CHAPTER 3

18 1 0
                                    

                Tao po! Tao po! Naku bukas nga pala ang pinto. Haha. As usual hindi naka-lock yung bahay namin kasi nga nung dating adik na adik pa akong maglayas e lagi kong dinadala ang susi. Tapos yun! Nawala ko. Hindi na nakita… noon akala ko magiging pasakit sa akin ang pagkawala ng susi ng bahay pero habang tumatagal eh benefited pa ako, kasi nga naiinis lang ang nanay ko pag napupuyat siya pag hihintay sa akin gabi-gabi. Dahil dun hindi na ini-lolock ang pinto ng aming bahay. Take note! Atin-atin lamang to kahit araw at walang tao sa bahay e hindi yun ikinakandado. Sshhhh! :]

                Pagpasok ko! Boom! Nasaan si nanay? Nasaan si tatay? Anong oras na ba? Naku! Baka nasa palengke pa si mama at uuwi pa lang galing sa trabaho si papa. May mga kapatid pa naman ako. Yung bunso naming e medyo geek tapos yung kasunod ko naman ay yun happy go lucky na katulad ko ang pagkakaiba lang naming masyado siyang conscious sa sarili, gusto laging mabango, mukhang presentable. Pa-pogi kumbaga ay hindi rin naman. Pero sa dalawa kong kapatid e yun ang pinaka-paborito ko. Lagi ko kasing kasama sa kalokohan yun.

                Ipinatong ko na yung bag na dala-dala ko. Naghubad ako ng sapatos. Isinunod ang medyas. Tapos binasketball ko yun papunta sa lalagyan ng lalabhan. Lagi naming ganun kaya noong haiskul pa lamang ako e lagi kaming magkaaway ni mama. Paano na lang daw ako magkokolehiyo napakaburara ko naman daw! Pero ngayon naman e medyo nagbago na ako. Natuto na akong mamlantsa, magluto, maglinis at maglaba. Pero pag umuuwi ako sa amin feeling donya ulit ako. Madalang na naman ito. Sulitin na ania.

                Binuksan ko ang tv. Pinatay ko ang tv. Boriiiiiiiiiiiiiiiing! Hindi talaga ako fan ng tv kaya kong mabuhay ng walang tv kahit buong buhay ko. Kasi noon naman pag-gising ko sa umaga e magpapatugtog lang ako ng malakas, magtitimpla ng kape, uubusin, tatanga sa salamin, madedepress sa makikita, titingin sa kapatid ko! Biglang ngingiti at magsasabing thank you Lord! Blessed pa din pala ako. Hihihi. Sa totoo lang kayak o din naming mabuhay ng walng cellfone dahil isa pa yun sa abala sa buhay ang mahal pang kaadikan. Pero speaking of cellfone!...

                Meron nga palang nagtext sa akin kanina! Sino kaya yun? Hmm… hihintayin ko na lamang. Teka lang magbibihis lamang ako…

                6:55pm wala pa rin si mama, wala pa rin si papa, o kahit sino pa sa kapatid ko! Asan kaya sila? Ng biglang…

“Tao po! Tao po! Tao po!” sabi ng lalaking pamilyar ang boses na nasa labas.

                Tumayo ako sa kinauupuan ko. Kinikilala ko yung boses ng tumatawag sa akin… unti-unting may mga alaalang ilit na nagsusumiksik sa utak ko. Magulo. Madami. Nakakalito. Sino ka? Pagkatapos nito ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko… nakakabingi! Nakakabingi ang katahimikan. Hanggang sa…

“Andrea! Nanjan ka na ba?” wika ulit ng tinig na nagmumula sa labas ng aming tahanan.

                Aha! Kilala ko na! si Tonyong makapal ang kilay yun. Naku nakalimutan ko tuloy! Pero infairness namiss ko ang gunggong nay un. Kahit medyo masama ang ugali nun at demanding yun, friends forever naman kami nun. Naaalala ko tuloy ang mga eksena namin noon, uuwi ng bahay! Magbibihis lang, kakain, tapos susunduin niya na ulit ako sa amin para maglayas kahit 10pm na at aware kami na may curfew e wala kaming pakialam. Ang mahalaga kami ay masaya. Naaalala ko din na noon medyo weird ang mga pinaggagawa naming. Maglalakd kami pauwi sa amin tapos pag yung tipong malapit na sa amin saka palang kami sasakay, para nga naman may time pa kami par makapag- usap mas mahaba di ba? Madami pa kaming kabalbalan na ginagawa habang magkasama. Tulad ng bonding naming pag nakain ng lugaw tapos maglalaro kami at yung patis ang pagttripan naming, kung sino ang matalo siya ang iinom ng isang kutsarang patis! Medyo weird pero dun talaga kami masaya, kung alam lang nila. Pero habang binabalikan ko ang mga pangyayari ay bigla akong nagising sa katotohanan

                Naku! Binuksan niya na ang pinto. Dali-dali akong tumakbo! Medyo may kakapalan talaga ng pagmumukha ang batang ito. Dire-diretso lang pasok! Agad-agad akong bumaba at binuksan ang pinto. Slow motion ang pangyayari. Yung amoy na yun! Yun talaga yun! Parehas pa rin pala kami ng pabango hanggang ngayon. Medyo kinakabahan pa ako sa mga sandaling yun. Ano na kayang hitsura ng mokong na ito? Kunsabagay nakikita ko pa rin naman siya sa facebook pero puzzled pa din ako kung ano na nga talaga.

                “Creaaaaaaaaak!” sabi ng pintong medyo high pitch na ang tunog dahil sa kalumaan.

                Nakita ko na ang kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko kanina. Nakatayo siya sa harap ko at yun. May nagbago ba? Oo naman siguro kahit na nandun pa din yung makapal niyang kilay ang sobrang puti niyang mukha at ang ilong niyang malaki pero pinagmamalaki niya sa aking matangos naman daw pag naka side view. Pero teka! Nabawasan ang bigote?! Ui malinis ang mukha. Pero mas bagay. Ngayon hindi na siya mukhang adik na laging mukhang papatay. Payatot pa din siya saka mukhang hindi masyadong tumaas. Kawawang bata nga naman! Pero sa totoo lang cute pa din siya tulad ng dati. Kung hindi lang siguro kami close ng batag ito baka nagka-crush na ako dito. Hihi :]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Ibabaw ng BubongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon