Setting: AM Session studio (Masambong)
Time: Afternoon"Time na..."
Sabi nang isang may edad na babae.
Siya si Mommy Jho, ang nanay ng may ari ng pinaka magandang Band rehearsal studio sa Frisco. Maraming mga banda ang nag eensayo dito.Ang iba ay dumarayo pa dahil iba talaga ang mga gamit. First class at pang recording ang quality. Kaya naman patok na patok ito sa mga nagsisimula o kahit sa mga eksperyensadong banda (combo).
At biglang tumigil ang tugtog ng apat na lalaking masayang nag tutugtugan.
"Kita mo namang nag eenjoy ang mga bata eh, mano manlang na pinatapos mo muna."
Si kuya Ted.
Siya ay karelasyon ni Mommy Jho. Isa rin siyang event organizer at booker ng mga banda at combo. May mga hawak din syang banda sa ilalim ng kanyang management. (AM Management)
"Pa-last songin mo naman" wika ni kuyaTed na tila nag eenjoy silang panuorin at pakinggan.
"O sya sige..." naka ngiting sabi ni Mommy Jho na tila nasisiyahan din sa tinutugtog ng apat na binata.
Madalas kasi ay lumalabas ng studio ang dalawa pag sila ang tumutugtog. Marahil ay na iingayan dahil sa puro METAL ang tinutugtog nila. Ngunit iba ang araw na ito.
Masaya ang tunog ng mga awit nila ngayon. Buhay na buhay ang bawat instrumento, ang bawat tipa, pati ang tema.
Gamit ang drumsticks ay bumilang ng apat si Mark - drummer ng banda.
Kung hindi mo kilala at makaka salubong mo ang binatang ito ay di mo aakalain na miyembro sya ng isang metal na banda dahil napaka simple lang nito manamit. Madalas ay T-Shirt lang at shorts na tineternohan nya ng rubber shoes na pang skateboard. Si Mark ay hindi katangkaran na binagayan ng payat na pangangatawan at hati sa gitna ang bagsak at malambot nyang buhok. Si Mark ang pinaka-tahimik sa kanilang apat ngunit palaging napapansin dahil sa malakas ang dating nya. Madalas syang tuksuhin na baby face ng mga kaibigan nilang banda.
Ang pag bilang na iyon ay naging hudyat upang simulan nila ang huling awit nilasa studio at muli ay pumailanlang ang masigla at masayang tunog.
Sa isang gilid ay makikita mong pumapadyak - padyak pa ang kanang paa ni Mikel habang kina kas - kas ng pick ang kanyang pulang gitara. Si Mikel ang talagang kilalang Rakista sa lugar nila. Porma pa lang masasabi mo nang nag babanda ito. Madalas ay itim na pantalon at T-shirt ang suot nya na minsan ay pinapatungan pa nya ng itim na leather jacket kahit gano ka init ang panahon. Ngunit simple lang and suot nya ngayon. naka T-shirt na fatigue na camouflage siya at tinernohan ng itim na pantalon at puting sumbrero. Gaya ng mga nakaraan nilang ensayo, sagot din ni Mikel ang bayad sa studio kaya naman siya ay nabansagang financier ng banda.
Habang nakapikit ay sinasabayan pa nang malumanay na pag headbang ni Teddy hmang suave nyang pag kalabit ng bass guitar. Minsan ay napapa ngiti pa siya sa liriko ng awit na kanilang tinutugtog. Bukod kay Mark, si Teddy ay lehitimong taga Frisco. Nagsimula syang mahilig sa Rock nung panahong usong uso ang Hip-hop at Rap sa lugar nila. Sya ang unang binansagang Rakista sa West River Side. Di nag laon ay naimpluwensyahan nya ang marami sa lugar nila at naging mga rakista na rin. Dun nagsimulang tawagin ng mga kabataan ang lugar nila na West ROCKER Side. Si Teddy ang pinaka matanda sa banda.
Ang naka-toka sa mikropono ngayon ay si Wilson. May hawak din syang gitara gaya ni Mikel at madalas ay nag papalitan sila ng pag eskala sa mga kanta. katamtamanang pangangatawan ni Wilson na may maputing kompkeksyon ng balat. Siya lang ang namumukod - tangi sa apat na hindi nakatira sa Frisco. Siya ang madalas na gumagawa ng mga kanta nila mula sa areglo, bagsakan, at kahit mga lyrics. Ang isang patunay nito ay ang awit na tinutugtog nila ngayon. Kabaliktaran ni Teddy, siya ang pinaka-bata sa grupo.
Habang papatapos ang kanilang kanta ay makikita mong naka dungaw sa maliit na salaming bintana ang mga miyembro ng ibang mga bandang nakapila sa labas at nag hihintay ng kanilang pagkakataong makapag ensayo. Iba iba ang reaksyon nila sa BAGONG TUNOG ng banda.
May mga napa-tanong
"Nag iba na sila ng tunugan?"Mayroon din namang nagandahan
"Ayos ah"At iba pang komentaryo gaya nang
"Kanta ba nila yan? Baka cover lang"Hindi alam nang lahat na ito na ang hudyat ng malaking pagbabagong mangyayari sa banda nilang apat.
*zoom out while screen fades to black*
"Gusto bang malimot ang mga
walang hangganan mong
problema..."-Chocolate Flavor Wonder Hotdog
NUKLEYAR HOPIA 2007
BINABASA MO ANG
Nukleyar Hopia (Ang Rakstar)
Short StoryIto ay hindi lang basta kwento. Ito ay kwento nang mga magkakaibigan na minsang nangarap na sumabay sa alon nang industriya nang musika dito sa Pilipinas. Nangarap sila at pinilit itong abutin sa mga panahong wala pang masyadong makinarya para sa mg...