Two

2 1 0
                                    

•Dalawang linggo na ang lumipas simula ng pumasok ako sa school, mabuti naman naging tahimik ang dalawang linggo ko walang nangyari na kung ano.

Tahimik lang si Cera habang nag kaklase pero pag kinausap siya laging naka sigaw para bang galit sa mundo.

Kami ni Lea ay may sariling mundo, kami lang lagi ang nag uusap at magkasama, wala kaming kinakausap na iba maliban sa nagiging kagrupo namin sa projects at  Teachers.

Nakita kong papasok na ang Science Teacher namin kaya umayos ako ng upo, siniko ko si Lea para umayos din ng upo.

"Good Morning Class!" bati ni Sir ng maka pasok sa room, mabait si Sir Alvis pero grabe mag paproject jusko.

"We'll have a graded recitation today, so i'll give y'all 10 minutes to review and later I don't want to hear 'Sir, I don't know the answer' if you say that when I call your name. I will give a project again. Understand?"



"Yes Sir!" sagot namin.

Kinuha ko ang notebook ko para maka pag review, ganon din ang ginawa ni Lea.

Makalipas ang sampung minuto ay tumunog na ang cellphone ni Sir nag set pa siya ng alarm clock.

Tumayo si Sir Alvis.

"Okay, hide your notebooks we will start now. I will use your index card to pick someone who will answer my question" kinakabahan ako piste.

"Mr. Alvarez, Stand up" tawag ni Sir Alvis sa kaklase ko, isa siya sa pinaka matalino dito halata naman kasi nerd pero maputi siya at  maganda ang katawan.

"Sir?" sagot ni Alvarez

"Alvarez, can you give 5 examples of Periodic Elements"

"H-hydrogen, M-Magnesium, S-silver, A-aluminium, I-iodine" nauutal na sagot ni Alvarez at umupo na siya.


"Okay, Very Good" sagot ni Sir Alvis.

"Next is Miss A-apollo"

Napapansin kong mabait ang mga Teachers kay Cera nautal pa ng banggitin niya ang pangalan nito 'di ko alam kung bakit.

"Hmm?" sagot nya at maangas tumayo ito.

"Miss Apollo can you explain what is Aluminium?" tanong ni Sir Alvis

"Aluminium is a chemical element with the symbol Al and atomic number 13. It is a silvery-white, soft, non-magnetic and ductile metal in the boron group. By mass, aluminium is the most abundant metal in the Earth's crust and the third most abundant element" sagot ni Cera at umupo agad, at mag kasalubong ang kilay. Matalino siya pero masyadong masungit at galit lagi.

"Okay, Very Good Miss Apollo" sagot ni Sir Alvis

"Next, Miss Luna" tawag sakin ni Sir Alvis tumayo agad ako.

"Miss Luna, can you explain what is Iodine?" tanong ni Sir Alvis

"Iodine is a chemical element with the symbol I and atomic number 53. The heaviest of the stable halogens, it exists as a lustrous, purple-black non-metallic solid at standard conditions that melts to form a deep violet liquid at 114 degrees Celsius, and boils to a violet gas at 184 degrees Celsius"

Taas noong sagot ko, kala ko kakabahan ako buti nasa notebook ko ito.

Umupo na ako at napansin kong umirap si Cera, bahala nga siya sa buhay niya lagi siyang galit.

Sparkling Water (Zodiac Series #1)Where stories live. Discover now