"What? Sigurado ka ba dyan, Lia? Eh bakit naman may ganoong lalabas? Ano ba kasi talagang ginawa niyo ni Zac?"
Celine's curiosity starts again. At kapag sinimulan niya 'yan, for sure hindi niya ako tatantanan hangga't hindi siya satisfied.
"What do you want to hear from me ba? We just had fun. We went to a bar on Libis. Just the two of us. We party the whole night. We get drunk. We danced. We went wild. That's it."
Celine just stared at me. Alam kong she wanted MORE details.
"Okay fine. We kissed. On public. In front of like, hundreds of people, I guess. And take note, HUNDREDS of people."
"Oh-my-GOSHHHH! Natalia!!!! You kissed with Zac? The Zac Lopez from the biggest station in the whole country! Eh kaya naman pala agad-agad na may lumabas na scoop sa inyong dalawa! Grabe!!!!! I really envy you!!!! Eh bakit wala ka niyang number? Eh teka, 'yun lang ba? Wala ng, alam mo na.. 😉"
"Wala. How I wish meron. Hahahaha! And hello? We only dated for three months. Hindi ko naibigay sa kanya 'yung bago kong number kasi lasing na kami no'n. Ako na bahala."
"Pero wala ka na talagang maidadagdag?"
"Haha! Wala na swear! Hayaan mo, kukwentuhan kita kapag meron."
Alam kong satisfied na si Celine. Kinakain na ulit niya 'yung pasalubong kong apple cake. She loves sweets. Hayy. Paano kaya 'yun. Alam kong madidisappoint si Celine once she found out that I've hidden something from her. Zac's gender. Wala pa kasi akong secrets na hindi alam ni Celine.
Celine and I are best of friends since highschool. First year ako nung pumasok ako sa school na pinapasukan niya since kinder. Catholic school. Madre ang may hawak. First time kong pumasok sa private school kaya medyo parang promdi ang datingan. Nerdy. I am wearing a Harry Potter like eyeglasses. Maitim, palibhasa kasi babad sa field na walang bubong nung gradeschool.
We are totally in contrast. Kung ako tatahi-tahimik, si Celine, girl next door. Matured na bata kumbaga. Sossy. Classy. At may color coding everyday. Kapag sinabi mong pink, pink talaga ang peg niya the whole day. Ultimong pambura ng ballpen niya, pink. Nasa cream section siya while I'm on the ordinary section. Sa section nil kinukuha ang honor list. 'Yun lang. We are really totally in contrast. I graduated Valedictorian nung gradeschool. Siya, dahil mayaman, kahit hindi naman ganoon katalino, nasa cream section. Hehe. Ganun talaga. Every foundation nagdodonarte ang family niya sa school.
Dahil transferee ako, wala akong totally kakilala sa mga classmates ko. Meron akong kakilala na ahead sa akin pero nasa higher year.
----
RECESS.
Tinatamad kasinako lumabas ng room kaya nagpaiwan na lang ako sa mga classmates kong lagi kong kasama kapag lunch. Nasa 4th flr 'yung room namin, left wing. Second room from the stairs and rest room. Lumabas ako then dumungaw sa may hall.
Dun ko nakita si Celine sa may *batibot sa ground floor.
*batibot- bilog na upuan na may puno sa gitna. Kung Marian ka, KELANGAN PA BANG IMEMORIZE 'YAN? 😉
Nagbabasa ng pocketbook. (Dyusme, kay ganda-gandang babae, pocketbook ang binabasa.) Nataihan ng ibon 'yung uniform niya kaya tumingin siya sa itaas para icheck kung dagta ba 'yun o ipot. Sakto napatingin siya sa akin. Nagsmile ako syempre. Then she smiled back. Saka siya sumigaw.
"Heloooo!!! Bago kaaaa?"
"Oo! Heloooo diiin!"
"I'm Celine. Ikaaaw?"
"Natalia. Lia na laaang."
"Para na tayong tanga dito! Try mo kayang bumabaa!"
Nagthumbs up ako. Saka ako bumaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/3124670-288-kabe623.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love
Fiksi RemajaHi. I am Lia. I can say I am a survivor. I survive life's pain and bitterness and turned it out into happiness. I have a lot of plans in life, a lot of things to discover, a lot of foods to eat and a lot of places to go. If only God had given me en...