may biglang humila sa akin. Nang makalabas kami sa bar na pinanggalinga ay bumitaw ako sa pagkakahawak niya. Gali na galit na nilingon niya ako " Bakit kasama mo na naman sila!?" bakas sa boses niya ang galit.

"Wala na tayo diba? Malandi ako diba!? Ano ba ang pakialam mo! Pakialaman mo nga ang sarili mong buhay!" Galit na sigaw ko sakanya, at akmang tatalikod na ng magsalita ulit siya.

"Ikaw ang buhay ko..." nanghihinang sabi niya.

Nung mga oras na iyon ay gusto ko ng magkaayos kami , pero bumabalik sa akin ang mga salita- masasakit na salitang sinabi niya sa akin. Pinairal ko ang galit ko at nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng bar ng bigla niya akong hinila. Ipinasok niya ako sa sasakyan niya. Hindi kaagad ako nakalabas dahil sa ang bilis niyang kumilos at napaandar niya kaagad ang sasakyan.

"Isindro! Itigil mo ang sasakyan!" kailangan kong makabalik sa bar dahil tutugtog  pa kami.

Ayaw niyang itigil kaya humantong sa pag aagawan namin ng manibela. Hanggang sa may paparating na truck at huli na para umiwas.

Ang huli kong naalala  bago ako nawalan ng malay ay ang mahigpit na yakap ni Isindro at ang napakalambing na boses niya na ibinubulong ang "Hwan...Hwana, 051, 051 051, palagi yan. Lagi mo ng tatandaan..." 

Ngumiti ako na mapait at napatingin sa kanyang lapida.

"Patawad. Patawad dahil kinalimutan kita at pinairal ko ang galit ko sayo. Kasalanan ko kung bakit tayo nagkaganito."

Napapikit ako ng humangin ng malakas. Ramdam kong katabi ko lang siya. Pagmulat ko ng mata, mukha niya ang bumungad sa akin. Inabot ko ang kamay ko ngunit hindi ko siya mahawakan, tumulo ang luhako at ngumiti " Ikaw kasi, napakainipin mo. Pinagselosan mo pa ang  mga kabanda kong lalake na bakla." Hindi kasi pwedeng sabihin na bakla sila dahil baka mawalan daw sila ng fans, bago lang ang banda namin nun.

"Lagi kaming magkasama dagil nagpapraktis kami. Ptawad hindi ko nasabi sa iyo, gusto kasi kitang sorpresahin ngunit nung araw na sosorpresahin kita ay nag away tayo."

"Sa kabilang kwarto..." pagpatuloy ko, ngumiti siya sinagot ang mga katanungan ko na tila nababasa niya ang isipan ko "Ayokong matakot ka at umalis doon sa kwarto mo, na kwarto ko dahil hindi mo naman ako naaalala pag ako'y magparamdam sayo." Naiintindihan ko na, parang salamin pala ang kabilang kwarton sa kwarto ko. Ang nakaraan at ang kasulukuyan. Sa pamamagitanng ilusyon kong may kabilang kwarto, naipapahiwatig niya ang nararamdaman niya noon at kung gaano siya kamiserable. Naalala ko ang rosas, natatandaan ko noon, araw-araw niya akong binibigyan dahil paborito ko iyon...
Sa kabilang kwarto, ang kabilang kwarto  na ang akala ko ay meron ay wala pala, tanging ilusyon lang.

Pag uwi ko sa tapat ng aking kwarto na- kwarto noon ni Isindro-, tiningnan ko ang nakasabit na numero.

051... na ang ibig sabihin "Zero loves One".

Sa Kabilang KwartoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon