Ikatlong Katok ( 'Д`)ノ

24 1 0
                                    

 "Matulog ka na nga, antok lang iyan. Kwarto mo kaya ang panghuli wala ng kabilang kwarto." pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok na siya sa kwarto niya.

Naiwan akong tulala at gulantang sa sinabi niya. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay na nakaturo sa kabilang kwarto na wala naman daw sabi ni Mandy. Unti unti ko iyong nilingon para siguraduhin na hindi ako binibiro ni Mandy.

Paglingon ko a y pader ang aking nakita, kwarto ko nga ang panghuli. Gulantang man ay pilit kong inayos ang aking sarili at pilit iniisio kung ano ang nangyayari sa akin. Doon ko na napagtanto ang mga

pangyayari. Agad akong kumilos kahit gulantang pa rin sa pangyayari.

Kinatok ko ang kwarto ni Mandy.

"Oh, bakit?" tanong ni Mandy pagkabukas niya ng pinto

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, diretsahan ko siyang tinanong " Bakit 051 ang numero ng kwarto ko at hindi 050?"  

"Ah... baliw kasi ang dating nakatira dyan sa kwarto mo" Baliw!? namilog ang mga mata ko sa narinig.

Natawa naman siya sa reaksyon ko" Hindi literal na baliw, may pagkabaliw lang." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. "050 naman dapat ang numero dyan, pinalitan lang ni Isindro"

Isindro... napakapamilyar ng pangalan na iyon na pilit kong inaalala dahilan ng pagkirot ng ulo ko.

"Alam mo ba kung bakit niya pinalitan?" tanong ko ulit sakanya.

"HIndi ko alam sa baliw na iyon, may tanong ka pa ba?"

 "Wala na, sige salamat"

Pagkatapos ng pag uusap  na iyon ay nagtungo ako sa kwarto ko at nag isip.

Naalala ko yung nakita kong litrato sa "kabilang kwarto". Isang nakangiting ANA, ang nasa litrato at may nakasulat sa ilalim na "051". HIndi ko parin maintindiha ang lahat. Naalala ko ang unang beses kong pagpasok sa kwarto na ito, may mga basag na salamin ang nakakalat.

Bigla akong tumayo at lumapit sa studty area, kinuhan ko ang basurahan at hinalukay ang laman nito hanggang sa makita ko ang aking hinahanap.

Binuklat ko iyon, lukot lukot na ito pero binasa ko parin:

" Ana, hindi ko alam kung papaano ko saabihin sa iyo ito ng personal kaya isinulat ko na lang baka kasi matameme nanaman ako kapag magkakaharap na tayo. HIndi ko na kaya itong sitwasyon natin, na hindi tayo nagpapansinan.  Naalala mo ba? 051, palagi iyan... habang buhay. Miss na miss na kita lalo na sa tuwing umuuwi ako, lagi ko kasing nakikita ang numero sa kwarto ko #051, naaalala kita. Patawarin mo ako Ana, hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko sayo, magkaayos na tayo please.  Dahil kapag nagtagal pa ito ay baka pag nagtagal pa ito ay tuluyan na akong mabaliw. Sino ba kasi iyang mga lalaki na palagi mong kasama? Patawarin mo ako kung pinagdudahan kita at nasabihan ng masasamang salita. Hindi mo kasi sinasabi sa akin kung sino sila at palagi mong iwinawala ang usapan pag nagtatanong ako kung sino sila, may rason ka naman kung bakit diba?. Magbati na tayo Ana, patawarin mo na ako. Lagi mong tatandaan, 051".

Kumikirot ang puso ang puso ko habang binabasa ang sulat na iyon, kanina pa din tumutulo ang luha ko. Hindi ko din alam kung bakit ako nasasaktan. Ang lalaki sa kabilang kwarto at ang nagsulat nito ay si Isindro.

SIno ka ba Isindro? 

Bakit hindi kita matandaan.

Sa Kabilang KwartoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon