A/n: Para narin itong sequel. Start Flash back po ito ng nakaraan 😊
Kabanata 22
"Kung hindi ka lang nag-aaral pa ay talagang gagawin ng kitang may bahay ko" umangat ang tingin ni Joy sa kasintahang si Emmanuel at nanunuksong ngumiti dito. Nasa bukarin sila ng hacienda Rama ang ranchong pag-aari ni Emmanuel.
"Nagpro-propose kana ba"aniya dito
"Paano kung Oo, tatanggapin mo ba ang proposal ko"
"Ganoon mo ba ako kamahal at hindi kana talaga makapaghintay, Alam mo namang nag-aaral pa ako. Dalawang taon nalang naman ay magtatapos na ako Emmanuel" Pinangarap niyang maging isang Doktor, kaya't kahit medyo mahirap ang buhay ay sinisikap niyang makatapos sa tulong narin ng kanyang butihing ama na halos matagal nang nagtratrabaho bilang isang katiwala sa Hacienda Montemayor ang kalapit na rancho ng Hacienda Rama.Dahil sa tagal ng kanyang ama roon ay nabigyan siya ng scholarship ni Donya Dolores. Ang mabait na ginang ay walang sawang tumutulong sa kanilang mag-ama, kung iturin din siya nito ay parang sariling anak.
"Ayoko lang naman na mawala ka pa sa akin Joy, alam mong mahal na mahal kita. Paano kung mahulog ang loob mo sa iba" lalong napangiti ang dalaga ramdam niyang nagseselos nanaman ito at alam niya kung kanino ito nagseselos ngayon.
"Nagseselos ka nanaman ba kay Samuel" Si Samuel Montemayor ay ang nag-iisang anak na lalake ni Donya Dolores.
"Oo at mas lalo akong nakakaramdam ng selos dahil naging mas malapit ka sakanya ngayon" Huminga nang malalim si Joy bago hinawakan ang mga kamay ng kasintahan.
"Wala ka namang dapat ipagselos, ikaw ang mahal ko Emmanuel at hindi iyon magbabago. Magkaibigan lang kami ni Samuel"
"May pakiramdam akong hindi basta basta kaibigan lang ang turin sayo ng lalaking 'yon Joy"
"Mag-aaway naman ba tayo, dahil dito" Umiling-iling siya at tatayo sana ngunit mabilis na kumilos si Emmanuel ay namalayan nalang niyang nakahiga na ito at nakaunan sa kanyang kandungan habang hawak at masuyong hinahalikan ang isang kamay niya.
"Pasensya na ayokong mag-away nanaman tayo Joy,hindi ko lang maiwasang magselos" Nakangiting masuyong hinahaplos niya ang buhok ng kasintahan, Kahit ganitong seloso itong si Emmanuel ay labis parin ang pag-ibig niya para rito sa tagal na naging kasintahan niya ito ay kahit kailan hindi nagkulang sa pagpaparamdam na mahal siya nito.
"At kung hinayaan mo lang sana akong makatulong sa inyo ni Tatay Isko, Kaya ko naman pag-aralin ka Joy" ilang beses narin siyang inikayat ni Emmanuel na tulungan sa kanyang pag-aaral ngunit ilang beses din siyang tumanggi.
"Ayokong may masabi ang pamilya mo sa akin,at may maitutulong ka rin naman sa akin kapag nakapagtapos na ako. Dahil ikaw ang magiging arkitekto nang clinic na ipapatayo ko"bukod kasi sa tagapagmana ito ng mga rama ay nakapagtapos din ito at linsensyado ng Arkitekto ngayon.
"At pagkatapos ay magpapakasal na tayo" Dagdag pa ni Joy na ikina-ngiti narin sa wakas ng kasintahan, nawala ang pagkakabisangot ng mukha nito.
Muli nitong kinuha ang kanang kamay niya at masuyong hinahalikan habang nangingislap ang mga mata nito."Gusto ko nang maraming anak Joy, Bibigyan natin ng maraming apo si Tatay Isko"
"Ano ako magiging inahing baboy" natatawang aniya,pero sa loob loob niya ay maligayang maligaya siya dahil sabay silang nangagarap ni Emmanuel para sa kanilang kinabukasan.
Ilang oras din silang nanatili at masayang nagkwekwentohan doon, Bawat sabado ay naroroon sila sa kubong iyon at nagpipicnic minsan nga ay kasama pa nila si Barbara ang kanyang bestfriend. Maganda at may kaya rin ang pamilya ni Barbara, Isang profesora ang mommy nito, samantalang abogado ang ama nito na siyang mismong abogado ng pamilya Rama.
BINABASA MO ANG
The Sinful Passion By:Kharren Nuqui
Fanfic💔SYNOPSIS💔 Dahil sa pagnanais na makawala ni Veronica mula sa pangmamanipula ng kanyang Ama ay tumakas siya at sa hindi sinasadyang pangyayari ay napadpad siya sa teritoryo ni Sebastian o "Aste" Montemayor Magagawa pa kayang makalabas ni Veron sa...