MBB 4 - Standing Beside You.

37 2 5
                                    

~Code's POV

1 month later ...

"Bilisan mo namang kumain Dee !!" Sigaw sakin ni Diane , habang siya tapos na. Andami kasi ng order ko.

"Bakit ba nagmamadali ka ?! May date ba kayo ng boyfriend mo !?" Boyfriend lang pero hindi pa sila ni Drew. Ayos na ko kay Drew nag-usap na kami.

~Flashback

"Pare mag-usap naman tayo." Sabi sakin ni Drew , kami nalang natitira dito sa room. Aalis na sana ko pero pinigilan niya ko.

"Yung dati parin ba yung iniisip mo ? Humingin na ko ng tawad sayo non. Tsaka dapat ka pa ngang magpasalamat sakin eh. Kasi nalaman mong hindi ka talaga mahal non." Sasapakin ko na sana siya ng pigilan niya ko.

"Mahal mo ba si Diane ? Oo bilang kaibigan pero bakit ganyan ka ? Ayaw mo siyang sumaya.  Sarili mo lang iniiisip mo dahil natatakot ka na masaktan ko siya." Sabi niya ng mahinhin.

"Hindi ko siya mahal , Kapatid lang ang turing ko sa kanya. Hindi mo masisisi sakin kung ayokong ikaw ang makatuluyan niya dahil mang-aagaw ka !!" Sigaw ko naman sa kanya. "Kung maaari nga lahat ng ikasasaya niya ibibigay ko eh kaso hindi ko yun kaya , kasi hadlang ka !"

"Tss , Duwag ka. Duwag kang maging mag-isa. Na kapag naging kami wala ka na. Iniisip mong lahat nalang inaagaw ko sayo." Oo yon talaga ang iniisip ko. Lahat nalang inagaw niya.

Pati mama ko , inagaw niya. Oo tama kayo magkapatid kami sa ina. Pero hinding hindi ko yan ituturing nakapatid , dahil sa kanya namatay yung tatay ko.

"Dakilang mang-aagaw ka kasi , Parehas kayo ng tatay mo. MALANDI." Habang sinasabi ko yan nakita ko ang galit sa mata niya pati kamay niya nakatiklop na.

"Hindi ko kasalan kung nabuhay ako. Kung nabuo ako! Kasalanan yun ng tatay mo ! Dahil pinabayaan niya si mama." Sabi naman niya.

"Wala kang kwenta kausap." Sabi ko sa kanya aalis na ko ng biglang bumukas yung pinto at si Diane yung nagbukas.

"M-magk-kapatid k-kayo ?" Sabi niya , hindi niya na dapat nalaman toh kundi sa madaldal na lalaking yan.

"Kuya payagan mo na kong ligawan yung bestfriend mo." Sabi ni Drew habang nakatitig ako kay Diane , hindi ko maintindihan kung anong gustong iparating ng mga mata niya. Nasasaktan at naaawa ? Or gusto niyang pumayag ako.

"Kahit sabihin kong ayoko wala naman mangyayari diba ? Kasi nanliligaw ka na." Nilapitan ko si Diane at hinawakan ko yung kanang pisngi niya. Kaya ko pa to. "Gusto mo ba siya ? Kung gusto mo siya ayos lang sakin." Sabi ko sa kanya. Nagnod naman siya , mukha kong tanga dito. Ako lang ata ang hadlang sa kanila eh.

"Sige Drew , gusto ka naman ni Diane , may pag-asa ka na. Hindi ko na kayo pakikielaman basta wag mong sasaktan yan. Kundi mapapatay kita." Sabi ko tapos ngumiti sa kanilang dalawa.

~End Of Flashback

"Excuse me , Di ko pa siya sinsagot." Sabi niya sabay kuha ng kinakain ko.

"DIANE !!!" Kukunin ko sana kaso sinubo niya na. Taeeee gutom akoo ;((

"Bakit Deeeeee ?" Ginaya pa niya yung accent ko , adik na talaga to.

"Tsk tara na nga , san mo ba gusto pumunta ?" 

"Tom's World !!" Kahit kailan talaga parang bata to.

~~

~Diane's POV

Kanina pa kami naglalaro ni Dee ng kung ano ano dito , nagkahiwalay na nga kami eh. Andito ko sa shooting ng may marinig ako.

"Diane alam kong nandito ka , This song is dedicated to youu~" Tapos nagsimula ng tumugtog yung karaoke , napatigil ako. Hindi lang naman ako yung Diane dito sa loob ng TW baka iba lang yun.

Pero nung marinig ko yung boses niya halos tumalon yung puso ko sa galak , kaya napasilip ako don sa karaoke at tama nga ako...

Si Drew nga yon.

Madami ng tao yung nakapalibot sa kanya dahil nagagandahan siguro sa boses , akala nila mini concert XD 

Kaya medyo sa gitna ako napunta , nang may naramdaman akong tumabi sakin. Si Code..

"Mahal mo na ba siya?" Tanong niya , hindi siya nakatingin sakin. Nakangiti siya kay Drew na nakatingin naman sakin tapos ako nakatingin naman kay Code.

Bago pa ko makasagot nagsalita na si Drew.

"Diane its been two months since I started to court you , Alam kong nabibilisan ka pero ...

Diane will you be mine ?" Lahat ng tao nagsigawan , hindi ko maexplain yung nararamdaman ko , masaya na kinakabahan na naguguluhan.

Masaya ko kasi ramdam na ramdam kong mahal ako ni Drew , Kinakabahan , oo mahal ko siya pero sapat na ba yon ?  Kaya naguguluhan ako :3

Hinawakan ni Code yung kamay ko , at ginulo yung buhok ko.

"Ayan magkakaboyfriend ka na." Sabi niya tapos binitawan na yung kamay ko. Bakit parang nung binitawan niya yung kamay ko , nasaktan ako. Feeling ko gusto niya na kong iwanan.

"Nandito lang ako , hindi kita iiwan kahit magkaboyfriend ka pa." Bulong niya sakin , kaya umakyat na ko doon sa maliit na stage kung saan nakatayo si Drew , hinawakan niya yung kamay ko , ibang iba sa paghawak ni Code sakin.

"Yess !!"

"Say yes !!"

"Oo na yan.."

"Ang swerte nung girl."

"Tama , bihira kaya yung ganyan !"

Mga bulunga sa paligid , tinignan ko si Code nakatingin siya samin, Nakangiti parang sinasabi niya um-oo ako.

"Ano na ?" Sabi ni Drew , bakit kasi kailangan dito niya pa ko tanungin , hindi ko naman siya pwedeng ipahiya.

Sa mga naggawa niya sakin yun pa igaganti ko ? Ang sama ko naman yata.

"YES." Kasabay non ang paghiyawan ng lahat ng tao dito , napangiti nalang ako ng makita ko ang reaksyon ni Drew walang kapantay yung saya niya. Kaya napangiti narin ako. 

Tumingin ako sa mga tao , hinahanap ko si Code , pero hindi ko siya mahanap.

Pagtingin ko sa pinto at nakita ko siyang palabas.

- - - - -

Author's Note: Sorry sa mahabang fastforward at sa pagkatagal tagal na hindi pagUD medyo busy lang xD Malapit na pong lumabas ang new character ^^ 

VOTE.

COMMENT.

My Beloved BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon