The face off

332 6 0
                                    

Chapter 5

         Akala ni Au pag pumunta sya ng Gingoog ay mabibigyan ng linaw ang tanong sa pagkatao ng nabangga nya pero mas lalo pa syang naguluhan, ang sabi ng pinagtanungan nya walang anak ang mag asawang Arlene at teodoro na Stella, pero meron daw itong pamangkin na Stella na anak ng kapatid nito.

           "Au, nandito ka na pala "....nagulat pa sya sa biglang pagsulpot ni Daisy sa kinaroroonan nya.

             " Komusta lakad mo?usisa nito.

            " Lalo akong naguluhan, ang nakasaad sa birth certificate nya Arlene at Teodoro ang parents,pero ang sabi ng taga dun,pamangkin lang daw ang nag ngangalang Stella.
           "Hindi  mo ba sinubukan na kausapin yong Arlene"
          " Natatakot ako Daisy"
       "Anong plano mo ngayon?
       " Iuuwi ko muna sya sa amin, Sabi mo hindi naman permanent ang amnesia, yon na lang ang hintayin ko, ang bumalik ang alaala nya"
     "Ikaw ang bahala, by the way tumawag ang ninong mo? Sunduin daw kayo mamaya"
       Oo Daisy, nagpatulong ako sa kanya, mabuti galing sila sa headquarters ng CDO, kaya dadaanan na lang daw nila kami.
    " Cge, mag ingat kayo,pasensya ka na kailangan ko talagang pumuntang hospital"
  "Salamat sa lahat ng tulong mo ha...
  "  Wala yon, basta't kailangan mo, nandito lang ako.
      
     Hindi na matanaw ni Au ang kotse ng kaibigan pero hindi pa rin sya umalis sa kinatatayuan, ramdam nya ang suporta ng mga taong nakapaligid sa kanya, sa kabila ng pinagdadaanan nya, nararamdaman pa rin nya gaano sya kamahal ng Diyos. , balak nyang itago sa anak ang totoong nangyari sa kanya sa Davao,pero naisip nya kailangan nyang maging honest sa anak nya, bago pa man sya umuwi ng maynila, alam na ni Erika ang tungkol kay Stella,.

         Hindi sya nagalit, bagkus handang  handa na sya sa paghaharap nilang dalawa.

.................................................................................

       "wow, talagang pinaghandaan mo ang pagkikita ninyo ng kapatid ng karibal mo.
         " Tita talaga, hindi ko po karibal si Maris,dahil hindi naman naging kami ni Lemuel, ako lang naman tong assuming no."
         " Basta,kung hindi karibal tawag dun, di  magnanakaw o di kaya'y mang aagaw....

        Natawa si Erika sa pagiging intregera ng bakla nyang Tita pero natutuwa naman sya dito.

        "Alam mo tita pag narinig ka ni Maris Sasabihin nya yong linya ng pelikula,(pilit nyang inaalala ang linyang yon) Ano  nga  ba yon?

         "Alam ko yon, ang magnanakaw yong kumukuha ng bagay na d sa kanya, sigurado ka bang ang kinukuha ko ay iyo pa " Sabay silang tumawa na animo'y limot lahat ng alalahanin sa tunay nyang kalagayan,ilang buwan na lang ang itatagal ng buhay nya, at pilit man nyang kalimutan  ang takot pero hindi pa rin nya maiaalis sa sarili ang mag alala, hindi sa kanya kundi sa Mommy nya, paano nito kakayanin ang sakit sa napipinto nyang paglisan, if she could only make a way to make her Mother happy kahit wala na sya.
......... Biglang  umatake na naman ang sakit nya.....nagsisigaw na naman sya sa sakit, hawak hawak ang ulo nya....Yon ang naabutang eksena nina Au at  Stella.

            Nakatulog naman ito matapos painumin ng gamot ngunit ramdam nya ang sakit na dinaranas nito, hindi man nya lubos na kilala ang mag ina,nararamdaman nya na mabuti silang tao...

      " If only I could do something, if only I could create a miracle" she silently told herself.

          "Stella, can I ask a favor?

             "Pwede bang maiwan muna kta dito? kukunin lang namin ang ibang gamit ni Erika.
            "Walang problema tita"...
    Papasok na sana sya sa kwarto kung saan payapang natutulog si Erika....

  " Stella."..Tawag ni Au SALAMAT...dugtong nito....hindi maiwasang maantig ang damdamin nya...bumalik sya at mahigpit na niyakap si Au...
      "Maniwala kayo sa miracle Tita, kasama akong magdarasal para sa anak nyo..."tuluyan na itong humagulhol sa balikat nya kundi pa hinila ni Rihanna para makaalis na sila ay hindi pa ito bibitiw. ..tahimik syang bumalik sa loob ng condo kung saan pansamantala silang manirahan ni Erika.

           " Hi....ikaw si Stella? Ako si Erika,"

Inabot nito ng kamay nya. (Tumango sya bilang tugon)

            "Kamukha mo talaga si Maris,"
            "Yon din ang sabi ni Tita.
             "Gusto mo na silang makilala? (She nodded bilang tugon)

            "Alam mo ba malaki ang kasalanan ni Mommy sayo? "
             "Sinabi nya pero wala akong maalala"
              "Kung sakaling bumalik ang alaala mo, pakiusap hwag mo syang kamuhian "

              "Pwede bang mahalin mo si Mommy kung wala na ako?
              "Erika, hwag mong sabihin yan.
               "Gustuhin ko mang umasa Stella pero alam ko namang hindi na ako gagaling, sayo ko lang ito Sasabihin, pagod na ako sa bawat atake ng sakit ko, pilit akong lumaban para sa Mommy ko " ( Pinisil nito ang kamay nya)

                   "Mangako ka sa akin, hwag mong iwanan si mommy?(bilin nito sa kanya, hindi nya maiwasang lumuha)

                  " Please..........
                   " Pangako hindi ko iiwanan ang Mommy mo.
             
AUTHOR'S NOTE : Magagawa bang paninindigan ni Stella ang pangako kay Erika, paano kapag dumating ang araw na bumalik ang alaala nya? ????
               
               

           

Someday we'll knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon