~Code's POV
Kakapasok ko lang , at madami na agad ang tao. Ano kayang meron ?
"Andito na raw siya."
"TALAGA ?!"
"Sabi ng mga nakakita sa kanya , Maganda parin daw."
"Mas gumanda pa nga daw eh."
"Finally "The Queen is Back"."
Teka ?! Sinong sinasabi nilang "Queen" na yan !? Sa pagkakaalam ko wala namang dating nag-aral na reyna dito eh.
Hindi ko na yon pinansin at diretsong naglakad papunta sa locker ko , kaso biglang may dumaan na kotse at huminto sa gilid ko.
Unti unting bumukas ang pinto at iniluwa si ....
~Diane's POV
Sheez napagpasyahan kong maghalfday nalang , 10am na kaya papasok na ko. Nalate kasi ako ng gising kaya hinayaan ko nalang.
Pagpasok ko parang may mali , kasi andaming nagbubulungan at yung mga boys akala mo tumama sa lotto sa sobrang tuwa.
Anong meron ? May nagtransfer ba na beauty queen dito ? Hmmm.
"DIANE !" Agad naman akong napalingon.
"Dee ? Oh bakit nagmamadali ka ?" Tanong ko , paano ba naman hingal na hingal.
"Mag-usap tay---"
"Hi Babe." Sabi ng isang babae mula sa likod niya at lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi , "BABE" ?!
Hindi ako nakapagsalita agad dahil naguguluhan ako , si Code my girlfriend ? Eh sa pagkakaalam ko wala naman siyang nililigawan eh.
"Hindi mo ba ko ipakikilala sa 'bestfriend' mo ?" Sabi nito sabay harap sakin , nakita ko naman na titig na titig sakin si Code , hindi ko mabasa ang sinasabi ng mata niya. Ano ba talagang meron.
Tumingin si Code don sa babae , at ngumiti.
"Diane si Marielle , ang Girlfriend ko. Marielle si Diane." Diretso niyang sabi , inilahad ni Marielle ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon.
Siguro pwede kaming maging magkaibigan ?
~UWIAN
"Diane ? Okay ka lang?" Pauwi na kami ni Drew , naglalakad lang kami habang hawak niya yung kamay ko.
"O----"
"Andrew De Castro ? Is that you ?" Napatingin ako dun sa nagsalita , si Marielle.
"ELLE ?!!" Nagulat naman ako sa reaction ni Drew , Bakit gulat na gulat siyang makita si Marielle ? Eh mukhang magkaibigan naman sila dati..
"Oh bakit parang nagulat ka ?" Himala naman at magisa lang siya hindi niya kasama si Code? "Hindi ko kasama si Code , May lakad kasi ako eh." Mind reader ?!
"A-aah s-sige na , A-alis na kami." Sabi ni Drew at hinila na ko palayo kay Marielle , Ano bang meron ?
Tatanungin ko ba si Drew ? Wag na baka shock parin siya. Pero diba bilang girlfriend niya dapat alam ko kung bakit ganon yung reaction niya ? Wag na nga. Sige na ito na itatanong naaa~
"Drew , Bakit gulat na gulat ka nung makita mo si Elle ?" Baka mamaya niyan may past pala sila XD
"Yun ba ? Wala yon. H-hindi ko lang talaga inaasahang babalik pa siya."
"Ano mo ba siya ?" Napatigil siya sa paglakad. Bakit may mali ba sa sinabi ko ?
"D-dati kong kaibigan." Sabi niya , Hindi siguro sila close :3 "Bakit mo nga pala natanong ? Nagseselos ka no ?" Sabi niya tapos tumawa , ang Kapal nento !! >__<
"HINDI NOH !!" Sabi ko tapos binitawan yung kamay niya. Pero hinawakan niya yun ulit.
"Eh bakit nagbablush ka ? ayiiiieee." Hinampas ko siya sa braso.
"Tumigil ka na." Sabi ko tapos binitawan muna yung kamay niya , magtetext ako eh.
To: Deeeeee~
CODE ! Nakauwi ka na ba ?!
"Oh sinong katext mo ?" Sabi ni Drew .
"Tinext ko lang si Code." Sabi ko sa kanya.
~Drew's POV
Bakit ba kahit ako kasama niya iniisip parin niya si Code ? Oo nagseselos ako , pwede naman diba ? Psssh.
Nahatid ko na siya sa bahay niya kaya ito ko naglalakad pauwi habang nakasaksak sa dalawang tenga ko yung earphones ko. Wala ko sa mood >_<
Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa earphones ko. Kaya napatingin naman ako , Badtrip na nga ko babadtripin pa ko nito.
"Nagulat ba kita ?" Sabi niya , Mukhang nagulat talaga niya ko.
"MAY USAPAN TAYO." Sabi ko , hindi kasi siya marunong tumupad sa usapan.
"I know , pero namiss kita eh." Sabi niya ng may pilyang ngiti sa labi.
"Shut up. I'm not in the mood." Ewan ko pero sobra talaga kong naapektuhan don sa pagtetext ni Diane kay Code.
"I smell something." Sabi niya pero hindi ko na yon pinansin , tuluyan nalang akong umalis.
Hindi pa ko nakakalayo may humawak na naman sa balikat ko.
"HINDI MO BA KO TITIGIL----" Si Code lang pala -_____- "Ay sorry."
"Pare nakita mo ba si Marielle ?" Tanong niya sakin.
"Hindi eh , Bakit ?"
"May itatanong sana ako , Eh si Diane ba nakita mo?" Sabi niya.
"Ah. Oo kakahatid ko nga lang sa kanya eh."
Tumango nalang ito at nagbabye na , Badtrip ako dahil kay Code pero kahit ganon hindi yon dahilan para mainis ako sa kanya. Kakabati lang namin , baka mamaya tutulan na naman niya ang relasyon namin ni Diane kapag inaway ko yan xD
Pero isipin niyo yon , kakarating lang ni Elle , I mean Marielle pero sila na agad ni Code ? Hmm . bakit kaya ? At paano nangyari....
- - - - -
Author's Note: Sino kaya ang mga bago nating character/s ? Malalaman niyo next chapter/s. Kung bakit nagkaganyan. Sino si Marielle/Elle ? At si Mystery Girl/Boy na kumausap kay papa Drew ? Tsktsk :3 Sorry po sa late update. Busy busyhan eh ^^'v
VOTE.
COMMENT.
BINABASA MO ANG
My Beloved Bestfriend
Teen Fiction[ON-HOLD]You don't wanna let go and I don't wanna let you know that there might be something real between us two.