Three

7 1 0
                                    

•Agad na tumayo si Lea at sinapak sa mukha si Leo. Napapikit si Leo halatang nasaktan sa sapak ni Lea.

"What the hell Lea, why did you slap my face at bakit basang basa ang uniform mo?"
Naguguluhang tanong ni Leo.

"What the hell Lea, why did you slap my face? at bakit basang basa ang uniform mo?" Panggagaya ni Lea kay Leo.

"ALAM MO BA KUNG SINO MAY GAWA SA 'KIN NITO? HA!?" galit na tanong ni Lea.

"Abay malay ko, 'di naman ako mang huhula" pilosopo nasagot ni Leo.

Lalong nainis si Lea kaya piningot niya ito sa tainga "E KUNG 'DI KA BA NAMAN GAGO EDI SANA HINDI AKO BASA. BINUHUSAN LANG NAMAN AKO NG MALDITANG EX MO! AT SAKA BAKIT 'DI KO ALAM NA ANG KA-GIRLFRIEND KA HA!? YAN BA NATUTUNAN MO SA U.S ANG MAG SIKRETO SA 'KIN!?" sigaw ni Lea kay Leo.

Tumingin sa 'kin si Leo at huminga ng malalim "I'll explain everything later, sorry sis. I love you bye!" at agad tumakbo paalis si Leo. Mukha talaga siyang pusang inaaway ng aso HAHAHA. Pero mahal nila ang isa't isa.

Hayss namimiss ko tuloy si Kuya.


"Bwisit talaga yung lalaking yun, lagot yun sa 'kin mamaya sa bahay ako uuwi ngayon" sabi ni Lea.

World War lll later. Gosh, sama ako mamaya baka anong mangyari.

"Sama ko, baka anong magawa mo don" sagot ko kay Lea

"Sus, makiki chismis ka lang" natatawang sagot ni Lea "Oyy grabe ka ha, pero parang ganoon na nga hehe" *peace sign* "Charr, kilala kita baka mabugbog mo si Leo at atakihin nanaman sa puso si Tita Vienna"

Naalala ko dati nag away si Leo at Lea, binugbog ni Lea si Leo dahil hinagisan ni Leo ng ipis si Lea. E takot si Lea sa ipis yun nagalit. Sinasaway sila ni Tita Vienna pero 'di huminto si Lea, kaya ayon inatake si Tita sa puso.

Nagalit si Tito Leonardo sa kambal dahil sa nangyari kay Tita, kaya binilhan sila ng tig isang condo para 'di sila mag kita lagi sa bahay. Isang buwang makalipas si Leo kinuha ng U.S para maging Exchange Student kaya lalo silang nag kalayo.

Nalungkot si Lea sa pag kakalayo ng kambal niya, kaya sinusubukan niya na kumalma pag galit sa kapatid baka maulit ang nangyari.

"Fine, samahan mo 'ko mamaya" pag payag ni Lea.

"Doon na tayo kumain pag uwi ha" sagot ko

"Sige sige, itext ko na muna sila Mom at Dad na pupunta tayo sa bahay at itetext ko na din si Leo na sa bahay umuwi" sagot ni Lea at kinuha ang cellphone.

*Ting!*

Tumunog ang cellphone kaya tinignan ko ito agad.

Mommy's Message:
"Hi baby, uwi ka agad after class ha. Ngayon ang uwi ng kuya mo susunduin natin siya sa Airport, okay? I love you take care sweetie."

Napangiti ako sa nabasa ko, excited na kong makita si Kuya. Siguradong maraming pasalubong sa 'kin yon.

"Lea Vien, sorry 'di ako makaka sama sa'yo ngayon. Ka-memessage lang ni Mommy sa 'kin na susunduin namin si Kuya sa Airport"

"It's okay, i-kamusta mo nalang ako kila Tita Tash at Tito Ace at siyempre kay Kuya Sky" nakangiting sabi niya.

"Sige" sagot ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sparkling Water (Zodiac Series #1)Where stories live. Discover now