Kabanata 3

253 29 10
                                    

Ang Unang Tagpo
-

EMIL

         Naupo ako sa isang sulok ng malaking bulwagan matapos makipagusap sa ibang mga kilalang taong dumalo. Ipinagdiwang ng pamilya Vergaz ang pagbabalik ng unico hijo nilang si Heneral Juancho Vergaz mula sa paglalakabay nito. Isa ang kanilang angkan sa pinakamakapangyarihan sa bayan ng Buenavista. Kaya naman ay hindi ito pinalampas ng karamihan.



Uminom ako ng isang baso ng tubig pagkatapos ay hinanap ng aking mata si Loisa. Namataan ko siyang nakikipagusap sa ibang mga kababaihan. Mukhang kaibigan niya ang mga ito. Napangiti ako nang pagmasdan ko ang maganda niyang mukha. Hindi ako makapaniwala na kami ay may relasyon na ngayon.



Dahan-dahang nawala ang aking ngiti nang maalala ko si Lucresia. Hindi ko nais na saktan siya. Hanggang ngayon ay nakokonsensiya pa rin ako sa aking ginawa. Sa katunayan ay tunay na mabuting babae si Lucresia at malaki ang aking utang na loob sa kaniya. Ngunit sadyang hindi siya ang nais ng aking puso.



Nang una kong makita si Loisa ay nahulog agad ako sa kaniyang ganda. Hindi katulad ni Loisa, hindi mahilig mag-ayos si Lucresia dahil palagi siyang nasa loob ng kaniyang silid. Madalas rin itong nagkakasakit at sa mga panahong iyon, si Loisa ang laging nasa tabi ko para suportahan ako. Hindi ko sinasadyang pagtaksilan si Lucresia. Nadala lang talaga ako sa bugso ng damdamin. Ngunit wala na akong magagawa. Alam kong nalulungkot siya ngayon at ako ang dahilan nito. Hinahangad ko na lang na maging maayos ang kanyang kalagayan.



Muli akong uminom ng tubig nang umalingawngaw sa buong bulwagan ang boses ng tagabantay. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang sinabi nito.



"SIYANG PAPASOK SA BULWAGANG ITO - SI BINIBINING LUCRESIA SALVADOR Y GARCIA!"



Lahat ng tingin ay napunta sa babaeng papasok ng bulwagan. Nanlaki ang aking mata at nahigit ko ang aking hininga nang makita ko kung sino ito. Hindi ko maipaliwanag ang biglang pagtibok ng kay bilis ng aking puso. Iisa lang ang kilala kong nagngangalang Lucresia Salvador. Si Lucresia.



Ngunit ibang-iba ang kaniyang itsura ngayon. Ang kaniyang mahabang buhok na tumatabing sa kaniyang mukha ay nakaayos na ngayon. Bigla siyang gumanda sa hindi ko alam na dahilan. Ang kaniyang kasuotan ay hindi pangkaraniwan. Ibang-iba ito sa suot ng karamihan at tila ito'y nagliliwanag. Para siyang isang Prinsesa.



Talaga bang si Lucresia ito?



"Kay gandang binibini."




"Ang ganda ng kaniyang kasuotan! Tingnan niyo, nagliliwanag ito!"



"Narinig niyo ba iyon? Lucresia Salvador y Garcia ang pangalan ng magandang binibini. Anak ba siya ni Ginoong Felias Salvador?"



"Ang kaniyang mukha ay kaibig-ibig."

"Saan nagmula ang babaeng marikit na iyan? Mukhang nababagay siya sa aking anak."

Sassy VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon