Nasa canteen kami ni Celine, I was crying kasi nainjured ako from our volleyball practice kanina. Papaano kasi I broke my eye glasses. Hindi ko tuloy nasaktuhan 'yung bola na papalapit sa akin kaya sa mukha ko tumama. 😭 Eh actually hindi naman doon ako naiinis kung hindi sa kahihiyan na inabot ko. Andun pa naman 'yung pinagpapacute-an kong varsity player, si Chris.
Bago pa magstart 'yung higschool class, lipana na per grade schools 'yung mga students and teachers na magpopromote ng kanya-kanyang schools na pupuwedeng pasukan this coming school year. Doon ko nameet si Chris. Hindi ako avid fan ng basketball. Kahit na love ko ang sports, excluded ang basketball dun. Si kuya at si Daddy mahilig sa ganyan. Eh pakiramdam ko kasi panglalaking laro lang talaga. Unlike volleyball na any gender. Nagsusulat ako nun ng biglang nagsalita 'yung Math teacher kong 30 years old pa lang pero mukha ng 45 years old dahil siguro sa kunsumisyon na humawak ng Math subject at sa public school pa.
"Class, quiet! Bukas na lang natin ituloy itong seatwork niyo. Makinig muna kayo sa mga visitors. Say Good Morning!"
(All) "Good morning visitors!"
"Very good. Okay behave ha."
Isa-isang pumasok 'yung mga students from a certain school. Hindi ako nakikinig kasi wala akong balak pumasok sa private school. Kahit medyo umaangat na ang business namin, gusto kong pumasok sa Science school para mas maraming knowledge ang papasok sa utak ko. Ganun kasi thinking ko when I was still young. Sayang pera. Sayang utak. Dapat gamitin sa tama. I was doodling then. Until magsigawan 'yung mga girls na classmates ko.
"Ang *kikiri", 'yun na lang nasabi ko. I was curioused kung bakit sila nagtitilian eh mga mukhang ewan naman 'yung mga nagsasalita. Hanggang sa pumasok 'yung isang lalaking, sa tingin ko, 1 yr ahead sa akin. Maputi, matangkad, POGI! Para sa aking grade 6 student, isa siyang "Prince Charming".
*kikiri- noun/verb; maarte, mabilis kiligin, PeeeBeeeBee Teeeens?! 😁
Gusto kong makitili! Seryoso. Nakajersey uniform siya na nakaprint 'yung logo ng school nila. Hayyy! Grabe! Ewan ko pero sobrang kinikilig ako. Kung 'yun ba 'yung tawag dun. 'Yung mga classmates ko kasi, kinukwento nila sa akin 'yung pakiramdam na 'yun. Kung papano. 'Yung hindi ka raw makakahinga kapag una daraan sa'yo. Kapag ngumiti sa'yo, parang gusto mo nang himatayin. Hindi ka raw makakatulog sa gabi kakaisip sa mukha niya at miski sa CR niyo, 'yung moist sa salamin eh dadrawingan mo ng heart shape at may pangalan niyong dalawa sa loob nun.
'YUNG MAY SLOWMOTION.
Ito nga siguro 'yun. Agad-agad? Para akong nanaginip ng ilang minuto. Nagising lang ako nung sikuhin ako ng seat mate ko.
"Natalia, president daw."
"Ha? Ah. Bakit daw? Sinong naghahanap sa akin?"
Tinuro niya gamit ang nguso. Nilingon ko kung sino, OMG! Si Papa Pogi. ☺☺☺
Nagblush talaga ako. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ko lang naramdaman 'yung ganitong pakiramdam. Iba kasi sa pagbilis ng tibok ng puso kapag magrerecitaion o call of nature eh. IBA. IBANG-IBA. Kinakabahan ako. Kinuha ko muna 'yung salamin ko sa may bulsa ng brown kong bag. Tiningnan ko kung maayos ang buhok ko. Saka ako tumayo. With confidence.
"Hel-lo." Nauutal pa ako.
"Hi." 😊
OMG atii! Alam mo 'yung ngiting pamatay! Maihipan lang siguro ako ng hangin eh matutumba ako sa kinatatayuan ko e.
"Kailangan kong kausapin 'yung president ng school para ipadistribute itong mga leaflets. Medyo makakaconsume kasi ng oras kung isasabay la namin habang nagtatalk eh. Okay lang ba?"
"Ha? Ah eh, oo naman. Amina. Ako na lang maguutos sa mga school officers."
"Salamat. By the way, I'm Chris. Nice meeting you." Then he lend his hand.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love
Teen FictionHi. I am Lia. I can say I am a survivor. I survive life's pain and bitterness and turned it out into happiness. I have a lot of plans in life, a lot of things to discover, a lot of foods to eat and a lot of places to go. If only God had given me en...