•Nagising ako sa ingay ng alarm clock sa gilid ng kama ko papatayin ko na sana kaso narinig ko ang boses ni Mommy na bumaba na daw ako inaantok pa ako pero naalala ko first day of school nga pala ngayon.
Jusko! Nagulat ng makita kong 6:00am na late ako sa klase 7:30am simula pero malayo ang bahay namin sa school, kaya kailangan ko na mag madali.
Bumangon na ako para maligo, nag bihis na ako, kinuha ko na mga gamit ko at bumaba na ako para kumain.
Pag tapos ko kumain nag paalam na ko kay mommy at daddy na aalis na ako, pag labas ko naka ready na ang Lamborghini ko papuntang school. Nag cellphone lang ako para malibang muna ako.
Naalala ko ang best friend kong si Lea kaya tinext ko na papunta na ako sa School para sabay kami maka pasok.
My Message:
"Lea Vien, papunta akong School, sabay na tayo pumasok ha. See yah!"Si Lea lang ang nag iisang best friend ko simula elementary, 'di kasi ako pala kaibigan.
Nagkaroon ako ng kaibigan nung kinder ako matanda siya ng dalawang taon sakin pero nasa kinder pa rin, at dahil bata pa ko non 'di ko alam na inuto uto niya na pala ako akala ko totoong kaibigan siya pero lahat ng gamit kong mamahalin kinukuha niya nung una 'di ko pinansin kasi kaibigan ko siya pero nag tagal lagi niya na kinukuha gamit ko nag taka si mommy bakit nawawala ibang gamit ko, kinabukasan nahuli ko syang kinakalikot ang wallet ko nilapitan ko siya para kunin ang wallet ko pero tinulak niya ako tumama ang ulo sa bakal kaya nawalan ako ng malay. Pag tapos ng nangyari 'di na kami ng kita.
Hayss! I hate her.
Nawala ang inis ko ng marinig kong nag text na si Lea.
Lea's Message:
"Hoy! Tubig, nandito na ako sa Cafeteria puntahan mo nalang ako. Paki bilisan ayoko ng nag hihintay"Natawa ako ako sa reply ni Lea. Ganyan talaga siya pero totoong kaibigan siya. Tinago ko na ang cellphone.
Nandito na ako sa School, pag baba ko ng Lamborghini kinuha ko ang LV Bag ko at nag lakad na papuntang Cafeteria.
Kinuha ko ang cellphone ko para sabihin kay Lea na malapit na ako, habang nag lalakad ako may bumonggo sakin, bwisit!.
Nilingon ko kung sino yon, babaeng mahaba ang buhok, maputi at kulay red ang lace ng i.d same lang kami ng year.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"WHAT THE HELL! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO! 'DI MO BA AKO KILALA HA!?" Sigaw niya sa 'kin.
Putangina pake ko kung sino kang hayop ka ikaw na nga tong 'di naka tingin sa daanan, ako pa ang sinisi mong bobo ka.
Tinignan ko siya ng naguguluhan.
"Umm Miss ikaw ang naka bunggo sakin kaya 'wag mo akong sisisihin, ok?" Nilagpasan ko sya pero narinig kong sumigaw sya.
"PANGET MO TANGA! BWISIT KA! ARGHHH!"
Hindi ko nalang pinansin dati atang baliw yon hayss, dumiretso nalang sa Cafeteria para puntahan si Lea. Naka taas ang kilay ni Lea nang makita ako.
"Hoy! Bat ang tagal mo!" Ang lakas ng boses parang ang layo ng kausap, Tss.
"May babae kasing bumunggo sakin kanina, tapos ako pa sinisi binunggo ko daw siya, baliw amputa HAHAHAHA" natawa ako ng maalala ang nangyari
"Hay nako halika na baka malate na tayo sa klase" mag kaklase nanaman ulit kami ni Lea 'di kami nahiwalay ng section simula grade 1 hanggang ngayong grade 9 lagi din kaming section 1.
"Alam mo kanina may babaeng nadapa sa harap ko 'di ko mapigilang matawa, nakita nya ko, kaya ang sama ng tingin sa 'kin pero umalis na lang ako" natawa nalang ako sa kwento nya.
Nang makarating kami sa tapat ng room, huminga ako ng malalim pinagdarasal na sana maayos tong school year ko. Nang maka pasok kami sa room umupo agad kami ni Lea sa bakanteng upuan.
Maya-maya dumating na ang Adviser namin si Miss Pascual ang Terror Teacher, 3 years ko na siyang Adviser.
"GOOD MORNING! CLASS. SIGURO 'DI KO NA KAILANGAN MAG PAKILALA NOH? PANGATLONG TAON NA NATIN ITONG MAGKAKAKASAMA"
Tss. Anong Good sa Morning kung galing sayo. Napalingon ako sa bagong pasok na studyante, small earth nga talaga siya yung babaeng naka bunggo sakin. Malas ng umaga ko.
"Oyy tubig, siya yung kwenento kong babae kanina" bulong ni Lea, nagulat ako sa sinabi niya.
"Really? siya din yung babaeng bumunggo sa akin kanina" sagot ko, wow small earth.
"BTW! SIYA YUNG BAGO NIYONG KAKLASE. MISS CAN YOU INTRODUCE YOURSELF?"
Napatingin sa amin ni Lea yung Babae, ang sama ng titig niya. Nakita kong sinamaan din ng tingin ni Lea yung babae. Gusto kong matawa pero baka makuha ko ang atensyon nila, 'di alam ng babae na mas mataray pa itong si Lea.
Nawala na ang sama ng titig niya nag simula ng ipakilala ang sarili niya sa harap. "Good Morning everyone I am Cera" walang ganang pag papakilala nya.
Cera? Parang pamilyar ang pangalan. Hmm nevermind.
Pinaupo na siya ni Miss Pascual, nag taka ako bakit 'di siya nagalit. Ayaw niya sa tipid sumagot, pake alam ko ba?
Umupo si Cera sa harap ng inuupuan ko at tumingin sa amin ni Lea "I hate your face bitch" tingin kay Lea
"Of course I hate your face too" sabi sa akin at tumalikod na, tangina neto kala mo gusto ko mukha niyang pwet.
Tatayo na sana si Lea para sampalin si Cera pero pinigilan ko, baka ma-guidance pa kami.
"Humanda sa akin yan babaeng yan, kawawa na sana yan ngayon kung 'di mo ako pinigilan" bulong niya sa akin.
Matapang si Lea 'di pumapayag na matalo sa ano mang laban samantalang ako iwas sa gulo.
Wala na ang maayos na year na pinagdasal ko kanina, haysss.
YOU ARE READING
Sparkling Water (Zodiac Series #1)
Novela Juvenil•Aqua Luna have an Immaculate Family, she grew up in full of love and hope. Her family loves her so much. She didn't expect that one day she will suffer in her first heart break, until Prex Diola confess his feelings again to his best friend. 11/27...