Kabanata 14-Confront

582 13 3
                                    




A/n: At Dahil Birthday ko ngayon ay mag-uupdate ako, Pasensya na kung medyo maikli nga lang. Medyo pagod pa ako eh.

GCQ na bukas pero masyadong delikado parin.

So! Keep safe Everyone 🙏



Kabanata 14




Masakit na masakit ang katawan ni Veronica pagkagising niya. Naalala niya tuloy nung unang beses siyang magwork-out, pero sa pananakit na nararamdaman niya ngayon sa kanyang katawan ay higit pa doon ang nangyari. Hayop na Sebastian na 'yon nagmakaawa pa nga siya dito dahil ayaw talaga siya nitong tigilan. Hindi na talaga naawa sa kanya. Kaya ngayon lahat ng buong katawan niya ay talagang masakit na masakit. Sinipat niya ang orasan sa ibabaw ng Table sa side ng kama, nanlaki ang mga mata niya ng makitang mag-aala onse nang umaga.

Kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sariling katawan na bumangon, kipkip ang puting kumot ay nagtungo siya sa closet para kumuha na maisusuot niya. Maliligo na muna siya bago lumabas ng kwarto. Kailangan niyang lumabas dahil nakakahiya at nalate siya ng gising, Aber! ano nalang ang iisipin ng mga tao sa bahay na ito.

Kinse minutos nang matapos siya pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Glenda na mukhang kakatok na sa pintuan ngunit natigil ng makita siya.

"Gigisingin na sana kita,Nag-aalala kasi si Señiora Joy. Hindi ka daw bumaba kaninang breakfast"

"A-ayos lang ako, Salamat Glenda"

Sinarado niya pintuan at nagsimula ng maglakad at nakasunod naman sa kanya si Glenda, dumiretso siya sa kusina kasama si Glenda. Doon nalang din siya kakain.

"Glenda, nakita mo ba si Sebastian?" Aniya habang nagsisimula ng kumain.

"Ang alam ko maaga siyang umalis kasama si Isabel, pupunta yatang bayan" ayos din pala yung lalakeng iyon matapos magpakasasa sa kanya kagabi, ngayon lalandi naman sa iba.

"Hindi siya nagpaalam sayo ganda"
Nagkibit lang siya ng balikat sa tanong nito

"Kailangan mong bantayan ang asawa mo ganda, ku! sa mukha palang ng Isabel na'yon parang hindi mapapagkatiwalahan"
Napatigil siya sa pagsubo at muling nilingon si Glenda na ngayon ay nagpupunas ng plato.

"H-hindi! naman siguro" pero sa isip niya ay iyon naman talaga ang gusto niya para maging abala ito at makagawa na siya ng paraan para tumakas.

Pagkatapos kumain ay tumambay siya sa magara at malaking sala Binuksan niya ang T.v.



❤️❤️❤️

[Hacienda Rama]

Dumiretso si Vincent sa library office ng kanyang Ama, ngayon palang niya haharapin ito matapos malaman ang kinaroroonan ni Veronica. Hanggang ngayon ay kumukulo parin ang dugo niya sa Hayop na Montemayor na iyon. Pagpasok ay nakita niya ang Amang si Emmanuel na parang stress na stress nakasandal ang ulo nito sa swivel chair at tila kay lalim ng iniisip. Saka lang ito tumingin sa pwesto niya ng maramdaman nitong naroroon siya.

"Maupo ka Vincent dahil kanina pa kita hinihintay, marami tayong dapat pag-usapan ngayon" anito at umayos nang upo, siya naman ay naglakad papalapit sa upuan na nasa harapan ng table nito at doon ay naupo nga siya.

"Mabibilis magtrabaho sina Leo. Kaya tinitiyak kong alam muna ang kinaroroonan ni Veron"

"Sigurado rin ako na hindi n'yo  ikakatuwa kung nasaan ngayon si Veron, Papa." Lalong nagsalubong ang kilay ni Emmanuel Rama sa narinig mula sa kanya.

"Nasaan siya?"

"Kung bakit ay hindi ko alam, pero hawak ngayon ni Sebastian Montemayor si Veron. Ang hayop na 'yon ay ginagamit ang kapatid ko laban sa inyo, sa atin" bumibilis ang paghinga ni Emmanuel kasabay ng pag-init ng ulo niya habang napapatiimbagang.

"Son of a Bitch" Singhal nito

"Putang*na kung na sa kanya si Veron, Bakit hindi mo siya kinuha. Kailan ka pa naging Tanga Vincent"

"Don't Blame me, Papa. Hindi ba't ikaw naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kundi dahil sa inyo at sa mga kasalanan niyo noon" 

"Tumigil ka" angil nito kaya galit na tumayo narin si Vincent mula sa kanyang kinauupuan.

"Buong buhay ko ay wala akong ginawa kundi ang sumunod sa lahat ng gusto n'yo Papa. Pero hindi na ulit mangyayari 'yon At wag kayong mag-alala . Ako ang gagawa ng paraan para makuha ang kapatid ko, i-atras mo ang anumang kasunduan niyo kay Andrew De vera " aniya  pagkatapos ay naglakad palabas at hindi na hinintay pang sumagot ang Ama. Ngayon lang siya nagkalakas ng loob na magsalita sa harapan ni Emmanuel Rama. At dahil galit din siya ay gusto niyang ilabas lahat ng iyon. Sakit na pilit niyang itanatago dito sa mahabang panahon.

The Sinful Passion By:Kharren NuquiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon