It started out as a feeling
Which then grew into a hope
Which then turned into a quiet thought
Which then turned into a quiet word
And then that word grew louder and louder
Til it was a battle cry
I'll come back
When you call me
No need to say goodbye
-an excerpt from "the call"
Sumikat na naman si haring araw sa silangan mula sa paglubog niya noong nakaraang araw sa kanluran. Just like the old times nakasanayan ko nang gumising ng maaga dahil sa hindi nababagong oras ng aking pagpasok araw-araw. Ngunit sa kadahilanang masyado napaaga yata ag gising ng bata, napaaga din ang pagligo ko. 5:30am pa lang naka-uniform na ang bata.
Habang nakatunganga at nag-iisip ng pagkakaabalahan sa buhay, nakita ko yung radyo na ipnahiram ng aming land lady ng boarding house. Pagtiyagaan daw muna dahil wala pang tv.
Kaya ini-on ko iyon at isi-net sa pinakamahinang tunog na kulang na lang ay ilapit ko' yung tenga ko sa nangangalawang na speaker para lang marinig ang tugtog. Marami na palang bagong music ngayon. Parang noon lang eh lagi akong updated sa top 20 hit chart. Samantalang ngayon ilang buwan lang akong hindi nakakapamalita sa mga nangyayari sa telebisyon, hindi ko na rin alam na tapos na pala ang PBB Teens at napalitan na ng X Factor. Siya nga naman ang tagal ko na din pala dito sa Boarding house at kahit noon na buhay ko ang telebisyon hindi ko na hinahanap-hanap ito. Sa aking pagninilay-nilay, bigalang napukaw ang aking atensyon sa sumunod na tugtog ng radyo.
“Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay” kanta ng Apo Hiking Society yan at bigla akong natigilan at bumalik sa aking gunita ang mga pangyayaring biglang nagpabilis ng daloy ng aking dugo at nagpanginig sa aking mga kalamnan. May naalala ako, isang kaibigan, kausap at karamay sa lahat ng bagay. Halos anim na buwan na rin kaming hindi nagkikita. Marahil siya na ang itinuturing kong matalik na kaibigan.
Nakilala ko siya noong lumipat kami noon sa aming probinsya at sa isang hindi maipapaliwanag na kaganapan hindi ko rin alam kung bakit nagkasundo ang isang batang maingay at batang masungit at tahimik.
Noon akala ko magkaiba kami, ngunit habang lumalaon ang panahon at nakikilala ko na ang tunay na siya ay marami pala kaming pagkakatulad at marami akong gusto na gusto niya rin. Minsan nga ang babaw ng pinag-aawayan namin. 'Yung mga tipong kung sino ang unang nakakita noon, sino ang nanggaya at kung anu-ano pa.
Habang inaalala ko ang pangyayari bigla kong naulinigan ang pagpatak ng ulan sa bubong ng aming boarding house. 6:30 pa lang maaga pa talaga.
Bumalik ako sa pag-alala sa mga nakaraan hanggang sa maalala ko ang bubong. Ang maksaysayang bubong. Bubong ang naging saksi ng lahat.
Bagong lipat kami noon. Dati kasi akong Manila Girl. Isa naman siyang anak-mayaman na nagmamay-ari ng isang napakalaking lupain malapit sa aming bagong bahay. Naaalala ko ang mga panahong nalulungkot ako sapagkat namimiss ko ang mga kaibigan ko sa siyudad, nag-emote muna ako sa bubong ng aming bahay. Nakita ko siya noon habang nakikipaglaro ng badminton sa mga kasama niya. Napansin ko ang magara niyang pananamit noong mga panahong iyon, hindi ko pa alam na siya ang anak ng amo ng tatay ko.