Isang malakas na pagkatok ang nagpagising sa akin sa gitna ng gabi.
Pagkabukas ko ng pinto ay wala akong nakita, napabaling ang ulo ko sa kabilang kwarto- sa kanan ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. HIndi ko alam ngunit parang may humihila sa akin na pumasok doon sa kabilang kwarto.
Madilim sa loob pero sapat na para makita ko ang loob ng kwarto, katulad ng kwarto ko ang loob nito, ang pinagkaiba lang a y walang kabuhay-buhay ito.Naglakad ako at napatigil ng ma y naapakan ako, isang lantang rosas. Pinulot ko ito at napatingi sa aking harapan, nasa may study area na pala ako. May naaninag akong bulto ng lalaki na nakaupo roon, lumapit ako sakanya. Nakatalikod siya sa akin at napansin kong parang may isinusulat siya. Itinaas ko ang aking kamay para subukan siyang hawakan , ngunit nagulat ako ng hindi ko siya mahawakan at lumagpas lang ang kamay ko sa katawan niya. Napatakip ako ng bibig sa nangyari. Mas lalo akong lumapit habang patuloy siya sa pagsulat. PIlit kong binabasa ang kanyang isinusulat ngunit natatakpan iyon ng kanyang mga kamay. Ang tanging nabasa ko lang ay ang huli:
"Lagi mong tatandaan, 051" Nang mabasa ko ang numerong iyon bigla akong napahawak sa ulo ko at nabitawan ang rosas.Napatingin ako sakanya ng bigla niyang nilamukos at itinapon sa basurahan ang sulat habang pilit kong iniinda ang sakit sa aking ulo hanggang sa hindi ko na nakayanan at napaluhod na ako sa sahig. May mga bagay na pilit pumapasok sa isipan ko ngunit ang tumatak lang sa akin ay ang numerong "051". Unti unting lumalabo ang paningin ko , hanggang sa wala na akong maalala.
Iminulat ko ang mga mata ko at napatingin sapaligid. Nakahiga ako sa kama- sa aking kwarto. Bigla akong napabangon
Panaginip lang ba iyong nangyari?
Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at tinungo ang kabilang kwarto bukas ito kaya nakapasok ako. Hindi ko alam pero parang may gusto akong malaman at parang may kulang sa akin na kailangan kong tuklasin.
Pagpasok ko sa kabilang kwarto ay mga basag na bagay ang bumungad sa akin. May isang bagay ang umagaw sa atensyon ko...
Isang basag na frame na malapit sa basurahan, pinulot ko ang litrato at nanlaki ang aking mga mata.
Ano ang ibig sabihin nang litrato na ito?
Nabitawan ko ang litrato ng may marinig akong yabag ng mga paa, galing ito sa kusina at papalapit. Mabilis akong tumakbo palabas. Hingal na hingal ako ng makarating sa tapat ng kwarto ko.
"Ana"
Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan. Si Mandy, ang nakatira sa kwartong #049.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.
Sasagot sana ako ng oo ng may pumasok sa isip ko " Mandy, may tanong ako"
Tumango lang siya hudyat na ipagpatuloy ko ang aking katanungan.
"Sino ang nakatira sa kabilang kwarto na iyon?" pagpatuloy ko habang walang tingin na itinuro ang kwarto kung saan ako nanggaling kanina lang.
Napakunot din ang noo ko nang makitang kumunot ang noo niya.
"Matulog ka na nga, antok lang iyan. Kwarto mo kaya ang panghuli wala ng kabilang kwarto."