Ambilis lumipas ng isang linggo, andaming paper works, requirements para sa susunod na sem at ang nakaka-stress na pagkuha ng class cards na hiwa-hiwalay at ikaw pa ang kukuha mismo sa mga prof mo. Mahirap talaga ang buhay kolehiyo (paminsan-minsan) dati naaalala ko na pagkuhaan na ng card namin ay yung adviser na namin ang nagcocompute ng grades at sama-sama na yung binibigay sa tinatawag na Form 138 o yung mas kilalang school report card.
Dahil unang sem ko pa lang dito medyo na-culture shocked pa ako. Akala ko pagkatapos ng mga exam na nakakalugaw sa utak ay pwede na kaming umuwi sa aming mga bayan. HINDI pala! Isang lingo ka pa din pa lang mag-aasikaso ng kung anu-ano. Lalo na pag scholar ka at atat kang magpa-dean’s list. Syempre nag-stay muna ako sayang ang refund next sem. Okay lang naman dahil may dalawang linggo pang matitira para sa sembreak ko ng biglang…
KRING! KRING! KRING!
(dedma lang ako! Mahaba ang pila sa registrar, 4 na lang e ako na ang kasunod)
KRING! KRING! KRING!
(dedma pa din! Sana ma empty na yung battery ng fone ko)
KRING! KRING! KRING!
(sino ba kasi yung makulit na un?)
8 messages received (sabi ng kakarag-karag kong fone)
Ako na ang kasunod sa pila. Hindi ko na nakita yung nagtext ibinalik ko kaagad ung fone sa bag ko.
(pagkabigay ng folder at pagkatapos pumirma sa kapirasong papel)
Finally! Pwede na akong umuwi! Kumpleto na ang class cards, ayos na ang requirements para sa scholarship at schedule ko na lang ang hihintayin ko next sem.
Syempre ako yung tipo ng tao na maraming kaibigan. Marahil siguro ay epal ako! Hindi naman siguro kaya yun bago tumuloy sa boarding house para kumuha ng gamit ay nakipagpaalaman muna ako sa kanila. Sus! After 2 weeks naman e mananawa na ulit kami sa isa’t-isa. Drama dito, plastikan doon! Joke langs. Nakallimutan ko ng buklatin yung fone ko.
Andeng! Andeng! Andeeeeeeeeeeeeng!
(sigaw ng lalaking medyo may kalagungan ang boses pero malamig sa tenga ang pakiramdam, lumingon ako! Shoot! si Marco yun! Ang gwapo kong kapit-bahay)
“Uuwi ka na ba sa atin?” Wika niya sa akin…
“Ahmm.. oo naman! Wala na akong aasikasuhin dito! Ikaw ba?” (habang medyo kinikilig ako nung sinasabi ko yun.)
“oo sana! Tara sabay na tayo! Pero kukuha pa ako ng gamit sa bahay. Text na lang kita. Ano bang number mo?” sabi niya sa akin.
“Ahh eto oh 09124040*** pakilala ka ha kasi I don’t talk to strangers ih!” (kinikilig pa din ako! Imagine! Haha. Mahirap un ipaliwanag.)
Habang ginugunita ko yung conversation namin ni Marco naalala ko yung mga unread messages sa fone ko! Andami nga pala! Saka anonymous ung tumatawag. Sino kaya yun? Hmm.
“oy bruha asan ka? Isang linggo na akong naghihintay sayo!” galling kay 0917…
“sino kaya tong globe na’to na uubusin pa ang extra load ko?” (siya din pala yung anon na natawag)
Hu u po? (Sabi ko sa text)
Toot! Toot! Toot! (sabi ng fone)
“ganyanan na! limutan agad? Magkita tayo sa dating tagpuan! See you after the sunset :]” sabi ng reply sa akin.
“at aba! Sino kaya ito?” (napapaisip ako sa mga pangyayari ng biglang may dumating ulit na text)
“San ka na? Marco to. Tara uwi na tayo. Sunduin na kita.” Sabi ng text.
HAHAH. Kinikilig talaga ang bata! Naku nasa kalsada pa din pala ako. Buti na lang at nakaimpake na ang lahat at pupulutin ko na lamang.
“Daanan mo na ako dito sa labas ng boarding house namin. Di ba alam mo naman yun?” message sent
Dumating agad siya! Binitbit ang bag ko! Feeling ko naman ang ganda-ganda ko kasi pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin na wari’y nag-iisip kung siya ay boyfriend ko. Well! Oo na nga po! Malapit na. haha. Joke langs!
Sumakay na kami sa jeep. Nagkwentuhan at nagtsismisan. Feeling ko nung mga sandaling yun ay ang ganda-ganda ko talaga kasi nga naman siya lang ang nag-iisang ambassador of goodwill ng aming bayan. Bilang title holder as pinakagwapong lakan sa aming bayan. Mag-iinarte pa ba ako? :]]]
“anong course mo na nga?” sabi nya sa akin.
“BS accountancy, ikaw ba?” sagot ko sa kanya.
“ako’y HRM pero lilipat ako next sem.” Wika niya sa akin
“Bakit?” sagot ko ulit.
“Basta! Feeling ko e mas magiging productive ako dun saka hindi na ako masaya sa kurso ko ngayon. Ikaw ba okay ka pa? wala kang balak lumipat?” Wika niya sa akin.
“wala pa naman! Hindi ko pa alam? Naliligayahan pa ako dito. Saan mo naman balak lumipat?” sabi ko sa kanya.
“ Lilipat ako sa engineering! Saka mas tipid dun kahit aminin na natin na hasaan talaga yun ng utak. Kakayanin ko na lamang para sa mga pangarap.” Sabi niya sa akin
Ngiti na lang ang nagging sagot ko sa mga pahayag niyang iyon. Sa totoo lang e hindi ko naman masyadon naabsorb yung sinasabi niya. Mas nagfocus na lang siguro ako sa bawat buka ng kanyang mga labi habang sinasambit niya ang bawat katagang namumuawi sa kanyang bibig. Hoooh!
Piiiiiiiiiiiiiiiiiiiip! Piiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiip! Piiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiip!
Bumusina ang bus! May dumaan na kung ano. Napatingin ako sa paligid. Andito na pala kami. Naramdaman ko na ng tunay at wagas ang sembreak! HAHA. Bye mga maiingay at demanding na prof. sa mga basag ulo at maaarte kong kaklase at sa mga boardmate kong walang ginawa kundi magtsismisan gabi-gabi na nagiging sanhi ng pag kapuyat ko. Home sweet home na ania!. Sa wakas. Pahinga. Pahinga. Here I come!
“Bye! Salamat nga pala sa oras. Ingat ka palagi ” Wika ko sa kanya ng may kasamang ngiti sa labi.
“ingat ka din!” ang kanyang nasambit ng may kahalong ngiti sa kanyang mga labi.
Heto na ang bayan namin! Ang malamig at preskong simoy ng hangin! Eto na talaga yun. Malapit na ako sa amin. Makikita ko na sina mama at papa!